Chapter 46 : One Fine Day

1K 30 0
                                    

Chapter 46 : One Fine Day.






CZERINNA.



"Pero Cz---Sige, subukan mong bumangon diyan ako na mismo lulumpo sayo!" Sinamahan ko pa nang panlalaki nang mata para mas maging effective ang banta ko.


Yuko ang ulong bumalik naman si Blaze sa pagkakahiga sa kama kaya pumihit ako para harapin naman ang mga bakalboys.


"Bakit hindi niyo sinabi sakin agad?" Tanong ko.


"Ahm..kasi Boss Madam gusto sana naming magpahinga ka muna..Aray! Dahan dahan naman Ms. Sashi!" I rolled my eyeballs and cross my arms in front of my chest.


"G-galit ka ba, Boss Madam?" Mula kay James, lumipat kay Vincent ang tingin ko.


*sigh* "Oo."


"Boss Madam naman..!" Micheal exclaimed.


Nilingon ko si Blaze na bumalik sa pagkahiga at saka ako naupo sa gilid nang kama niya habang direcho ang tingin sa anim.


"Boss Madam, wag ka nang magalit.."


I blew a heavy sigh saka marahang umiling. "Honestly, di ako galit sa inyo. Naiinis lang ako kasi naglihim kayo sakin. As a matter of fact, thankful pa nga ako kasi tinupad niyo yung promise niyong po-protektahan niyo si Blaze.." Mahabang sabi ko.



"Sus! Wala yun Boss Madam! Syempre, Bakal boys mo nga kami diba? Kaya your wish is our command. At ang salita mo ang batas na susundin naming lahat, diba boys?" Ani Cedric sabay tingin sa lima na nagsipag tanguan.


Napangiti naman ako.



I'm really thankful to these guys. Kung wala sila, malamang mas katakot takot na hirap ang daranasin ni Blaze sa kamay nang mga bully na yun. Speaking of..


"Hindi niyo ba talaga alam kung bakit binu-bully si Blaze nang mga gagong yun?" Seryoso ang mukhang tanong ko.


Tumahimik naman silang anim at nagtinginan. At hindi yun nakaligtas sa mga mata ko.

"May tinatago ba kayo sakin? Baka naman may gusto kayong sabihin na dapat kong malaman.."



Gaya kanina, nagpalitan muna sila nang makahulugang tingin kaya nagpalitan din sa pagtaas ang magkabila kong kilay.


Tumango ako nang sumenyas sina Sashi at Eurika na lalabas muna sila. Andito nga pala kami ngayon sa boys dorm, sa kwarto ni Blaze. May lagnat kasi siya kaya dito na kami tumuloy.



"Meron, Boss Madam!" Mabilis na sagot ni Vincent kaya pati ang ibang bakal boys gulat na napalingon din sa kanya.


"A-ano?" *gulped* Infairness, medyo kinabahan ako dahil seryoso ang itsura ni Vincent habang nakatingin sakin.


"Sure ka Boss Madam?" Tumango ako.

Pero biglang nanlaki ang mata ko nang humawak siya sa butones nang suot niyang pantalon. "Pisti ka Vicente! Gusto mo nang mamatay?!" Sigaw ko habang nakatakip nang palad sa mata.


"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Bakal boys.




Hype! Kinabahan pa man din ako, kalokohan lang pala ang gagawin nang gagong lalaking 'to!











JAIRUS.



Nakaka boring.. makapag facebook na nga lang muna.


The Majesty's Princess || #Wattys2018Where stories live. Discover now