Panimula

18.2K 422 6
                                    

🌺

Luntian ang bubungad sa mga estudyanteng papasok sa araw na iyon. Nakahilera ang mga bagong gupit na damo sa gilid ng daan. May mangilan-ngilan na tumutubong bulaklak taglay ang iba't-ibang kulay. Katatapos lamang ng pag-ulan at nangingintab ang bawat masinagan ng liwanag. Bahagyang malamig ang ihip ng hangin at tila madamot ang pagsikat ng haring araw.
Ipinikit ko ang pagod na mga mata at saka huminga ng malalim habang nagbibilang mula isa hanggang tatlo. Pagmulat ko ay nilingon ko ang malawak na parke upang alamin kung naroroon pa ang sasakyan ng naghatid sa akin dito.

Nanlumo ako nang mapagtantong tuluyan na nga akong iniwan ni Rich. Kahit ilang beses na nangyari ito ay hindi ko pa rin maiwasan ang makadama ng kakulangan. I don't even know what I'm doing here.
Mabagal ang galaw ng aking mga paa. Dumiretso ako papasok sa napakalaking garahe na may pinturang kulay puti at abuhin. I lifted my head and the huge signage welcomed me. Springtide University. It was written in big, bold letters and anyone will recognize the famous crest logo of the prestigious school.

I shrugged to myself and slowly walked to find for any food stall, canteen or cafeteria. Muling tumunog ang sikmura ko. Hindi na ako nakapag-almusal kanina kasesermon ni Rich. Kahit sino naman ay mawawalan ng gana kapag pinagagalitan sa harap ng hapag. Wala naman kasing bago. Palagi na lamang ganito.

It's a good thing that there was an Information Map at the entrance of the building kaya madali kong nahanap ang kantina. Pagpasok ko ay namataan ko ang iilan lang na mga estudyante na doon na nagsipag-almusal. Sinulyapan ko ang suot na relo. It's past seven in the morning. I still have enough time to eat. My first class is eight.

Hindi pa kahabaan ang pila kaya madali rin akong nakapili ng maaalmusal. I bought a wrapped chicken sandwich and a can of softdrink. I looked around and chose a table with only two seats. Sa harap ko ay isa pang bakanteng mesa na pandalawahan lang din.

Tumunog ang cell phone sa tabi ko. Pagdungaw ko ay nabasa ko ang pangalan ni Rich. Umikot ang mga mata ko sa hangin at saka napailing. Kasama ko lang siya kanina. Can't he just give me a second of freedom?

Kumagat ako mula sa sandwich at hindi na lang pinansin ang message ni Rich. For sure, sesermonan na naman niya ako at paaalalahanan ng kung ano-ano. He was always like that whenever I started a new school. He's so protective of me, but he couldn't really tie me up around the neck. That's why he kept saying I was a pain in his ass.

Psh! I'm always a pain in anyone's ass. Nobody can get in my way. After all, I am Matilda Rhyce!

Itinuloy ko ang pagkain. Napansin ko ang grupo ng mga estudyante na umupo sa likuran ko. They were both dressed in the same outfit. Uniform? In College? Really? Hindi ba sa High School lang mahigpit sa pananamit? Ano bang klase ang eskuwelahang ito? May dress code pa yata. Rich didn't inform me about this.

"Marami rin daw silang restaurant particularly sa Western Provinces. My Auntie told me that her course was also HRM. Kaya maaari natin siyang maging classmate."

Umangat ang labi ko. I couldn't help but eavesdrop. I have a feeling I know what they're talking about.

"Oo nga pala. Your Auntie was the Assistant Dean in College of Business. Sinabi ba niya kung ano'ng gender?"

"Does it matter? Gender equality exists in this school, of course. But, in any case, girl daw siya. My Auntie informed me that she is a dropout. In some other schools, she was expelled. In some parts, she simply vanished. Problema raw talaga siya ng mga eskuwelahan kaya ayaw tanggapin. Balita ko pa, she's a playgirl. May muntik pa raw magpatayan na mga college boys dahil sa kanya..."

"Shut up! Ganoon ba siya kaganda?" Her tone was sarcastic.

"Maybe. Pero malakas daw talaga ang mga parents niya at kilala sa lipunan kaya walang magawa ang mga schools kung hindi ang tanggapin siya. But in the end, sumusuko rin sa kanya."

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon