Chapter 15

27.3K 707 73
                                    


Kristine Imperial

"Zayne?"

"Kristine?"

Sabay na saad namin, nang makasalubong ang isa't isa.

Napagpasyahan kong magpahangin muna at maglakad lakad nang  muntik pa akong masagasaan dahil naglalakbay itong isip ko.

Bakit ba ang dami kong katangahan sa buhay? kotang kota na ako.

Tapos nalaman ko nalang na si Zayne pala ang driver nang makababa ito sa sasakyan niya.

"Bakit ba lutang ka?mag ingat ka nga!"

Kunot noong saad nito na nagpasimangot lang saakin.

"Sorry ha, next time itatali ko yung utak ko nang di lumipad."

Irap kong nagpabuntong hininga rito habang tinitignan kung may galos ba ako.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong nito.

Yung puso ko hindi.

"Wala naman akong galos Zayne."

Ngiti ko sakaniya.

"Bakit nga pala nandito ka?"

Tanong ko na nagpaiwas sakanya ng tingin.

"May hinahanap lang ako."

Kibit balikat na saad nito na nagpailing nalang saakin.

"Want to have coffee with me Zayne?may malapit na cafe dito, libre."

Ngisi kong nagpasimangot dito.

"Wow ikaw ang nag aya tapos libre ko?"

He frowned, I winked at him.

"Tara na, miss ko ng mag hang out sa cafe ni Ruby."

Kibit balikat kong saad, saglit pa itong nagdalawang isip kalaunan ay napatango. 

Napangiti nalang akong sumakay na ng kotse nya.

I heaved a harsh breath for the ninth time while crossing arms looking outside of the window of Zayne's car.

"You look bothered."

He uttered while driviing, making me sigh as I look at him.

"Vin Alvarez..."

Medyo natigilan pa ito sa sinabi ko at tila ba naasar lang nang marinig ang pangalan niya.

Kahit sino naman ay mababad trip marinig palang ang pangalan ng gago.

"What about him?"

Tila ba masama ang timplang saad niyang napahigpit ang kapit sa manibela.

"Kasalanan mo ito! ikaw ang may pakana ng lahat!"

I frowned jokingly, well half of it.

"Nakakainis ka sana sinabi mo nalang saaking di sya baliw kahit di halata"

Para naman narendahan ko itong puso ko kahit papaano. 

Saad ko saaking isipan.

"Sana pinalaklak mo ng isang drum ng gamot parta natuluyan na---I mean natulyang mabaliw."

He hissed.

He looks troubled and I think I know the reason.

"Sorry..."

Zayne said looking at me, kunot noong napatingin ako dito.

"Tungkol kay Vin o may iba pang dahilan?"

Bachelor Series #2:His Possession(Completed)Where stories live. Discover now