Chapter Twenty-Two: HOME

2.9K 77 20
                                    

Chances

Alam kong may nakatingin sa'kin kaya binuka ko ang mga mata ko kahit na gustong-gusto ko pang matulog. There. Tama ako. Nakatingin sa'kin si Zacc. Sa kung anong dahilan, ewan ko sa kanya.

"Good morning babe."

"Ang aga mong gumising. At..."Kinunotan ko siya ng noo nang makita ang suot niya. "Ba't ka nakaporma? May lakad ka ba?"

"I'm leaving for a business trip in a few minutes. Hinintay lang kitang magising."aniya.

Ewan. Bigla akong nalungkot. Tsk. Itigil mo 'yan, Chances. Bumangon ako para siguraduhing tama ang narinig ko. Well, I saw the travel bags on the corner. That confirmed it.

"Ba't ngayon mo lang sinabi?"

"It was also unexpected babe. Si tita lang kasi dapat ang aalis. Kaya lang, may emergency and I have to be there in her behalf. It's okay, Chanchan. Dalawang linggo lang mawawala ang asawa mo."sabi pa niya sabay hawak ng pisngi ko.

"Two weeks. Wow. Okay. Zacc-less life for two weeks, ibig sabihin may peaceful akong buhay sa loob ng dalawang linggo."panunukso kong nagpabusangot sa kanya.

"Aalis na nga lang ako, pababaunan pa ako ng masakit na salita eh."madramang wika niya.

"Sa'n ba'ng punta mo?"

"I'm meeting a very potential client in Vietnam. Tita was really hopeful of him for five years. I have to do great. Pabaunan mo 'ko ng energy, babe."

"No need. Alam mo, kayang-kaya mo 'yan. Sige na. Kumilos ka na, baka maiwan ka pa sa flight mo't madisappoint mo si tita."

Sa halip na tumayo, niyakap niya ako ng mahigpit at saka hinagkan sa noo ng matagal.

"I'm going to miss my wife. Behave, okay?"

"Hoy. Ikaw ang magbehave. Ikaw naman 'tong malandi."

"Ano ngayon? Ikaw lang naman ang nilalandi ko."

"Tss. Gago. Sige na, kumilos ka na."

"Walk me to the doorstep, wifey please."paglalambing niyang pinagbigyan ko nalang.

Ang baliw, parang ayaw umalis. Tinititigan pa ako. Itinulak ko na nga lang para umalis na. He laughed before he pulled me close. After that tight hug, he gave me a kiss on the lips.

"Always update me, babe. Alagaan mo si lola."bilin niyang nagpairap sa'kin.

"Of course. Ikaw, mag-ingat ka do'n."

"I love you, babe."bulong niya bago ako hinalikan ulit.

Hindi ako nakareact, umalis narin kasi siya bitbit ang travel bag niya. Hindi naman talaga siguro totoo 'yon. Sinabi lang niya 'yon dahil nga mag-asawa kami sa paningin ng marami.

Nag-expect talaga ako ng matiwasay na linggo pero iba din. Mukhang pina-albularyo ako ng kumag. Pagkatulog at pagkagising ko, dinadalaw ako ng mukha niyang mapang-asar.

"Babe!"he called out. Nagvi-video chat kasi kami. Tapos na ang klase ko't kasama ko sa bench sina Lendon at Anne. "I miss you, sungit."

"Sorry. Hindi kita namiss."

"Hindi ka nga niya namiss, Zacc. Ikaw nga lagi ang bukambibig."singit ni Anne na pinandilatan ko.

"Thanks Anne. May pasalubong ka sa'kin."tumatawang saad niya sa kaibigan ko. "Babe. Isama mo nalang ang mga kaibigan mo sa condo para kampante akong walang lalandi sa'yo."

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon