'So it means sya pala yung nakikinig ko na umiiyak! akala ko kung sino na eh!'

"Wa-wala"
maikling sagot nya

"Sabihin mo kasi sakin! ano ba? bat ka umiiyak? may nanakit ba sayo? sabihin mo kung sino at malalagutan sakin!"
muli kong sabi kay Sakura

"Wa-wala nga ka-kasi *sniff*"
sabi nya

"Sure kaba? Kung sure ka edi tumigil kana sa pag-iyak"
sabi ko

*agad nyang itinango ang kanyang ulo bilang pag-sang ayon sa sinabi ko at kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata*

"Wag kanang umiyak ok?"
sabi ko sakanya at bigla ko syang niyakap

'hay nako! bakit kaya ito umiiyak?'

*makalipas ang ilang minuto ng pagkakayakap nya sakin ay tumigil na sya sa pag-iyak at agad kaming umupo sa bench na malapit sa may gym*

"Ok kanaba ngayon?"
tanong ko sakanya

"Oo....salamat nga pala sa pag-comfort mo sakin ha"
sabi nya saakin

"Sus wala yun! akala ko nga may multong umiiyak kanina kaya dali-dali akong umalis! ikaw lang pala! ^_^"
sabi ko kay Sakura

*at bigla syang nag smile*

'God! feeling ko mamatay ako sa smile nya sheeemmss! pers taym ko ata syang mapangiti ng ganto! >_<'

"Ayieeee napa-smile ko na sya! ^_~"
pang-aasar ko naman sakanya

"Multo ka dyan! Hahaha"
patawa nyang sabi sakin

'Ano? totoo bato? napangiti ko na sya tapos? totoo bang tumawa sya? lupa lamunin mo na ko! baka kung ano pa ang magawa ko dito sa sobrang pagka-kilig ko!'

"Nakakatawa yun?"
pang-aasar ko din sakanya

"Hindi! kaya tumawa ako!"
pasigaw nyang sabi

'hangkyut talaga ng babaeng ito! pag ako nainis jojowain ko to eh!'

"Eto naman! para nagbibiro lang eh!"
pabiro kong sabi

"Bakit ka nga pala napadpad dito sa gym?"
tanong nya saakin

"Hinahanap kita.....ay este hinahanap ko yung gym..........ay hindi! I mean my hinahanap pala ako.."
sagot ko sakanya

'Ano ba naman yan Eunbi! bakit kaba nagpapabuking ha?'

"Ang gulo mong kausap eh no!"
pabiro nyang sabi saakin

"Hinahanap kasi kita..."
sabi ko sakanya

"At bakit naman?"
tanong nya ulit

"Wala lang.... miss na kasi kita...."
pranka kong sagot

"Hayssss"
maikli nyang sabi

"Bakit nanaman ba?....Ay bakit ka nga pala napunta dito? At bakit ka umiiyak?"
tanong ko

"Kailangan pa bang sagutin yan? pwede bang hindi?"
tanong nya

"Syempre naman no! sinagot ko nga yung tanong mo eh edi sagutin mo din ako!"
sabi ko

"Ano bang gusto mong isagot ko ha?"
tanong nya

"Gusto mo talaga malaman yung gusto kong isagot mo sakin?"
tanong ko din sakanya

"Ano nga kasi?"
tanong ni Sakura

"Syempre yung oo mo! kaya wag mo na akong patagalin na kunin yang oo mo no! Kaya sumagot kana ng Oo!^_^"
sagot ko kay Sakura

The Way I Love YouWhere stories live. Discover now