Chapter 6

1.3K 40 0
                                    

Habang kumakain kami ng hapunan ay sinabihan ko ang mama ko na may pupuntahan ako ng party

ngayong Sabado. Nagulat silang dalawa ni papa dahil hindi ako nagpaalam sa kanila muna. Nagulat si

Duke dahil hindi niya alam na inimbitahan ako ni Paulo sa party. Alam ni Duke kung saan magaganap

ang party. Mabuti pa ang kapatid ko, maraming alam.

“Mama, papa, mabait yan si kuya Paulo. Siya nga yung dahilan kung bakit natanggap ako sa Soccer team” sabi ni Duke

“Sino ba yan si Paulo?” tanong ni papa

“Kuya siya ni kuya Xavier at si kuya Xavier ay classmate ni ate”

“Sino ba yang party ay pupuntahan mo ngayong Sabado?” tanong ni mama sa akin

“Birthday ni ate Alexa” sabi ni Duke

Nagulat ako sa sinabi ni Duke. Birthday pala ni Alexa ang pupuntahan ko ngayong Sabado? Hindi ko

alam ito ah. Hindi naman kasi ako sinabihan ni Paulo

“Bakit mas madami kang alam kesa sa ate mo?” tanong ni papa kay Duke

“Kasi pa, si Paulo…nakalimutan kasi niyang sabihin sa akin kanina”

Tumango yung papa ko. Ngumiti ako sa mama at papa ko, inaasahan na papayagan nila ako.

Kailangan nila akong payagan kasi sumabi na ako kay Paulo na pupunta ako

“Si papa ang madedesisyon nito” sabi ni mama habang kumakain siya

Tumingin ako kay papa at huminto siyang kumain. Tumingin siya sa aking at huminga ng malalim

“Sige, papayag ako pero sa susunod, magpaalam ka muna sa amin”

Ngumiti ako at tumayo sa upuan. Yinakap ko ang papa ko “Salamat pa. Sa susunod, magpapaalam na

tagala ako sayo”

Tinulungan ako ng mama ko mag ayos para sa party na pupuntahan ko. Tumingin ako sa relo ko, 4:30

na pala! Naghalf bath ako para mawala yung mga dumi sa katawan ko. Pagkatapos ko maghalf bath ay

inilapag niya ang dress na napili niya galing sa cabinet ko. Ito ay pink dress na may malaking heart na

design sa likuran. Makikita yung bra ko sa likuran kasi dali sa likuran. Tinignan ko nang mabuti ang

dress at hindi na pala ako kailangan magsuot ng bra kasi may padding na ito. Isinuot ko ang dress at

pinaupo ako ni mama. Ang buhok ko ay nakabraid. Niligyan niya ako ng light make-up kasi alam niyang

hindi ako mahilig sa make-up. Pinasuot niya ako ng mga alahas. Biglang may nagbosina sa labas ng

bahay. Si Paulo na ito! Tumingin ako sa labas ng bahay at meron akong nakitang isang magarang na

sasakyan. Tumingin ako sa mama ko “Ma, andyan na si Paulo”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon