Simula

40.6K 656 132
                                    

Simula

"Pack her things

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pack her things." Tamad na binuga ni Uncle Stefan ang usok na nagmumula sa kanyang sigarilyo. Nanindig ang aking balahibo bago pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi.

I'm still wearing the black dress I decided to put on for the funeral. I can't believe that after my father's death, he'll immediately kick me out.

He didn't even hide the disgust look on his face when he shot me a glare. He looked so pissed whenever I'm around. I don't blame him though.

Hindi naman ako totoong anak. Hindi naman ako totoong tagapagmana ng mga Ruellos... kaya ayaw niyang panatilihin pa ako sa mansyong ito.

"Wala pa po akong matutuluyan uncle." I croaked. Padarag niyang ihinagis ang sigarilyo sa marmol na sahig bago iyon inapakan.

"Ako ang masusunod kung aalis ka o hindi." Mariin niyang saad bago pa lumapit sa akin. Masama niya akong tinignan bago tumalikod at naglakad palayo. "At hindi kita pamangkin."

Naiwan kami ng dalawang katulong sa loob ng aking kwarto. Hindi ko na rin pinigilan ang mga luha sa aking pisngi at pagod na umupo sa malambot kong higaan.

Ferdinand Ruellos. Ang aking ama-amahan. Namatay ang kanyang asawa labing walong taon na ang nakakalipas at hindi sila nabiyayaan ng anak. Ang ina ko'y isang katulong ng mansyong ito pero sumakabilang buhay rin siya noong ipanganak ako. Wala ang tunay kong ama. Hindi ko siya maalala. Isa akong ulilang lubos— at kinupkop niya ako.

Tinuring na isang tunay na anak. Pinag-aral. Binihisan. Ngunit sa isang iglap ay nawala siya bigla sa akin.

Nahulog ang kanyang sasakyan sa isang malalim na bangin. Nakita ang kanyang katawan ilang oras bago matapos ang aksidente kaya hindi siya tuluyang naisalba.

Ilang araw akong tuliro habang iniisip ang bagay na iyon. Hindi ako makapaniwala. Patay na siya.

At ngayong wala na ang aking ama, may kakayahan na ang buong angkan ng Ruellos na patalsikin ako. Si papa lang ang may gustong panatilihin ako sa bahay na ito dahil ayaw ng kanyang mga kapatid.

Isa raw akong malaking sampid. Isang ampon. Hindi ako bagay sa mararangyang buhay nila. Tama naman. Isa akong peke— pero kahit ganoon ibinigay ni papa ang apelyido niya sa akin. Dati tuwing naiisip ko iyon, natutuwa ako. Pero ngayon, pakiramdam ko'y nanunuot lamang ang sakit sa aking sistema.

"Patawarin niyo po kami, ma'am Ivana." Ani ate Lusing at awang awa akong tinignan.

Naiintindihan ko. Hindi sila pwedeng humindi dahil ngayon, si uncle Stefan na ang mamamahala ng mansyon. Kung hindi sila susunod, baka sila ang mapatalsik sa kani-kanilang trabaho.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now