Chapter 10

32.4K 740 26
                                    

Kristine Imperial

Napahugot nalamang ako ng malalim na hininga at pinakatitigan ang wedding invitation na hawak.

It's a wedding invitation from my ex boyfriend.

Nakakalerkey balat kalabaw ata ang mga yun at nakuha pa akong padalhan ng wedding invitation!

Those two disgusting people I shouldn't have asociated myself with.

"Invited naman ako eh?Why not?"

I said playing the trashy invitation card on my hands with a wicked grin plastered on my lips.

Narealize kong naka move on na ako pero hinding hindi ko mapapalampas ang ginawa nila.

Bukod sa pagpapauwi saakin ng mga magulang ko ay sila rin ang dahilan kung bakit napilitan akong umuwi nalang at dito na magtrabaho.

Nagpakalat ang babaeng higad ng photoshopped scandal ko kuno dahilan para matanggal ako sa ospital na pinagtatrabahuan ko.

Nalinis naman agad at di na masyadong kumalat at maliit lang ang damage dahil narin sa connections na meron ako. Mabuti nalang talaga at andyan ang mga kaibigan ng kuya ko na parang mga kuya ko narin na to the rescue saakin.

Isama mo pa ang phantom organization na pinamumunuan ng kaibigan kong si Ruby.

Hindi namin hinayaang, maging dahilan ako ng kahihiyan ng pamilya ko at madamay pa sa gulong gawa ng mga baliw na iyon.

Pero ang nakakainis pa bukod doon ay nalaman kong buntis ang haliparot na higad at isang taon na pala silang may relasyon! 2 years na pinagsamahan namin ng kabogerong ex boyfriend ko na kinabog ang mga adik sa kanto ay tinapon nya nang ipagpalit nya ako sa empaktitang hipon na yun!

No, hindi ko dapat siya ikinukumpara sa hipon, dahil nakakainsulto iyon sa part ng mga hipon.

I don't really mind him loving someone else, pero para isang taon na akong lokohin? Kapag nahulog na sa iba ay tapusin na, it's damn pointless.

And I hate how they had to ruin me and my family. Ibang level din ang inggit ng babaeng iyon saakin.

Kaya nga ako umuwi ay para iwasan nalang sila, tapos ngayon ay uuwi din sila at talagang iimbitahin pa ako ha?

Matagal ng nawala ang pagmamahal ko sa lalaking iyon. Right now, parang bumalik saakin ang lahat. All I feel is hate, I 'm disgusted at them.

Okay lang sanang ipinagpalit nya ako pero para subukang sirain ang buhay ko?aba ibang klase yun! Nakamove on na ako at wala na akong natitirang damdamin ngayon kundi galit sa lahat ng ginawa nila.

Kung ako lang sana ay mapapalampas ko pa.

But I found out something I never imagined they would be the one behind.

We've actually known each other for years. Nakilala ko sila noong college at naging kami lang noong nasa Canada kami.

We have this friend who took her own life, way back in college and no one knew the reason.

We are really close back then, she's a scholar who's very hardworking and kind. I like her a lot since I can see how determined she is to help her parents.

Everything is normal, walang nakakahalatang may problema siya sa likod ng mga ngiting iyon.

And I hate myself not noticing it soon. One day, she just stopped coming to school, we tried reaching her but she would always avoid us.

We wanted to help, we really do, but we were too late.

She ended her silent pain and sufferings. The thought of it still pains me.

Bachelor Series #2:His Possession(Completed)Where stories live. Discover now