Chapter 7

32.5K 872 27
                                    


Kristine Imperial

"Yes mom, pupunta na nga ako dyan, masyado kayong excited makita ang pinakamaganda nyong anak na mas maganda pa sainyo..."

Ngisi ko sabay maarteng hawi ng buhok habang kausap si mommy sa ear piece na nakakonekta mula sa phone ko habang  binabaybay ko ang daan pauwi ng mansiyon.

["Mas maganda ako sayo noh echoserang frog to! Wala kang ganda kung wala ako!"]

Saad nito na nagpairap sakin.

"Asa ka mommy kay daddy ako nagmana noh..."

I giggled.

["Oo pareho kayong panget."]

She hissed making me frown.

"Panget daw si dad? eh patay na patay ka nga eh, ikaw nga daw ang nanligaw sakaniya diba?"

Ngisi kong sagot, binusinahan ko pa nang may makasalubong na sasakyan ng kaibigan ko na sinagot din niya saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Hoy! sino nag  chika sayo niyan?!"

Gulantang pang sabi nya na nagpatawa lang saakin loka loka talaga tong nanay ko.

"Si tita, pinilit ko."

Hagikhik ko.

"Aba chismosa! tawil kita diyan eh."

She frowned.

"Luhh 17 years mo ng sinasabing itatakwil mo ako, di mo naman magawa kasi kapag ginawa mo yun mawawalan ka ng magandang anak."

Puno ng confidence na sabi ko, I am just telling the truth.

["Ewan ko sayo! bilisan mo na diyan, love you.]

Malapad nalang akong napangiti sa tinuran ni mommy, buti nalang hindi ako nagmana sakanya hihi.

"Asus...miss mo lang ako ehh.. love you my, malapit na po ako."

Saad ko saka inunahan na syang patayan ng tawag at nagpatuloy nalang sa pagdadrive.

 But then I suddenly remembered that scene yesterday morning with Ervin. Nagising nalamang akong nakahiga sa hita niya at ni hindi ko namalaayang nakatulog pala kami sa kotse.

Naibalik ko naman na siya sa hospital, at wala naman ng ibang naging problema.

I sighed, what the heck is this foreign feeling? Masyado lang siguro akong napapalapit sakanya kaya ako nakakaramdam ng ganto. Parang kapatid lang siguro sya na kailangan kong alagaan. 

Ganun na nga lang siguro yun, tutal ay sanay na ako sa kuya kong baliw. Mariin nalamang akong napapikit saka marahas na napailing.

Maya maya pa ay nakarating narin ako sawakas sa loob ng subdivision.

Agad akomg dumiretso sa mansyon para bisitahin ang mga magulang ko. Today, I took a day off, balak kong makipagbonding sa mga magulang ko.

Saka may usapan din kami ng kaibigan kong pariwara na si Jonarlene na magkikita kami mamayang gabi.

"Mom! Dad!"

Saad ko nang mabungaran ang dalawa sa garden. Napangiwi nalamang ako nang mapansing nasa loob ng blusa ni mommy ang kamay ni daddy, agad naman nitong inalis iyon.

"Eww...."

Saad ko saka nagpakita ng nasusukang ekspresyon na nagpairap lang kay mommy, si daddy naman ay natawa lang at umiling.

"Jusko tong batang to darating na nga lang maninira pa ng moment!"

Saad nito saka humalukipkip, napangiti nalang akong niyakap silang dalawa saka hinalikan sila sa pisngi.

Bachelor Series #2:His Possession(Completed)Where stories live. Discover now