Chapter 30

935 38 0
                                    

Nakakainis talaga sila Cloe at Jefferson! May iba silang pinuntahan pagkatapos sa nangyari sa gym. Nagtext si Kevin na may practice kami ngayon. Sabi niya kahapon na wala kaming practice. Hay nako! Pupunta nalang ako sa practice room since hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Umakyat ako sa fourth floor kung saan ang practice room. Nung nakarating na ako sa fourth floor ay napagod ako sa kaaykat sa hagdanan. Binuksan ko yung pintuan at wala akong nakitang tao. Baka papunta pa lang yung iba. Umupo ako sa sahig at hinintay na dumating yung iba. Habang naghihintay ako ay biglang pinatugtog yung Give me love ni Ed Sheeran. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Kevin lumabas galing sa dressing room na may dalang roses. Tumayo ako at dahan dahan siyang naglakad patungo sa akin. Huminto siya sa harapan ko at binigay yung rose niya sa akin “May I have this dance?”

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Nilagay ko yung kamay ko sa balikat niya habang ang isa kong kamay ay hawak niya. Nilagay niya yung kamay niya sa likuran ko at sinimulan naming magsayaw

“Gusto ko sanang magtanong kung anong nangyari sa inyo kahapon ni Xavier pero hindi ko kasi moment natin tong dalawa”

“Kung tatanongin mo ako, sasagot ako na walang nangyari sa aming dalawa”

“Mabuti naman…”

Nung malapit na matapos yung kanta ay huminto kami sa pagsasayaw “Janica, can you be my Valentine?”

Nagulat ako sa sinabi niya. Dalawa na yung nagalok sa akin ngayong araw. Sino ba yung pipiliin ko? Ang hirap naman nito! Kinagat ko yung labi ko “Kailangan ko pang pagisipan. Mamayang alas tres ng hapon sasabihin ko sayo kung ano yung sagot ko”

“Sure”

Huminga ako ng malalim at pumunta ako sa canteen. Kailangan kong pagisipan kung sino yung pipiliin ko sa kanilang dalawa. Hay nako! Kakainis naman ito! Bakit ba kasi may Valentine’s Day? Pwede naman na wala di ba? Pwede naman na meron pero bakit kailangan may Valentino o Valentina? Pwede naman wala yan! Mabubuhay naman ako kahit wala akong Valentino. Yumuko ako sa lamesa at nagisip isip. Ilang segundo, may humawak sa likuran ko. Tumingin ako at isang lalake ang ngbigay ng sulat sa akin. Umalis siya kaagad

Your hair is beautiful

Sino kaya ang nagbigay nito? Tumayo ako at lumabas ng canteen. Paglabas ko ng canteen ay may lalake sumalubong sa akin at nagbigay din ng sulat

You have a gorgeous smile

Gusto kong magtanong kung sino yung nagbigay nito pero tinuran ako ng lalake na maglakad patungo sa library. Sinunod ko ang utos ng lalake at may lalake na nakaatang sa library

You’re adorable

Naglakad ako patungo sa classroom namin at may lalake sa labas ng classroom namin

You’re smart

Naglakad ako patungo sa grounds at binigyan ako ng lalake ng sulat

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon