"Alam ko kung bakit." Ngisi ni Cole sa lahat.

Bigla namang dumating si Peter kasama si Wendelyn, tumayo silang lahat maliban kay Clayton na masungit para batiin ang kadarating lang na si Wendelyn. Okay, Tink. You don't have to be jealous. Sinundo niya lang si Wendelyn okay? You agree to it!

"Kumain kana ba? May pagkain pa sa lamesa, kumain muna kayo ni Peter." Paanyaya ni Kuya Dan.

"I'm still full Kuya Dan." Sagot ni Peter at sakin bumaling ang kanyang titig. He look at me at daretchong lumapit sakin. Umayos ako ng pagkaka-upo. Si Wendy naman ay sumama kay Kuya Dan sa dining area.

"Hey, you still mad at her? Hindi mo siya pinansin." Masuyong sabi niya sakin at siya ang pumalit sa puwesto ni Diego.

"Kakausapin ko lang siya kapag naialis niya ako sa listahan ng mga candidates!" Sagot ko sa bestfriend ko.

I heard Diego chuckle and Cole's laugh.

"Sumali kana don, Tink. Para makita ka naming naka-gown at nakabikini. I'm sure panalo ka." Tumatawang sabi ni Cole.

"Shut up asshole! Hindi magbibikini si Tinkerbell sa harap ng mga kalalakihan sa iniwanan nating school!" Galit na sabi ni Peter.

Sumipol si Kuya Ryan habang hawak ang cellphone. "Bakit ka galit?" Panuyang tanong niya sa pinsan.

Uminit ang pisngi ko sa tanong ni Kuya Ryan. Imbis na mainis ako, bakit parang kinikilig pa ako? Sige, Asarin niyo pa si Peter patungkol sakin. Umangat ang tingin ko kay Peter para makita ang reaksyon ng kanyang mukha.

"H-hindi ako nagagalit. Ayoko lang mabastos si Tinkerbell dahil lang sa magsusuot siya ng bikini. Tsk!" Seryoso ang mukha niya ng sabihin niya 'yan.

"Oh that's why kapag may outing, palaging naka rashguard at shorts siya." Nakangising sabat ni Diego habang may hawak na chichirya.

"She's too young to wear that crap." Supladong sabi niya sabay lagay ng kamay sa mga pisngi ko.

"Aw! Huwag mo ngang lamutakin pisngi ko." Saway ko sakanya.

He kiss my head right away that makes me melt. "Sorry, baby."

"Sweet. Nilalanggam ako." Sabi ni Cole habang umaaksyon pa na kinakagat siya ng langgam. Papansin talaga ang lalaking 'to kahit kailan.

Itinikom ko nalang ang aking bibig at nanahimik. I don't want to talk, I don't want them to notice na kinikilig ako sa mga pang-aasar nila samin ni Peter. Ayokong umasa. Lalo na ngayon, his gesture towards me are so fucking confusing. But I need to choose the latter, palagi naman ganito sakin si Peter. He's always sweet to me, he always cared for me. Kasi diba nga? Ang tingin niya sakin ay little sister niya lang, wala kasi siyang kapatid. Kaya sakin niya nakikita 'yung pagiging little sister ko sakanya. Fuck that shit! Okay lang naman sakin, as I've said before, masaya 'tong ginagawa ko. Masaya ang magmahal ng patago, 'yung hindi niya malalaman, puwede kong gawin na kahit ano. Puwede ko siyang yakapin at halikan sa pisngi kung gusto ko ng hindi siya nagtataka na may malisya na pala ako sakanya. Masaya maging bestfriend ang taong mahal mo at wala pang break up pero habang tumatagal pala masakit na. Tangina lang!

"By the way, malapit ka ng mag eighteen. Any plans?" Tanong sakin ni Peter.

Yeah! Sa december twenty three is my 18th birthday, sobrang lapit na. Isa rin sa dahilan ko kung bakit ayokong sumali sa walang kwentang pageant na 'yun is malapit na ang birthday ko, ayokong mahassle sa mga preparations lalo na't hands on si Mommy sa pag-asikaso sa birthday ko. December nineteen is our Christmas Ball at undecided pa ako kung pupunta ba ako o hindi. Well, hindi naman siya mandatory at I'm sure our christmas ball will be boring this year, wala na kasi sila Peter at Cole sa school. Pero dahil aattend si Wendelyn, siguro aattend na rin ako pero never akong sasali sa pageant na 'yun.

I'm only just your TinkerbellWo Geschichten leben. Entdecke jetzt