Chapter 2

10K 312 8
                                    

🌺

Biglang bumukas ang pintuan ng Dean's Office.
"Are you, Matilda Rhyce?" tanong ng babaeng pinasadahan na naman ang hitsura ko mula ulo hanggang paa. Ano ba talaga ang problema nila sa suot ko? I am Ada Rhyce, damn it!
"Yes, I am," sagot ko. Pinanatili ko ang pagtitimpi sa kaloob-looban ko.
"Please come in," ani ng babae. Kumawit ako ng mahigpit sa braso ni Rich saka taas-noong pumasok ng Dean's Office.
"Thorn, you can go back to your class now," the woman ordered.
Muli ko pang sinulyapan ang galit na mukha ni Thorn. Walang kurap ang matatalim niyang mga mata habang nakatingin pa rin sa akin. I kept my eyes from blinking and stared at him as well. Hanggang sa nagsarado ang pinto ay nanatili kaming nagtititigan.

***

Sobrang lakas ng tunog ng bell malapit sa spiral dome. Hudyat na isang oras na ang lumipas. Naglaho ang ipinangako ko sa sarili na hindi lilipas ang isang oras na naririto pa ako sa paaralang ito.
Nagpupuyos ang kalooban ko habang naglalakad pabalik muli ng classroom. Nakahawak pa rin ako ng mahigpit kay Richmond na katulad ng isang batang paslit na natatakot na iwanan siya ng kanyang ama.
"Don't leave me here, please. I'm scared of the people around me. Parang kahit anong oras ay sasaktan nila ako," sintimiyento ko.
"Ano ba'ng sinasabi mo, Ada? Walang mananakit sa 'yo rito. You're safe here." Hinarap niya ako. "And next time, don't wear those kind of clothes again. Nasa loob ka ng eskuwelahan. You kept on violating rules. Kaya hindi ka nagtatagal, eh." Huminga siya ng malalim. "Mabuti na lang at may available na uniform para sa 'yo. You look pretty by the way." Ngumisi siya.
Ipinasuot sa akin ni Dean Sta. Maria ang isang bagong uniporme na sa malas ay parang isinukat sa katawan ko. Kulay puting blusa na may necktie na dark blue, katerno ang pleated skirt na hanggang tuhod ko ang haba. But I'm still wearing my black pumps. Ipinapangako ako ni Dean na hanggang ngayon ko lang maaaring isuot ang pumps ko. I have to wear dark and flat shoes tomorrow.
"I'm always pretty. Kahit ano'ng isuot ko!" I grumbled then crossed my arms.
Natawa si Rich.
"Yeah, right," aniyang parang ayaw sumang-ayon.
"Magkamukha tayo Rich. Iisa lang ang pinanggalingan natin. Mas kamukha mo lang si Daddy at ako naman si Mommy. But all the same, our DNA are the rarest."
"Too much confidence my little sister?" he smirked at me and pinched my cheek. Talaga namang lahi kami ng mga guwapo at magaganda. Lagi kaming hinahabol. Kaya nga nakakailang relationships na siya. At ako rin. That's why they call me the play girl, duh! Once, I even two-timed. But I left them both later on. No big deal.
"Kailangan mo ba talaga akong iwan?" tanong ko nang matanaw ko na ang classroom.
"Ada, just one more year. Tapusin mo na ito, please. Kahit para sa akin na lang. Huwag na lang for Dad or for Mom." Hinawakan niya ang kamay ko. "Matalino ka. You were an honor student when we were younger. Kaya nga palagi kang naa-accelerate. Baka nga mas bata ka pa ng one to two years compared to your classmates here. Just finish this. Then you can have your freedom. You can do whatever you want."
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Pagdating kay Rich, lumalambot ang puso ko. Siya lamang kasi ang nakauunawa sa damdamin ko. Alam ko ang mga sakripisyo niya para sa akin. Ang mga ginagawa niyang pagtatanggol sa likuran ko upang huwag akong mapahamak. Kung hindi lang sa kanya, marahil ay matagal na akong bumigay.
Other people would want to trade their life from me. Hindi lamang nila alam ang buhay na mayroon ako. Ang lahat ng mga ngiti ko sa kamera ay peke. Iginuhit na lamang sa labi ko ang pagngiti dahil iyon na ang kinalakihan ko. But I hate my life. I don't even know why I exist.
"Your freedom will be yours, Ada. Just finish your schooling and you can do anything you want. Promise me."
Iniwanan nga akong muli ni Rich. Kahit ipaliwanag ko, hindi rin naman niya maiintindihan kung bakit ako nagkakaganito. I'm doing this not just for my freedom. But also for something else.
Bumalik ako sa loob ng classroom. Naroon pa rin si Ma'm at may dini-discuss. I believe she teaches Beverage Management, which is one of our major subjects. The majority of the class looked at me as if they didn't expect me to return. That's exactly what I was thinking.
Natapos ang unang klase na wala akong naintindihan. Binigyan ako ng guro ng Course Syllabus and Subject topics so that I could catch up daw. Oh well. Like I'm gonna have time to research for those.
Magkikita kami ni Lowella sa isang bar mamayang uwian. That is something I am looking forwards to. Sana lang ay payagan ako ni Rich.
Palabas na ako ng classroom para sa next subject ng muli akong tawagin ni Ma'm.
"Ms. Rhyce and Thorn..."
Nagkatinginan kami ni Thorn. Sabay din kaming lumapit sa guro.
"Thorn, ituro mo kay Ms. Rhyce lahat ng topic na natapos na natin." Tumaas ang isang kilay ko. "I want you to assist her dahil bago pa lang siya rito." Nakita kong napakunot-noo si Thorn. I know, right? The feeling is mutual. Ano ako? Grade one? I can take care of myself, duh!
"Ms. Rhyce, kinausap ako ni Dean to guide you as your Form Teacher. Kung may problema ka, you can approach me..." Sumulyap siya sa katabi ko. "Or you can ask Thorn for help. Thorn, give her my email and my numbers. Mas mabuti rin na ibigay mo ang number mo kay Ms. Rhyce para ma-contact ka niya anytime." Wow! As in anytime? "Graduating na kayo, so you really need to catch up with us or you won't be able to graduate." Direktang sa akin nakatingin si Ma'm. "Is that clear, Thorn?"
Napatingin ako kay Thorn. Huwag sana siyang pumayag kasi mukha siyang boring. Puwede bang iba na lang? Like Jammy. He seems cool.
"Yes, Mrs. Madrid," seryosong sagot niya.
Napanguso ako at namaywang.
"Ms. Rhyce..." Seryoso rin si Mrs. Madrid na napatuwid ng tayo. "Please do whatever Thorn asks you to. I know your background and I don't want you to ruin my class or this school. Naintindihan mo?" mariing sabi.
Napalunok ako. May pinagdadaanan ba siya at ganyan siya kataray?
"Naiintindihan mo ba, Ms. Rhyce?" ulit ni Mrs. Madrid.
Tumuwid din ako ng tayo. "Y-Yes, ma'm," napipilitan kong tugon.
"Okay. You both have the same classes, so you can spend more time together. You are free to leave now."
Nakita kong tumango si Thorn. At saka ako masamang tinitigan. Problema niya?
"Come with me," masungit niyang sabi.
Pagtalikod niya ay bumaba ang tingin ko sa pang-upo niya. Hmm, not bad. Nakagat ko pa ang labi ko.
"Ms. Rhyce, I said come with me!"
Nagulat ako nang lumingon siya at medyo napalakas ang tawag niya sa akin.
Come with him? Psh. Iba ang naiisip ko sa sinabi niya. My dirty, green mind was telling me to cum with him. Oh my, Ada Rhyce!
"Sure." Lumakad ako at tumabi sa kanya. "I'll cum with you," I said and with emphasis on the word.
Pero wala lang siyang paki. Diretso siyang naglakad kaya sumunod na lang ako. He doesn't even have any sense of humor.
"Sayang, guwapo ka pa naman," I commented while looking at my phone.
Naramdaman kong sumulyap siya sa akin. But he didn't say any single word.
May grupo ng mga kababaihan kaming nadaanan na lantaran ang pagpapa-cute sa kanya. But he didn't seems to mind them at all. It's either he's gay and not into girls like me, or he's just bipolar. He should have studied Psychology instead of Business.
Pumasok kami sa sumunod na klase. May inayos siyang isang silya at medyo pinaglapit iyon sa isa pang upuan.
"Sit here," he ordered while he was looking at me.
Wow! Am I his dog? I can sit wherever I want to. I'm not his pet. Humanap ang mga mata ko ng ibang silya. Pero nagulat ako nang may dalawang kamay na pumatong sa balikat ko.
"I said, sit! Hindi ka puwedeng mawala sa paningin ko!"

~~~~~
Follow and vote👈🏻

I Knew I Loved YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora