Chapter 15

1K 36 0
                                    

Naglalakad kami ni Nadine patungo sa library. Nakita kami ni Kevin kaya bigla siyang lumapit sa amin

“Janica, nagaudition ka na para sa Dance Troupe?” tanong niya

“Hindi. May iba akong sinalihan”

“Sus! Ang sayang mo!” sabi niya

 Ngumiti ako sa kanya “Okay lang”

“Sige punta na ako ha?”

“Sige” sabi ko at pumasok kami sa loob ng library. Pagpasok namin sa library ay humanap kami ng mauupuan

“Parang may gusto si Kevin sayo”

“Hindi naman”

Umupo kami sa uupuan “Feeling ko lang yan” sabi ni Nadine

“Alam mo, sabi ni Paulo sa akin noong isang gabi na sa tingin niya may gusto si Xavier sa akin”

Nanlaki ang mga mata ni Nadine “Hindi lang pala ako ang nakakahalata”

“Ano?”

“Kitang kita naman kung paano siya tumingin sayo. Alam kong gusto ka niya”

“Hay nako! Ewan ko sa inyo” binuksan ko ang libro ko at sinumulan magbasa. Bakit ba ganito ang mga tao ngayon? Alam ko naman na malabo magkakagusto si Kevin at Xavier sa akin. Hindi kaya nila ako type. Paano naman sila magkakagusto sa simpleng babae lamang? Mag-aral nalang ako. May makukuha pa akong kaalaman kesa pag-ibig na yan.  

Naglalakad ako patungo sa entrance ng skwelahan na biglang lumapit si Alexa sa akin

“Janica, may tanong ako sayo”

Nabigla ako “Sige, ano yun?”

Huminga siya nang malalim “Kayo na ba ni Kevin?”

Bigla akong napatawa “Hindi”

Kinagat niya ang labi niya. Bigla siyang napalungkot

“Bakit?” tanong ko sa kanya

Hinawakan niya ang balikat ko “Alagaan mong mabuti si Kevin para sa akin”

“Ano bang sinasabi mo Alexa?”

Napaiyak siya “Aalis na ako ngayong December. Doon na ako sa America titira. Hindi ako nakipaghiwalay kay Kevin dahil hindi ko na siya mahal. Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil magkakalayo na kami”

“Sana sinabihan mo si Kevin. Maiintindi naman niya ito. Makakaya naman ninyo ang inyong relasyon kahit magkalayo kayo”

My First and Last (JaDine) COMPLETEМесто, где живут истории. Откройте их для себя