Chapter Nine: OKAY

3.3K 87 40
                                    

Mirana

Zacc arrived in the house looking worn-out. Mom asked him if he's fine and he just nodded. After the dinner, nilapitan ko na kaagad siya habang nagbababad sa pool. Alam ko kasing may problema siya. Ako pa ba? Magkadikit kaya bituka namin! 

"Wala kang tulog ano? Si Chances na naman ba? Sinabi ko kasi sa'yong ligawan mo na."

He splashed me water from the pool which made me jump backward. He made a few laps and then stopped at the corner.

"May Alzheimer ang lola ni Chan-chan. Masama talaga ang kutob ko sa pagpayag kong iuwi ang lola niya eh."pagtatapat ko.

"Isipin mo nalang napasaya mo siya."

"Pero paano kung may mangyari sa kanila? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya, Nana."

"Nega ka naman masyado eh. Kalma lang. They're fine."

Nagtaka ako nang sumapit na ang tanghali pero hindi parin lumalabas ng kwarto si Zacc no'ng sumunod na araw. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. I went to his room without even knocking. My forehead formed to frowns upon seeing him still on the bed sleeping. Nang sapuin ko ang noo niya, ang init-init niya.

Dahil may lagnat ang gago, napilitan siyang magpirmi ng bahay. Di namin siya hinahayaan ni mommy na umalis. While he was resting, wala akong makulit kaya nagkulong nalang din ako ng kwarto. Mayamaya lang din niyan ay dumating si Arlo at nagsimulang manggulo sa kwarto. Humiga siya sa sahig kasama ang mga stuff toy kong nilabas niya sa mga lalagyan nito.

"Hoy! Ano'ng drama 'yan?"sita ko nang mapansing nakatitig siya sa kisame habang niyayakap ang favorite kong teddy bear. Bigay niya 'yon no'ng 16th birthday ko. Dang, aamin ka na ba ng seryoso na mahal mo rin ako, Arlo?

"Naiinis ako, Nana."pagtatapat niya.

"Ba't naman? Ano ba'ng nangyari?"

"Nakakainis ang mukha mo eh."sagot niyang nagpatayo sa'kin mula sa kama para saktan siya. Kumuha ako ng isang unan at pinaghahampas siya no'n. "Joke lang. Ano ka ba? Eh kasi, naaalala mo pa 'yong kinukwento ko sa'yo three years ago?"

"What? Is this about your crush again? That imaginary crush of yours?"

"Oo. Ang ganda niya kasi."

"Mas maganda pa sa'kin?"

"Mirana, maganda ka lang kasi kaibigan ka namin."

"Gago ka!"asik ko sabay kurot ng braso niya.

Kaya di ko magawang magtapat sa kanya kahit ilang ulit na bumulong ang puso ko eh. Napakagago niya kasi. Ewan ko nga kung bakit hulog na hulog ako sa kumag na 'to. Mas marami namang mas gwapo pa sa kanya na atat na atat ligawan ako.

"Seriously, Nana. I'm doomed."

"Ang drama-drama mo! Ba't nga kasi?"

"I'm in love with her."

"With who, moron?"

"Our friend's fake fiancee."

Hindi ako napagsalita. Una, sobrang sakit ng puso ko. Harap-harapan niya akong sinaksak mga besh! Pangalawa, paano ako magre-react sa sinabi niyang gusto niya ang babaeng gusto ng bestfriend ko? Ang babaeng nakakapagbalik ng dating Zacc na kilala ko?

"Kung sabihin ko kaya kay tita Veronica na fake lahat para hindi matuloy ang kasal—"

"Gago ka ba? Hindi mo gagawin 'yan!"bulyaw ko sa kanya. "Arlo, I will kill you if you do that."

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon