Chapter Thirty: ARCHITECT

2.9K 68 16
                                    

Chances

Excited akong umuwi ng bahay para ibalita kay Zacc at lola ang good news. May trabaho ng naghihintay sa'kin. Pagkatapos agad ng graduation ay pwede na akong magsimula. Hindi ko pa nga lang ma-exercise fully 'yong pagiging architect dahil kailangan ko pang pumasa sa licensure exam in a few weeks after the graduation. Sakto lang din 'yong trabaho ko for training and experience.

"Which company is that?"tanong ni Zacc habang nagbabasa ng papeles sa study niya.

"Ah..."Napangiwi ako sa tanong niya. "Sa GDA."

"Am I thinking it right?"he asked, this time looking at me. "Guerrero Designs and Architecture?"

I nodded as a confirmation.

"Si Guerrero ba mismo ang nag-interview sa'yo?"

"Zacc, wala ka bang tiwala sa kakayahan ko? 'Yong kompanya nila ang isa sa top architectural firms sa bansa, hindi ba dapat masaya ka na sa gano'ng kompanya ako nakapasok?"

"Chances—look. I know, I'm just being paranoid. But I don't want you to work there."

"Pangarap kong magtrabaho sa kompanyang 'yon."

"Iyon ba? O dahil nando'n ang lalaking mahal mo?"

"Alam mo, walang patutunguhan 'tong pag-uusapan natin e. Magluluto na nga lang ako."paalam ko't diretsong lumabas ng opisina niya.

Nakakaasar! Pwede niya namang aminin na ayaw niya dahil magseselos na naman siya! Tsk. Alam mo Zacchary Harrison, kung hindi ka aamin sa nararamdaman mo at hindi mo sasabihin sa'kin kung sino ka at ang lahat-lahat sa'yo, hindi mo malalaman ang nararamdaman ko. Taguan ba ng feelings? Fine! Laruin natin 'yan.

I never thought na darating sa buhay ko ang masasabi ko sa sarili kong 'This is the best Monday ever'. Nobody loves Monday. Pero ngayon ang graduation day at nagising akong may malapad na ngiti dahil sa gagong nagngangalang Zacchary. Boom, rhyme!

Puno ng baloons ang ceiling ng kwarto at mga rose petals sa kama at sahig. May malaking bouquet pa ng paborito kong bulaklak. Pero hindi 'yon ang dahilan ng malapad na ngiti ko. The jerk left me notes everywhere. On the bed, he stuck a sticky note on the headrest saying: Good morning, sunshine. Sorry, I have to rush to get something. Na-miss mo na ba agad ang gwapong asawa mo?

May idinikit rin siya sa mesa, sa banyo at sa closet. Ang pinaka-cute sa lahat ay nang nasa shower na ako. Basang-basa na ako ng maalalang nakalimutan ko na namang magdala ng tuwalya. Natampal ko ang noo at paglinga ko sa ay may nakita akong note sa shower curtain: Architect kong makalimutin, I already prepared your towels. Check the towel rack beside the lavatory. Kalimutan mo na lahat ng tuwalya sa mundo, 'wag lang ang Zacc-sakan ng gwapong asawa mo.

Takteee! Ang corny ng kumag pero langya! Di maalis ang ngiti sa labi ko lalo na nang makita ang towel na hinanda niya. May naka-burda kasing My Architect sa dulo ng tuwalya.

"This is the best Monday ever."naibulong ko habang inaamoy-amoy ang bulaklak.

Ngayon niyo sabihing, mali ang mag-assume? Mali ang ma-fall? Takteee! Walang puso lang ang hindi mahuhulog at di mag-aassume kapag sa kanila ginagawa ni Zacc ang lahat ng 'to!

"Hi babe! Ipapasundo nalang kita kay Arlo at Nana. Sila ang maghahatid sa inyo ni lola sa university."anunsiyo niya over the phone. Maaga nga kasing umalis ang sira dahil may aasikasuhin daw.

"Ano? Zacc, bakit? Hindi ka ba pupunta sa graduation ko?"naiinis na tanong ko.

"Babe, susunod ako. I promise hindi ako male-late."

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon