Chapter Thirty-Seven: TWENTY FIVE

3.1K 72 29
                                    

Chances

Sinamahan ako ng babae pero hindi rin ako makapasok. Mula sa glass door, nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed, wala ngang malay at maraming tubo sa katawan. Pinapalibutan siya ng mga medical staff.

"Ma'am, hintayin niyo nalang po 'yong doctor na lumabas. Magtiwala po kayo. Magiging okay po si sir Zacc."sabi nito bago umalis.

Bago pa ako tuluyang mabaliw sa sobrang pag-aalala, naisipan kong tawagan si tita at ipaalam sa kanya ang nangyari. Tinawagan ko narin sila Mirana at Arlo at ang mga kaibigan ko. Sunod-sunod na nagsidatingan sila. Ilang oras kaming naghintay pero hindi parin lumalabas ang medical team na umaasikaso kay Zacc.

"Chances, magiging okay si Zacc."umiiyak na sambit ni Mirana habang umiiyak. "Hindi ko na dapat siya hinayaang umalis kanina e. Magkasama kaming pumunta kanina kay tito Gary. Sana hindi nalang ako pumayag no'ng sinabi niyang hindi na niya ako maihahatid."

"Magiging okay siya. Hindi niya ako iiwan. Hindi niya ako pwedeng iwan."I muttered making her sobs louder. "Zacc, please be okay. I need you, babe. We need you."

Eventually after hours of waiting, the doctor came out with one horrible news I wished I didn't hear. Bumabalik sa isipan ko ang pagkakasabi niya ng 'The patient's in comatose.' Ayon sa kanya, Zacc's body is no longer responding.

"Chan, kumain ka na. Tatlong araw ka ng hindi kumakain."naiiyak na saad ni Aneng.

Hindi. Hindi ko pwedeng iwala sa paningin ko si Zacc ng kahit na isang minuto. Ayoko. Hindi ko magagawang bitawan ang kamay niya. Kailangan niyang maramdaman na naghihintay ako lagi na magising siya.

"Zacc, please. Gumising ka na. Gustong-gusto ko ng marinig ang boses mo."

***

MIRANA

Alam ba ng tao kapag may mangyayaring masama sa kanya beforehand? Kasi no'ng araw na maaksidente siya, magkasama pa kami no'n.

"Zacchary, what brought you here?"tito Gary managed to ask upon seeing us in his office.

"You want to know?"Zacc asked. He punched him right on the face. "That is what I came for here. Magmula ngayon, 'wag na 'wag kayong magpapakita sa'kin kahit na sa puntod ko, wala kang karapatang dalawin. You are no longer someone in our lives!"

Nakabuntot ako sa kanya. Mabilis siyang naglalakad pabalik sa basement. Nang harapin niya ako, nakita kong pulang-pula ang mukha niya sa galit.

"That felt good, Nana."

"Zacchy, mali parin ang ginawa mo."

"Mali? That wasn't even enough. Anyway, may dadaanan pa ako so, ipapasakay nalang kita ng taxi. Hindi na kita maihahatid."

"No. Sasama ako sa'yo."

"Hindi nga pwede. Ang kulit."

"Zacc, sa'n ka ba kasi pupunta?"

"Somewhere quiet and peaceful."he joked and even laughed boisterously.

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon