Chapter Thirty-Six: ACCIDENT

3.2K 65 24
                                    

Chances

Dalawang araw na mula ng makalabas ng hospital si tita Veronica. The three of us stayed in one place. Ayaw lang naming maulit ang ginawa ni tita. Mabuti nalang din at busy siya sa pagma-manage ng jewelry business niya. Nakakatuwa nga dahil pareho kaming mahilig sa art. She also paints and honestly, she did all the designs sa jewelry na binibenta niya.

"Tita, that's a beautiful design."puri ko sa ginuguhit niyang desinyo ng kwentas.

"Thanks honey."nakangiting sagot niya. Huminto siya sa pagguhit at nag-angat ng ulo para tingnan ako. "I want to run away for a while. Chances, pwede niyo ba akong samahan ni Zacc na lumabas muna ng bansa?"

"Tita—"

"You know what. Nevermind I asked. Alam ko namang may pinagkakaabalahan rin—"

"No tita. You were right. You needed a getaway. Sigurado din naman po akong magugustuhan 'yan ni Zacc."

"Talaga? Is that a yes?"she asked cheerfully.

Tumango ako bilang tugon. Naiilang man ay hinayaan ko parin siya nang yakapin niya ako.

"Babe."tawag niya matapos akong halikan sa batok. Kanina ko pa pinipilit ang sarili kong makatulog. "Hindi ka rin makatulog?"

Humarap ako sa kanya matapos niya akong tanungin no'n. Nakapulupot parin sa bewang ko ang kamay niya.

"May gumugulo ba sa isip mo?"

"Magulo? Walang ibang magulo sa buong buhay ko kundi ikaw."pang-aasar ko.

"You love chaos, then."mayabang na sagot niya.

"Yes. There's only one chaos that I love though. Ikaw lang."sagot kong nagpangiti ng malapad sa kanya. "Zacc, ano kaya ang magiging buhay mo kung wala na ako?"

"Why do you ask that? Balak mo bang iwan ako?"tanong niya sa malungkot na tono.

"Never. I would never want to leave you. What if, just what if... What if someone or something takes me away from you?" I insisted on asking him about it.

"Then, I wouldn't be happy."

"I wouldn't want you unhappy. Mahal na mahal kita, Zacchary."

Isang mariing halik ang naging tugon niyang nagpasinghap sa'kin. Hinaplos niya ng pisngi ko habang hindi niya inaalis sa'kin ang titig niya.

"Kailangan kita sa buhay ko Chances. Mahal na mahal kita. I need you babe. I need you because I love you."he romantically said making a single tear escape from my eyes.

"Alam mo bang parang panaginip parin sa'kin ang lahat? Parang hindi totoo na ako ang laman niyang puso mo."pahayag kong nagpapangiti lang sa kanya. "Sino ba naman kasi ako para mahalin ng isang Zacchary Harrison?"

"Hindi ba't baliktad 'yon babe? Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, ako 'tong pinili mong mahalin ng ganito."aniyang nagpangiti narin sa'kin. "Kung sabagay, kahit naman na sino pipiliin ako. Wala kaya akong kasing-gwapo."

Napairap ako sa sinabi niya at dahil do'n pinarusahan niya ako ng sobrang higpit na yakap. Tawa lang ako ng tawa hanggang sa maalala ko ang pinag-usapan namin kanina ni tita.

"Babe. Gusto ng mama mo na samahan natin siyang lumabas ng bansa."kuwento ko.

"It will be just a vacation, right?"

"Yes sir. Kailangan 'yon ni tita matapos lahat ng nangyari."

"E di mas masaya. Kasama ko ang dalawang babae sa buhay ko na sobrang mahal ko."

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon