Chapter 4

8.1K 302 5
                                    

🌺

Nagsisimula na ang ingay sa buong paligid. Kahit malakas ang airconditioner ay tila naiinitan pa rin ang mga taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Nangingintab sa mga pawis, nakataas ang mga kamay habang sinasabayan ang malikot na musikang pumapailanlang sa hangin.
People were partying as if it were their final night on Earth. They say that when you dance, you forget about your problems. Or when you consume alcoholic beverages, and you are not bothered by the subsequent hangover. Having a good time like there's no tomorrow. Socializing, meeting strangers, and possibly a few hook ups. A night of casual sex, even if you're not sure if they told you their real names.
"Where did you meet that Greek God? Kung hindi lang siya naka-uniform, baka kanina pa siya sinugod ng mga beki rito!" bulong ni Lowella sa tainga ko. Nasa tabi ko siya habang iginagalaw niya ang ulo sa saliw ng tugtog.
"Do you think he will like me?" I asked her.
"But of course!" eksaherada niyang sagot. "Ang ganda-ganda mo kaya. Look at you. Taller than most other girls, with brown eyes and long eyelashes, attractive nose, natural red lips, smooth skin and hell your hair... Kahit ano'ng ayos mo sa buhok mo ay para ka pa ring model. Shit! Model ka nga pala." Umikot ang mga mata niya sa hangin.
"He's my classmate," sabi ko sa kanya. Napangisi ako habang nakatingin kay Thorn na nakapamulsa at kasalukuyang pinanonood ang mga nagsasayawan. Hindi maipinta ang mukha niya at pasipa-sipa sa sahig. I wonder if he's been here before.
"Shocks, Ada! Nakapagdala ka kaagad ng bagong lalaki mo? On your first day of school!" Pinandilatan niya ako.
Iniangat ko ang dibdib. "Of course. That's what we call charm, Wella," nagmamalaki kong sabi. "Siya ang Presidente ng klase namin. And he's tutoring me for awhile," dugtong ko pa sabay abot ng iniinom niyang wine kahit kauubos ko lang ng isa. Sinaid ko agad iyon. Mabilis din na sinalinan ng bartender ang dalawang baso.
Malakas siyang tumawa. "Saan mo naman balak binyagan iyan?" she giggled.
"Upstairs. Inside my room." May nirerentahan akong silid sa itaas ng bar na ito. Alam iyon ni Rich. Madalas kasi, kapag masyado nang gabi, hindi na ako umuuwi at nagho-hotel na lang. Or nagre-rent ng room kung saan puwede. But tonight, Rich wouldn't probably know that I'm here again.
"Can I join?" she asked with a naughty smile.
"Nah! He's mine!" I took another glass of wine. "Nagmamadali siya. I have to double time."
"Hindi pa ba double time ang tawag diyan? You just met him!"
"Gusto ko siyang subukan. Thought he's gay kanina."
Natawa siyang muli. "Sayang siya if that's the case." Patingin-tingin siya sa kinatatayuan ni Thorn.
"We will see."
"Good luck to that!" Pinagdikit namin ang mga baso saka uminom.
Naglakad ako pabalik kay Thorn. Nagulat siya nang bigla kong hawakan ang kamay niya.
"A-Are you done?" gulat niyang tanong. "N-Nakuha mo na?"
Nginitian ko siya. I told him that we'd just get something from here. Inilapit ko ang labi sa likod ng tainga niya. Naramdaman ko ang bahagya niyang paninigas. I thought Thorn Reid was hard to get. He appears to be the same as the others.
"Samahan mo 'ko. Kukunin ko sa itaas." I yanked him off the dance floor without saying another word.
Sumakay kami ng elevator. I felt warm, but I'm not sure if it came from the outside or from within me. Binitiwan ko ang kamay niya para itaas ang buhok ko.
"Kukunin ko lang 'yong gamit ko," sabi ko habang nakaharap sa kanya.
Hindi siya sumagot. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Pero nahuli ko ang paggalaw ng kanyang adams apple.
Nauna akong lumabas ng elevator. Hinanap ko ang susi mula sa bag na dala ko at saka tinahak ang maliit na pasilyo patungong kuwarto. Umiindap-indap ang isang bombilya sa dulo. It toggled the brightness on and off. I could feel the heat radiating from all around us.
"Paano ka nagkaroon ng kuwarto rito?" he inquired. I noticed him looking around and assessing the surroundings. His hands are still buried deep within his pockets.
"Madalas ako rito. And sometimes... No. Most of the time, hindi na ako umuuwi. Dito na 'ko nagpapalipas ng gabi."
Bumukas ang pinto pag-ikot ko ng susi. I switched on the lights. Pumasok ako sa loob at naramdaman ko ang kanyang pagsunod. I heard a click as the door closed. And I could smell his manly scent near me.
Malinis ang loob ng kuwarto. Kahit simple lang ito with one bed, white sheets and white pillows, a white blanket, a side table made of wood, a small steel cabinet, and a white drawer in front of a full length standing mirror. Hindi ako umaalis na hindi inaayos ang mga kalat ko. I'm an organized person kahit magulo ang buhay ko.
Inilapag ko ang bag sa ibabaw ng drawer. May mga damit ako rito in case I need to change. And I think I'm going to have to get rid of these clothes right now. Natapos na ang palabas ko sa unang araw sa panibagong eskuwelahan.
Or is it?
Tinalikuran ko siya. I immediately removed my top. Hindi ko alam ang reaksiyon niya dahil nakatalikod ako. Isinunod kong hinubad ang maikling shorts na suot ko. Wala pa rin akong marinig.
Psh! Kung ibang lalaki lang siya, kanina pa siguro nakayakap sa katawan ko. O marahil ay dinakma na ang malulusog kong dibdib.
Ah! Hindi ako magtitiyaga sa isang kagaya niya? He looks boring and soft.
I opened the small cabinet containing my clothes. Hindi na ako nagsuot ng bra. Isang makapal na black shirt na hapit sa katawan at red above the knee skirt na lang ang isinuot ko. Baka nga pauwiin ko na lang ang isang ito at dito na 'ko matulog. I don't have time to go back to that freaking school tomorrow.
Ewan ko kung bakit naiinis ako habang nagbibihis. Muli kong hinarap si Thorn. Nakatayo lamang siya, nakasandal sa hamba ng pintuan at mukhang pinanonood lamang lahat ng kilos ko. His arms were crossed on his chest and his eyes were dark, looking straight at me.
"I never thought the Ada Rhyce I knew would be like this."
Kumunot ang noo ko. He knew? Well, siguro nga. My family is well-known, and we own a number of restaurants na dinarayo maging ng mga turista. I have previously been featured in a famous magazine. I got three commercials advertising our products.
Hilaw akong natawa. "The person you knew and the person in front of you are not the same. Dahil ang Ada Rhyce na kilala mo ay isang perpektong babae na nakasulat lang sa papel."
Binukas ko ang drawer. Naroon ang mga aklat na kukunin ko sana pero parang nagbago ang isip ko. Galit akong bumaling sa kanya. "Tell me, what kind of Ada Rhyce do you think I was?"
Dumiretso siya ng tayo. Marahang naglakad palapit sa kinalalagyan ko.
"You're right. Ang Ada Rhyce na kilala ko ay isang perpektong babae." Hindi niya inaalis ang tingin sa akin. "She's rich, smart..." Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. "And sexy." Napalunok ako sa huling sinabi niya. "Hindi ko alam na ganito ka lang pala."
Parang may tumarak sa dibdib ko. Masakit. It's like I was hit by a train and my whole body got wrecked. No one ever talked to me like that. Even my closest friend. Hindi pa ako nasaktan ng ganito.
"Ilang lalaki na ang dinala mo rito, Ms. Matilda Rhyce? Lima? Sampu? Isang dosena?"
Nagtapat ang aming mukha. I couldn't think or breathe properly.
"I didn't know you're this cheap," he insulted me.
Mabilis ang paglipad ng kamay ko sa mukha niya, kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

I Knew I Loved YouWhere stories live. Discover now