Inabot din kami ng isa't kalahating oras bago namin natapos lahat para sa game na gagawin namin, natawa na lang ako kasi talagang pinaghandaan namin 'tong game na 'to. 8:30 na at ngayon pa lang kami magsisimula sa laro, may mga katabi kaming pagkain. Pancit canton, tinapay, junk foods at chocolates, meron ding juice. O diba ang bongga ng truth or dare namin.

Nasa gitna yung bote, nasa gilid ko naman yung dalawang bowl kung nasaan yung mga tanong para sa truth at yung dares para sa dare.

"So game na! Ako unang magpapaikot!" Sabi ni Lisa, at dahil inikot niya na nga ang bote wala na kaming nagawa. Tumapat ang bote kay Luhan kaya napangiti ng malawak si Lisa.

"So... truth or dare?"

"Dare." Inilapit ko naman kay Luhan yung bowl na may lamang papers kung saan nakasulat ang mga dare, natatawa talaga ako sa mga isinulat naming dares ni Anthony. Wahahaha! Bumunot siya ng isa atsaka iyon binigay kay Lisa, isa kasi sa rule 'yon. Na kung sino ang nag-ikot ng bote siya ang unang babasa nung nabunot mo.

"HAHAHHAHAHAHAHAA! OMG!!!"

"Hoy Lisa! Ano yaaan! Patingin!"

"OMG!! HAHAHAHA, lagot ka Luhan!!"

"Uy pasilip din akooo." Sabi ni Stephan pero tinulak lang siya nung kapatid niya. Hahahaha!

"Lisa ano ba yan, basahin mo na nga. Pinapakaba niyo ako eh!"

"Ito na, hahahaha! Ehem... do the ballet dance."

"Putang-ina. Mark!!!"

"HAHAHAHAHAHHAHAHHAHA!" tawa kami ng tawa habang ginagawa ni Luhan yung dare ng nakasimagot, wahahaha. Nakavideo din kasi siya. Mwahahahaha.

"Okay, tama na yan next na! Ako naman ang magpapaikot." Sabi niya atsaka kami nginisian, syets kinabahan tuloy ako. Ano ba pipiliin ko? Truth or dare? Pero siguro naman hindi pa ako yung next.

"Gotcha! Maxine. Mwahahahaha!" Parang tanga namang tumawa si Luhan, hahahaha!

"Wag kang tumawa tawa dyan. Truth."

"Naks, ang tapang mo babes ah!"

"Tigilan mo ako Stephan, at baka lumipad ka sa pinakasulok nitong sala." Tinawanan lang siya ni Stephan kaya mas lalong nainis si bessy.

"Tama na nga yan, masyado na kayong sweet." Sinamaan agad ako ng tingin ni bessy, sabi na eh. May something sa dalawang 'to.

"Game, ito na yung tanong mo. Anong meron sa inyo ni Stephan?" Tadhana nga naman, yung kay Stephan talaga ang nabunot ni bessy, bwahahaha. Lahat naman nilagyan ko, meron pa ngang 'Anong meron sa inyo nung kapit bahay niyo?' Na tanong eh, kaso wala eh, destiny na gumawa ng paraan. Bwahahaha!

"Hoy, dinuduga niyo ako. Patingin nga!"

"Anong dinuduga? Oh ayan basahin mong maigi." Binigay naman ni Stephan yung paper at binasa yon ni bessy, agad siyang sumimangot atsaka masama kaming tiningnan.

"Bessy, ano-anong pinag-gagagawa niyong questions ni Mark ha!"

"Oy bessy, gumawa lang kami ng questions! Kayo ang bumubunot, kasalanan ba namin na yan nabunot mo."

"Anyenyenye, oo na game. Anong meron sa amin ni Stephan? Uh..." Parang hirap na hirap mag-explain si bessy, kami naman tutok na tutok sa sasabihin niya.

"Hay nako babes, ako na nga ang magsasabi." Biglang singit ni Stephan atsaka humarap sa amin. "Nililigawan ko si Maxine." Sabi niya atsaka ngumiti ng malapad sa amin. OMG! Napuno tuloy sila ng asaran, at si bessy sobrang pula na! Wahahaha!

"Kaya pala nung isang araw eh ganon." Sabi ko kaya binato ako ni bessy ng unan na katabi niya, hahaha!

"Game na, tuloy na natin."

"Okaaaay! Go Lisaa! Bwahahahaha."

"Truth!!"

"So ito ang tanong... sino sa tatlo ang crush mo? Si Stephan, Luhan, o Tyler?"

"Teka... ba't kasama si Tyler!"

"Ayieeee, selos si Stephanie!"

"Hoy, hindi ha!"

"Wag kang mag-alala Stephanie, si Luhan yung crush ko." Pagkasabing-pagkasabi nun ni Lisa bigla kaming tumahimik. "Ow-em-gee. Joke lang 'yon!" Agad niyang sabi nung marealize niya kung anong nagyari, naks mukhang nagkakaroon ng sparks ang barkada. Hahahaha!

Natapos ang truth or dare namin ng 11pm, wala ng nareveal na secrets after nung kay Lisa, kasi puro dare na ang pinili namin, kaya heto kami ngayon pinapanuod yung mga videos ng kahihiyan namin kanina. Paano kaya kung hindi sila dumating? Paano kaya kung hindi sila yung pinadala ng school nila para maging exchanged students sa Academy namin, magiging ganito kaya ulit ako kasaya?

-

4/5/16

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon