Chapter 44

867 38 0
                                    

Ngayong araw na ito malalaman namin kung sino ang nakasali sa Top 10 at kung sino ang Valedictorian at Salutatorian. Nandito kami lahat sa auditorium naghihintay sa resulta. Kinakabahan na kaming lahat ngayon. Yung first good news nila ay makakagraduate kaming lahat. Kinakabahan ako lalo nung inannounce na yung top 10. Nasa top 9 si Ian. Proud na proud kami sa kanya. Hindi pa rin nila tinawag yung pangalan ko pagkatapos inannounce yung top 10. What if madisappoint ko si papa? Kinagat ko ang labi ko

“Salutatorian is…Xavier Kristian Carter” nagulat sila lahat nung tinawag yung pangalan ni Xavier. Hindi na ako nagulat dahil siya yung top 2 sa batch namin last year. What if hindi ako kasali sa honor students ngayon? Ineexpect talaga ni papa na maging honor ako ngayon

“Valedictorian is…” pinikit ko ang aking mga mata dahil ayaw kong marinig ang pangalan na babangitin

“Janica Chai Marquez” dumilat ako at nakatingin lahat ng tao sa akin. Totoo ba yung narinig ko? Pangalan ko ba yung binanggit?

“Bff! Congrats!” sabi ni Nadine

Napaiyak ako nung nalaman ko na Valedictorian ako. Hindi ko akalain na makakamit ko pala yun. Nawala lahat ng pagod ko! Sa wakas, magiging proud na rin yung mga magulang ko. Nagsi alisan na kami pagkatapos nga announcement. Maraming nagcongrats sa akin. Lumapit si Xavier sa akin

“Congrats sa ating dalawa!”

“Oo nga” sabay ngiti ko sa kanya

“Umiiyak ka ba?”

“Tears of joy lang to”

Lumapit sina Ian, Nadine, Edward, Harry at Thea sa amin

“Nakakainggit kayo dahil kayong dalawa ang Salutatorian at Valedictorian” sabi ni Nadine

“Maging proud ka rin sa boyfriend mo” sabi ni Edward

“Proud naman ako sa kanya. Gusto ko kasi kasali ako sa top 10 para kaming dalawa”

“Sino ba ang hindi gustong makasali sa top 10? Wala naman di ba? Pero okay na yun. At least, makakagraduate tayong lahat” sabi ni Harry

“So, libre ninyo ngayon ang lunch namin?” tanong ni Ian

“Ngayong Friday, magdinner tayo. Sagot ko” sabi ni Xavier

Habang kumakain kami ng hapunan namin ay hindi ko mapigilan sa sarili ko ang ngumiti. Huminga ako ng malalim “Ma, Pa, may sasabihin ako sa inyo”

Nakatingin silang lahat sa akin

“Valedictorian po ako”

Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Biglang napaiyak si mama

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon