4: Bye... for now?

22 1 8
                                    

MARIANNE'S POV

"Our relationship will die but our love will live on, right?" Sabi ni Taeyong at batid ko yung lungkot sa boses niya habang yakap namin yung isa't-isa.

"Is that really hard for them to accept that we love each other?" Naiiyak na tanong ko.

Hindi ako iyaking tao pero bullshit! Sinong tao na ang hindi iiyak kapag pinaghihiwalay na kayo, diba?!

Bumitiw siya sa pagkakayakap sakin tsaka niya pinahid yung mga luha ko.

"Hey, cheer up. Just let them feel what they want to feel toward us, okay? What important is, our love for each other..." Nakangiting sabi niya sakin. Alam kong nalulungkot at nasasaktan din siya pero ayaw niya yung ipakita sakin para pagaanin niya yung nararamdaman ko.

Gaano ba talaga kasi kahirap na tanggapin para sa kanila na mahal namin yung isa't-isa? Mahirap bang maging masaya kapag ako naman yung masaya? Tao lang kami, at nagmamahal din kami. Ano ba yung hindi katanggap-tanggap sa taong nagmamahal lang naman, diba?

"But----"

"Hush, Jagi... In their eyes, we're over. But in our heart, we're still together..." Nakangiting sabi niya tsaka niya pinahid yung luha ko gamit yung thumb niya. "Stop crying. You look ugly." Nang-aasar na sabi niya kaya hinampas ko siya sa braso niya tsaka ko siya inirapan pero tinawanan niya lang ako.

"You're so mean. Hindi mo na ko mahal, noh?" Sabi ko kaya huminto siya sa pagtawa atsaka siya yumakap sakin.

"Stupid. Of course, I love you so much. Tsk." Sabi niya habang nakayakap siya sakin. Psh. Damn him. Pasalamat siya mahal ko siya kaya hindi ako naiinis kapag sinasabi niyang 'stupid' ako.

"Psh. So, what are we going to do? No relationship and no communication. Do you think, we can surpass that?" Tanong ko sa kanya kaya muli niya kong inilayo mula sa kanya tsaka niya inayos yung ilang hibla ng buhok ko.

He smiled at me. "Everything will be alright. As long as we have this..." Sabi niya at pinakita niya sakin yung singsing na nasa daliri tsaka niya hinawakan yung kamay ko at pinagmasdan niya yung singsing ko sa daliri ko. "...No one can separate us. Even the world is against us, I don't care as long as you love me. I love you, Jagi. Please, do remember that." Sabi niya then he kissed my forehead. At bigla nalang akong may naramdamang likido na tumulo sa kamay ko na hawak ni Taeyong kaya sinubukan kong tingnan yung mukha niya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit at naramdaman ko yung panginginig ng mga balikat niya.

My heart broke into pieces nung maramdaman kong nababasa yung balikat ko kaya hindi ko narin maiwasang mapaiyak tsako hinigpitan yung pagkakayakap ko sa kanya. Damn.

This is our last day. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinsulto ba ko sa huling pagkikita na binigay samin ng Entertainment namin ni Taeyong. Natutuwa ako dahil may isang araw silang binigay samin bago kami maghiwalay pero naiinsulto ako dahil pakiramdam ko, pinaglalaruan nila yung nararamdaman namin. Pilit nila kaming pinaglalayo simula nung malaman ng media yung tungkol samin at nabash kaming dalawa. Kesyo, hindi daw kami bagay. Ts. Tangina nila. Gusto kong isigaw sa mga bashers ko na 'Bakit, kayo bagay?!'. Ano bang akala nila? Na pag naghiwalay kami ni Taeyong, sila naman yung magiging girlfriend niya?! Psh. Minsan na nga lang maging masaya, hinahadlangan pa.😐 At ito pa yung mas nakakainis. Pinapili nila kaming dalawa ni Taeyong. Kung maghihiwalay daw kami o kami parin pero may isa sa amin na maki-kick-out. Ayaw naman namin ng ganon. Ang galing nilang gumawa ng choices, noh? Yung sure na sure sila na pipiliin agad namin yung pang-una. Ts. Ayokong bumaba yung career ni Taeyong nang dahil sakin at ayaw din naman niyang bumaba yung career ko nang dahil naman sa kanya. So, yeah. We decided to broke up. Hindi naman sa sinusuko namin yung isa't-isa. We really love each other kaya ni-let go nalang namin yung isa't-isa. Hindi naman kasi lahat dapat pinipilit eh. As long as he loves me, may panghahawakan ako.

"Even though we are far apart, my love for you will never part..." Sabi niya tsaka niya hinigpitan yung yakap niya sakin kaya sunod-sunod na tumulo yung luha ko. "Promise me, Jagi. After this shit we will go back to each other's arms..." Sabi niya kaya napahagulgol nalang ako.

"Y-yeah, P-Promise..." Lumuluhang sabi ko. Hinarap niya ko sa kanya tsaka niya pinunasan yung luha ko at ngumiti ng pilit.

"Don't you ever dare to forget me..." Sabi niya kaya tumango ako sa kanya. "I won't." Sabi ko habang patuloy sa pag-agos yung luha ko.

Ang sakit. Mahal niyo nga yung isa't-isa pero hindi naman pwedeng maging kayo. Psh.

"Always take care of yourself. Eat on time. Don't stress yourself, okay?" Paalala niya sakin pero imbes na matuwa ako, mas nasasaktan ako. Dati kasi, tinatawagan niya pa ko lagi para lang masabi niya yung mga bagay na yun tapos ngayon? Ito na siguro yung huling beses na maririnig ko mula sa kanya yan. Damn.

Konting oras nalang ang natitira at hindi ko na alam kung pagtatagpuin pa nga ba kami. Hanggang dito nalang ba kami? Nagmamahalan pero mukhang hindi muling pagtatagpuin. Nagmahal pero lahat ay sagabal. Masaya ngunit may gumagambala. Ganito nalang ba kami ni Taeyong? Sa ganito nalang ba iikot yung storya namin?

Pinagdikit niya yung noo naming dalawa habang hawak namin yung kamay ng isa't-isa.

"J-Jagi, saranghae..." Sabi niya at kitang-kita ko kung paanong tumulo yung luha niya pababa sa pisngi niya kaya mas nasaktan ako.

"N-Nado saranghae, Jagi..." Sagot ko at kasabay ng pagtulo ng luha ko ay yung pagtunog ng alarm---tapos na yung oras na binigay samin kaya mas naiyak ako.

Pinunasan yung luha ko at inayos yung buhok ko.

Ilang minuto muna kaming nakatingin sa isa't-isa dahil baka nga ito na yung huling beses na makikita namin yung isa't-isa.

"Bye... for now..." Sabi niya then he kissed my forehead. At unti-unti ko nalang na naramdaman na binibitawan na niya yung kamay ko.

💚

Agad kong pinunasan yung luha ko habang nasa tapat palang ako ng pinto ng dorm namin at walang gana akong pumasok sa loob.

"Oh? Tapos na agad kayong magdrama ni T-Yong?" Bungad sakin ni Ella pero inirapan ko lang siya tsaka ako umupo sa isang couch.

Agad na lumapit sakin yung mga ka-members ko at niyakap nila ko maliban kay Ella na umupo lang sa katapat kong upuan.

"Binigyan na nga kayo ng oras eh! Sana nilubos niyo na! Sana nagpabuntis ka na! Wala man si T-Yong sa tabi mo, atleast meron kang anak niyo na aalagaan mo! Duh~" Sabi ni Ella kaya tiningnan ko siya ng 'WHAT-THE-FUCK-LOOK'. Wala talagang filter yung bibig nung babaeng 'to eh.

"Yah! Anong klaseng advice yan?!" Natatawang tanong ni Daniella at nagsitawa narin yung iba.

"Oo nga! Malay mo matanggap na kayo ng lahat kapag nangyari yun!" Natatawang sabi ni Carmela kaya inirapan ko siya.

Psh. Ganito talaga yung mga kaibigan, noh? Kung kailan ka seryoso tsaka naman sila siraulo. Paano nila nagagawang magsaya habang nasasaktan ako? Hays.

Ano na ang gagawin ko? Saan ako magsisimula? Nabuhay ako ng wala siya sa tabi ko pero sinimulan ko ulit mamuhay na kasama siya sa mga plano ko. Kakayanin ko ba 'to?

Jagi...

----
A/N. HINDI YAN MASAKIT AH! SORRY KUNG PANGIT TSAKA MAIGSI. HAHAHAHA.💚

Forever Fan of YoursWhere stories live. Discover now