Chapter 48

837 38 7
                                    

Sinimulan ko ng magtrabaho para sa boutique na gagawin ko para kay Thea. Inilapag ko yung blue print sa malaking table ko at nagdrawing na ako. Gusto kasi ni Thea na Vintage yung theme sa boutique niya. Makalipas ang ilang oras ang tapos na rin ako sa exterior design ng boutique ni Thea. Tumingin ako sa oras at 1 pm na pala. Nakalimutan kong kumain. Hindi naman ako nagugutom. Umupo ako at nagpahinga muna bago bumalik sa pagtratrabaho. May lalakeng pumasok sa office ko

“May dala akong pagkain para sayo” sabay ngiti ni Xavier

Nagulat ako “Anong ginagawa mo dito?”

“Sabi kasi ng secretary mo na hindi ka pa daw naglunch kaya dinalhan na kita”

Tumayo ako at kinuha yung pagkain na dala niya “Salamat”

Tumingin siya sa blue print na nakalapag sa malaking table “Ang ganda naman nito. Para saan ito?”

“Para yan sa boutique ni Thea”

Tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata “Thea?”

“Oo. Si Thea Young. Kilala mo ba siya?”

“Kilala mo si Thea?”

“Oo. Friend ko siya”

“Wala ka bang ibang naalala sa kanya?”

Nagkunot yung noo ko “Friend ko nga siya. Nagkakilala kami two years ago kasi business partners yung parents namin”

“Bukod pa don. May iba pa?”

“Kasintahan niya si Harry at doon rin siya nagkolehiyo kasama silang dala---” hindi ko natapos yung pagsasalita ko

“Bago pa nangyari lahat ng yan, may naalala ka ba?”

Huminga ako ng malalim “Alam mo, kahapon ka pa. Wala akong panahon para sagutin lahat ng tanong mo. Salamat pala sa pagkain. Makakaalis ka na”

“Janica…”

“Xavier, tama na. Nakakainis ka na. Hindi ka pa nga kita kilala tapos kahit ano ano na yung pinagsasabi mo sa akin. Tinawag mo pa akong tanga? Gago ka ba?! Kailan pa ba ako naging proud para tawagin ko ang sarili ko na tanga? Pwede ka ng umalis. Bukas yung pintuan ko”

Hindi siya nagsalita at umalis na sa office ko. Umupo ako at hinawakan ang ulo ko “Arrghhh!!! Nakakainis talaga siya!!!”

Nagmamadaling pumasok si Kara sa office ko “Ms. Marquez, may problema ba?”

Tumingin ako sa kanya “Wala”

“Bakit po kayo sumisigaw?”

“Wala lang. Okay lang ako. Bumalik ka na sa trabaho mo”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon