Chapter Twenty: SORRY

2.9K 73 14
                                    

Chances

Habang tumatagal, nagiging nakakatawa na nakakaasar narin ang sitwasyon namin ni Zacc. Ayaw niya parin kasi akong kausapin. One week niya akong natiis na 'wag kausapin. What an achievement for him! Bahala nga siya. Wala naman akong kasalanan sa kanya e kung gusto niyang makipagbingihan for three years, ay aba! Walang problema.

"Takte Zacc, hindi mo ba talaga ako kakausapin?"sita ko sa kanya na kakalabas lang ng shower. Hinarangan ko pa siya. Sinubukan niyang umiwas pero hindi ko siya pinapadaan.

"Chances, ano ba? Male-late ako sa trabaho sa pinaggagawa mo eh."

"Ay talaga? Sorry ha? Bahala ka nga!"

Ugh! Ano kaya'ng pwede kong gawin para bumalik sa tamang disposition ang utak nitong gago. Grabe siya. Ako na nga 'tong gumagawa ng paraan para magkausap kami. Dahil naaasar ako sa kanya, umalis ako ng condo ng hindi nagpapaalam sa kanya. Tama rin dahil nagyaya si Aneng. May importante daw siyang sasabihin sa'kin.

"Hindi ka mapakali. Ano ba'ng gusto mong sabihin? Tungkol ba 'to kay Denver?"usisa ko habang naghihintay ng order.

"Hindi. Chanchan, hindi."

Namula ang pisngi niya na parang kinikilig. Takte, may bago ba siyang manliligaw na hindi ko alam? Wooo, this is interesting! Hindi ko siya papauwiin na hindi nasasabi sa'kin lahat.

"Yong kaibigan natin... Inamin niyang gusto niya ako. Sabi pa niya, walang pwedeng manligaw sa'kin maliban sa kanya."pagtatapat niya.

Teka. Ang labo naman yata. Wala naman kaming ibang mutual na kaibigan maliban kay Lendon at Sac.

"Gusto kang ligawan ni Sac?"di makapaniwalang tanong ko.

"Chanchan! Hindi! Si Lendon!"

Napanganga ako sa anunsiyo niya. Anak ng baklang tupa! Hala! Si Lendon! Si Lendon nga??? Teka. Kaklaruhin ko lang. Si Lendon Garcia, ang kaibigan naming beki, gusto ang kaibigan kong si Aneng. Tama?

"My goodnesssssss! Kyaaaaah!"tili ko na dahilan para pagtinginan kami ng mga tao sa paligid. Inirapan ko lang sila dahil sa sobrang kilig at saya na naramdaman ko. "Oh my. Ang saya-saya ko, besh!"

"Hindi nga ako nakatulog ng maayos eh."pag-amin niyang nagpangiti sa'kin na parang timang.

"Nakakasilaw ang ngiti mo sa malayo madame. Di ko mapigilang 'wag kang lapitan."sabat ng lalaking kaboses ni Arlo na nagpaangat ng ulo ko. Well, si Arlo nga naman talaga kasi. "Sorry. Did I interrupt something?"

Tinapunan ako ni Aneng ng nagtatanong na tingin. Tumayo ako para ipakilala si Arlo sa kanya. Mukha kasing di siya naaalala ni Anne sa kasal.

"Ah, besh, pinsan ni Zacc, si Arlo. Arlo, ito pala si Anne, bestfriend ko."

"Hi Anne! Mala-Anne Curtis nga naman talaga sa ganda."puri ng sira. May pagkabolero nga rin pala talaga 'tong taong 'to. Di ko lang napansin. Bentang-benta kasi ang sense of humor niya sa'kin. "Can I share table with you, ladies?"

"Sure. Go ahead. Grab a seat."sagot ni Aneng.

"Oo nga pala. Anne Curtis? You're the maid of honor, right?"Arlo finally remembered.

"Yep. And you're the bestman, tama?"

Oo nga pala. Di ko pala siya nasasabihang mainit ang dugo ni Zacc kapag magkasama kami ng pinsan niya. Dahil nga sa sobrang kulit at palabiro nitong si Arlo, tawang-tawa si Anne sa kanya. Hindi namin namalayan ang oras. Hindi na kami nakatanggi ng mag-alok siyang ihatid kami.

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon