Chapter 16

7.5K 266 9
                                    

🌺

Nakatutok ang paningin ko sa mga naglalabas-masok na mga estudyante. May mga iilan na bumabaling pa rin sa puwesto ko at ang ilan naman ay tila nasasanay na sa presensiya ko. I've never stayed at a school for this long. Three days was my longest. But now, why do I even want to stay here?

Hindi na ako masyadong tinatawagan ni Rich lalo na at alam niyang nasa school ako. Pati sila Daddy at Mommy ay parang natutuwa na sa mga pagbabago ko. They sent me well messages on my Social Media Account na hindi naman nila dating ginagawa.

"You're busy or iniiwasan mo 'ko?"

"Wella, busy lang talaga. Kailangan kong sundin si Rich. Alam mo naman iyon. Pauwi na siya in a week. I really need to go back study," I explained on the phone.

"Paano 'yong mga night outs natin? Besides, Zed will be arriving soon. He'll definitely will look for you."

"Let him look for me. We're not a thing, Lowella. Siya lang nag-iisip na mayroon kami."

"That's because of what you did to him. He told everyone you're so good in bed and he's gonna get you no matter what."

Zed was a male model na nakasama ko isang gabi. Well, I just pleasured him from head to toe. Sabi ko nga, once is enough. Two is too much. Pero inisip niya na may relasyon na kami. Kung hindi siya inutusan ng pamilya niya for an important business trip, ayaw pa sana niya akong iwan. Kaya nga para akong nabunutan ng tinik nang mawala siya. Rich knew about him. And he didn't like him for me. Guwapo lang si Zed. Hindi siya pang-boyfriend material.

"Paano ang boylet mo?"

"He's not my boylet, Wella," I scoffed, irritated.

"Huwag mong sabihing, seseryosohin mo ang isang iyan?"

"So what? I like him."

Malakas na tawa ang sagot niya.

"That's the first time I've ever heard that from you, Matilda. You've only just met him. Hinahatid-sundo ka lang niya, sinasabayan kumain, gabi-gabing kausap sa phone, nakilala ang parents niya, and you already like him!"

Umigting ang panga ko.

"Ada, lahat ng lalaki ganyan ang ginagawa kapag gustong maka-score. Maganda ka, sikat, mayaman. All men will line up for you. That Thorn is just an itsy-bitsy compared to other guy you can hang out with. Gusto mo bang matali at mawala ang freedom mo? Don't be serious about him, friend. Listen to me."

Kanina pa kami tapos mag-usap ni Lowella. Hindi ko alam kung tama ba na pakinggan ko siya o itong kakaibang nararamdaman ko.

"Hi." Naamoy ko ang panlalaking pabango nang tumabi sa akin si Thorn.
"Sorry ha. May iniutos kasi sa akin si Mrs. Madrid."

"Okay lang. Bumili na ako ng food para sa atin."

Ilang araw na naming ginagawa ito. He will eat with me, sit, and talk to me. At sa ilang araw na ganito, unti-unti na akong nasasanay. And I don't know if this is good for me or not.

May mga napaparaan at tumitingin sa amin. I know they're talking about us. What does it matter? Besides, si Thorn lang ang nakikita kong kaibigan dito.
"Hatid kita ulit mamaya," aniya sabay kagat ng sandwich niya.

"Sure," I said, imitating his actions.

"Napanaginipan kita kagabi." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi.

"Good or bad dream?" I asked. If he dreamt of me, I fantasized with him. Pero hindi niya puwedeng malaman iyon.

"Good." Ngumunguya ngunit hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

"Hmm, let me guess." Sandali akong nag-isip. "Wet dreams yan, tama?"

Nawala ang ngiti niya.

Malakas akong napatawa. Tumingin tuloy sa amin ang nasa kabilang mesa.

"Ada naman. Hindi bastos ang panaginip ko pagdating sa 'yo." Is it possible that I detected tenderness in his voice?

"So what is it?" curious kong tanong. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko.
He coughed lightly and became serious all of a sudden.

"Magkasama raw tayong naglalakad sa tabing dagat. I'm holding your hand..." He looked at me intently. "We were happy. Then something happened. May malakas na hanging dumating. Bigla kang nawala sa paningin ko." Tumaas ang kamay niya. Isinabit niya sa likod ng tainga ko ang nakawalang buhok sa aking mukha. "I was looking all over for you. Pero wala ka na..." he paused.

"'T-Tapos ano'ng nangyari?" namamalikmatang tanong ko.

Bumitiw siya ng tingin sa akin. Muling kumagat ng tinapay.

"Tapos nagising na 'ko. Weird 'no?"
Natahimik ako.

"T-That was just a dream, Thorn." I don't know what came into me. I touched his hand and squeezed it. "Hindi ako mawawala."

Malungkot siyang ngumiti. He pinched my chin. "Kumain ka na."

I Knew I Loved YouWhere stories live. Discover now