Chapter 28: Perfect Birth Date

1.7K 33 1
                                    

Chapter 28 : Perfect Birth Date.





JULY 13, 20** [ THURSDAY ]






THIRD PERSON. ( 10:15 AM )




Gaya ng tipikal na classroom, may kanya-kanyang mundo ang mga estudyante ng CLASS THREE-D.
May mga estudyanteng lalaking naghaharutan, merong mga nagpupukulan ng crumpled papers habang masayang nagtatawanan. Habang ang mga babae naman, abala rin sa kanya-kanyang ginagawa.


Nakapaikot kay Margux ang mga kaibigan niya dahil nagku-kwento ang babae ng tungkol sa mga na-expirience nito sa iba't-ibang bansang napuntahan.

Sa kabilang banda, mahinang nag-uusap sina Eurika at Sashi para sa gagawing surpresa kay Czerinna pagtapos ng klase.


Umalis si Czerinna sa classroom at bumalik sa dorm para balikan ang naiwang gamit na kailangan sa kanilang Art Class.






Tila huminto naman ang mundo ng mga tao sa buong classroom ng kala mo haring isa-isang nagpasukan ang limang lalaki, na walang iba kundi ang MAJESTY.






Dahil Huwebes ngayon, ito lang ang araw sa buong isang Linggo kung san pumapasok ang lima. Hindi mo pa nga masasabing talagang pumapasok ang mga ito dahil di naman sila nagtatagal ng isang oras sa loob ng classroom.



Malaki ang ngiting tumayo naman si Margux at lumakad para salubungin ang lima. Siniguro niya pang nakaharang siya sa daraanan ng mga ito, pero tila balewala naman sa nauunang si Richmond ang presensya ng babae, tuloy tuloy lang ang binata sa paglakad na sinundan ni Brent na tinabig pa sa balikat ang muntik ng matumbang babae.



"Pfffft..." mahinang tawa naman ng magkaibigang Eurika at Sashi sa nakita.




Bumalik naman sa maayos na pagtayo si Margux na buti nalang at nakakapit sa sandalan ng upuan ng tabigin ni Brent. Saka malaki ang ngiting hinarap ang palapit ng si Ythan.



"Hi Ythan! How's Ninong?" Anang babae.



Patamad namang tinignan ni Ythan si Margux na lalong lumaki ang ngiti ng makitang huminto pa sa paglakad ang binata.


"It's been awhile since i last saw him" Nilakasan pa ng babae ang pagsabi na sadyang pinaparinig para ipa inggit sa mga kaklase na malapit siya sa Chairman ng school.



Ythan gave him a bored saka walang sabi-sabing inilagay ang palad sa mukha ng babae at saka ito hinawi patagilid gamit ang palad.




Nagtawanan naman ang mga lalaking estudyante sa ginawa ng binata sa pangunguna ni Jairus na kitang kita ang mga pangyayari dahil nasa likuran siya ni Ythan na nagpatuloy na sa paglakad.



"YAHHH!!" Gigil na sigaw ni Margux saka sinamaan ng tingin ang mga tumatawang kaklase bago binalingan si Ythan. "I'll make sure na makakarating 'to kay Ninong!"



Nakapamulsa ang dalawang kamay na nilingon naman ni Ythan ang nangagalaiting babae.


"Tss.. do a threat that makes me scared.." Saka nagpatuloy sa paglakad.



"Pfttttt.." Jairus na tinapik pa sa balikat ang lalong nang galaiting si Margux. "Better luck next time.." dagdag pa nito bago sumunod sa nauunang si Ythan.






The Majesty's Princess || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon