Chapter 55

881 40 0
                                    

Tinulungan kong maghanda ng hapunan si auntie Rhea. Andon pa sa loob ng kwarto ni Lora si Janica. Nagbihis muna siya dahil ang basa basa namin kanina sa ulan. Lumabas na siya galing sa kwarto ni Lora at ang ganda niya talaga! Hindi nagkupas yung kagandahan niya. Kung gaano siya kaganda noon ay mas lalong gumanda siya ngayon. Napangiti ako nung nakita ko siya. Inalog ako ni Dino

“Pare! Nakakaadik yan!” umiwas ako ng tingin nung sinabi yung ni Dino sa akin. Ganon ba talaga ka obvious na tinitignan ko si Janica? Nahiya tuloy ako sa ginawa ko.

Kumain na kami at napagusapan namin yung nangyari kanina. Sobrang natuwa si auntie Rhea nung nalaman niya na nanalo kami sa laro kanina. Kaya pala may mga laro kanina dahil bukas na yung fiesta dito. May maraming magaganap daw bukas kaya etong si Janica, na-excite tuloy siya.

Tinulungan ko si auntie Rhea sa paghugas ng pinggan. May ginagawa kasi sina Lora at Dino para sa fiesta bukas. Lumabas ako ng bahay para hanapin si Janica. Umupo ako sa tabi niya at ngumiti siya sa akin “Ang ganda ng mga bituin ngayon”

Sabay kaming tumingin sa mga bituin. Naalala ko tuloy nung nangyari sa Macau. Nakakita kaming dalawa ng shooting star. Sana makakita kami ng shooting star ngayon kasi may wish talaga ako ngayon. Wish ko sana bumalik yung alaala ni Janica. Gusto kong bumalik siya sa akin

“Xavier, alam kong weird itong tanong ko pero…may girlfriend ka na ba?”

Napatingin ako sa kanya “Bakit bigla mo yang natanong?” bakit kaya natanong niya ito sa akin?

“Wala lang. Nagtataka lang kasi ako dahil hindi pa kita nakita na may kasamang ibang babae”

Bigla akong napatawa. Hindi kasi ako mahilig sumama sa mga babae. Ganyan ako ka loyal sa kanya. Gusto ko siya lang yung kasama kong babae “Hindi ko lang feel eh”

“Baka magiging bakla ka tuloy dahil wala ka pang girlfriend”

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Sinabi niya bang bakla ako? Porket wala akong girlfriend, bakla na agad? Pwede bang hinihintay ko munang bumalik yung alaala niya? “Hindi ako bakla noh!”

Ngumiti siya sa akin “Sa bagay, ang gwapo mo tapos maraming babae nagkakagusto sayo”

Sinabihan niya ako ng gwapo ako? Ito yung first time narinig ko galing sa kanya na sinabihan niya ako ng gwapo pagkatapos ng pitong taon! Napangiti nalang ako sa sinabi niya “May hinihintay kasi ako kaya wala akong girlfriend hanggang ngayon”

Bigla siyang nagkainteres sa sagot ko kaya nagtanong pa siya lalo “Talaga? Sino yan? Kilala ko ba yan?”

“Hindi mo siya kilala”

Bigla siyang sumimangot “Ay. Share mo nalang sa akin kung paano mo siya nakilala” at bigla siyang ngumiti. Paano ako makakatanggi sa kanya? Eh, ang ganda ganda niya! Napakamot ako sa ulo ko “Hindi ko na kasi masyadong matandaan”

“Hindi ako naniniwala sayo!”

“Sige na nga. Ganito kasi yun, nakilala ko siya eight years ago. Hindi nga ganon kaganda yung unang pagkikita namin pero masaya talaga ako dahil nakilala ko siya. Kung hindi ko siya nakilala, hindi ko alam kung saan na ako ngayon”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon