Chapter 56

884 37 0
                                    

JANICA’S POV

Isang linggo na mula kaming magbakasyon ni Xavier sa Tagaytay. Hindi kami nagkita pagkatapos ng bakasyon. Huminga ako ng malalim at umupo. Sa wakas, tapos na rin ako sa pinapagawa ni ate Megan sa akin. Nagtext ako kay ate Megan. Sinabihan ko siya na tapos na ako sa pinapagawa niya. Bigla siyang nagreply at sabi niya na magkikita kami sa paboritong café ni Kevin pagkatapos ng trabaho ko. Nagpahinga muna ako at tinignan yung picture namin ni Kevin. Magdadalawang linggo na hindi nagtext o tumawag sa akin si Kevin simula pa nung nagaway kami. Okay lang ba siya? Sinubukan kong magtext sa kanya pero hindi siya nagreply. Baka busy siya sa medical mission o walang signal don. Sa palagay ko, galit pa rin siya sa akin. Hindi naman ganyan si Kevin sa akin. Kapag nagaaway kami kahit ako yung may kasalanan, hahanap siya ng paraan para magkaayos kami. Nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon, hindi lang man siya nagparamdam sa akin. Buhay pa kaya siya? Buhay pa siguro yun noh! Dahil kung patay na yon, may balita na sana ako ngayon tungkol sa kanya pero wala eh. Ano bang gagawin ko sa kanya? Baka gusto niyang ayusin tong problema namin sa paguwi niya dito.

Naghihintay ako na dumating si ate Megan dito sa café. Nung dumating na yung order ko ay dumating na rin si ate Megan. Umupo siya sa harapan ko

“I’m so sorry if natagalan ako. Galing pa kasi ako sa meeting”

Ngumiti ako sa kanya “Okay lang po. Eto na pala yun” binigay ko yung blue print at plot sa kanya. Tinignan niya ang plot at napangiti siya “Janica, this is so beautiful”

Flattered naman ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na magugustuhan niya yung ginawa ko. Ang hirap kaya abutin yung mga standards ni ate Megan. Parang perfectionist kasi siya eh kaya successful siya sa trabaho niya. Napaisip ko nga kung meron ba siyang boyfriend kasi hindi ko pa siya nakita na may kasamang ibang lalake. Baka wala pa yan sa isipan niya ang magkaboyfriend pero nasa tamang edad naman siya ah! 27 years old na siya at ang napaka successful na niya!

“Janica, thank you talaga sa ginawa mo. I’ll tell your dad about this”

Ngumiti nalang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano pa yung isasagot ko. Gusto ko sanang magtanong sa kanya tungkol kay Kevin pero natatakot ako. Baka magtaka siya kung bakit nagtanong ako sa kanya. Ayaw kong malaman niya galit si Kevin sa akin. Ayaw niya kasing nagaaway kami ni Kevin

“By the way, tapos ka na bang kumain?” tanong niya

“Opo. Kanina lang”

“Janica, hindi na ako magtatagal kasi may gagawin pa ako. I’m sorry if uuwi ako ng maaga and thank you talaga dito. Uuwi na ako ha?”

“Sige po. Magingat po kayo”

“Salamat” ngumiti siya sa akin at tumayo. Tumingin siya ulit sa akin “I forgot to tell you na magkasama pala si Kevin at Alexa ngayon sa Cebu...if you still don’t know about it. I’ll go now. Bye”

“Bye” nagulat ako sa sinabi ni ate Megan. Hindi ito nasabi ni Kevin sa akin na magkasama sila ni Alexa ngayon. Hindi muna ako umuwi ngayon dahil iniisip ko yung sinabi ni ate Megan kanina.

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon