Chapter 26

1.4K 34 4
                                    

Megan's POV

Nag-uusap, nagkakasama, nagkakabonding pa rin naman kami ni Tonette katulad ng dati, pero alam kong may iba. May iba kasi alam kong may harang na yung puso ko para maprotektahan ko para hindi ako ganoong masaktan. Hindi ko kasi alam kung paano mag-unlove ng isang tao. Sinubukan ko namang hindi pansinin si Tonette, sinubukan ko ring lumayo sa kanya matapos nyang sabihin sa akin na kaibigan lang talaga ang kaya nyang ibigay sa akin. Pero wala, hinahanap-hanap ko pa rin talaga sya. Mas lalo ko lang syang hinahanap-hanap. Mas lalo lang akong nasasaktan kapag hindi ko sya nakikita, wala sya sa tabi ko at kapag hindi ko sya nakakausap.

Pero kapag kasama ko naman sya mas lalo akong napapamahal sa kanya. Mas lumalalim lang yung nararamdaman ko para sa kanya, pero alam ko rin na lumalalim lang din yung sakit sa puso ko dahil hindi ko tanggap na hanggang magkaibigan lang kami.

Kung ito naman yung gusto nya bakit ipagkakait ko sa kanya. Parang kami na nga kung umakto kaming dalawa, label na lang talaga yung kulang. Napapaisip tuloy ako kung mahalaga nga ba talaga magkaroon ng label kapag mahal nyo yung isat isa. Hindi ba pwedeng magmahalan na lang kayong dalawa at iparamdam nyo iyon sa isat isa. Dahil alam nyo naman na sa puso nyo na ang laman nyan ay ang isat isa. Pero hindi naman ako eksperto sa love na yan. Hindi ko rin alam kung tama ba itong ginagawa ko o hindi. Wala rin naman silang sinasabi sa akin o kaya maipayo man lang sa sitwasyon namin ni Tonette. Kaming dalawa lang talaga yung nakakaalam ng pakiramdam ng ganitong sitwasyon. Siguro hihintayin ko na lang si Tonette na maging handa para maging kami. Pero kung hindi man, mananatili pa rin akong kaibigan nya.

"Aray!" napahawak ako sa ilong ko dahil pinitik iyon ni Tonette. Nakahiga kasi sya sa lap ko. Akala ko tulog pa sya.

"Kainis ka, hindi mo ba alam na--- hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ay sumabat na agad sya.

"Na ano? Kanina ka pa nakatitig sa mukha ko?" sabay kindat nito sa akin. Marahan ko namang tinapik yung noo nya, bagay na ikinakunot ng noo nya.

"Asa ka! Nagmumuni-muni lang...--- hindi na naman nya ako pinatapos ng sasabihin ko sumabat na sya.

"Nagmumuni-muni ka sa kagwapuhan ko." nagmamalaki nyang sabi kaya naman napairap ako sa kanya. Bahagya namang natawa si Tonette dahil sa reaksyon ko.

"I love you." mahina nyang sabi, sapat na para marinig ko. Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung matutuwa ba ako o ano. Ayokong umasa pero ramdam kong sincere yung pagkakasabi nya sa akin. Parang yung pader na harang sa pagitan namin na inilagay ko unti-unting nalulusaw. Hindi ko rin alam bakit ganito yung epekto nya sa akin.

Tumayo ako bigla dahil ayokong makita nya na napangiti ako sa sinabi nya.

"Aray naman, Megan. Pwede ka namang magdahan-dahan muntik na akong malaglag sa sofa." reklamo sa akin ni Tonette.

"Ay sorry hindi ka pa tuluyang nalaglag sa sahig para mabagok yang ulo mo para naman malaman mo ang katotohanan na hindi ka gwapo." sarcastic kong sabi sa kanya. Napailing na lamang sya sa sinabi ko at saka ngumiti.

"Oh bakit ka nakangiti?" takang tanong ko sa kanya.

Umiling muna ito bago nagsalita.

"Wala naman, naisip ko lang... -- huminto sya sa pagsasalita na parang may iniisip. Habang ako naman ay nag-iintay ng sasabihin nya. Pero wala syang binabanggit nakatingin lang sya sa akin, kaya naman nacurious na ako.

"Naisip mo lang, ano?" curious kong tanong sa kanya.

Ngumiti sya sa akin, baliw ata ang isang 'to, ngiti nang ngiti sa akin. Tumayo sya at lumapit sa akin.

"Nakalimutan ko na yung sasabihin ko. Pwede bang yakapin na lang kita?" Nabigla ako dahil hindi pa naman ako nakakasagot sa tanong ni Tonette ay yumakap na sya sa akin. Yumakap na lang din ako sa kanya. Ipinatong nya yung baba nya sa balikat ko. Bakit pakiramdam ko ang lungkot nya pero hindi nya sinasabi at ayaw nyang iparamdam sa akin.

"Tonette?" tawag ko sa pangalan nya. Ilang segundo bago sya sumagot sa akin.

"Hmm?"

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa paligid. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Parang natuyuan ako ng laway na hindi na ako makapagsalita.

"I love you, too". Sabi ni Tonette sa akin tapos ay hinalikan nya ako sa aking noo.

"Megan?" tawag pansin nya sa akin.

"Oh?"

Ngumiti lang sya sa akin tapos ay lumabas na sya ng unit ko. Baliw na ata si Tonette. Pero mas baliw ako dahil para akong tangang nakangiti ditong mag-isa.

"Para kang baliw na nakangiti dyan, Megan. Gwapo ko talaga". Narinig ko pang sabi ni Tonette. Akala ko nakaalis na sya pero nasa pintuan pa pala sya ng apartment. Hindi nya ako nakikita pero paano nyang nalaman na nakangiti ako?.

"Lumayas ka na nga". Sigaw ko sa kanya. Narinig ko naman yung tawa nyang pahina na dahil lumalakad na sya palayo ng kwarto ko.

Pero tumakbo ako at hinabol ko sya sa labas. Yumakap ako sa kanya, naramdaman ko namang nagulat sya sa ginawa ko. Ako naman ngayon yung nakapatong yung baba sa balikat nya. Hindi sya nagsasalita.

"Babalik din naman ako, maliligo lang ako". Sabi sa akin ni Tonette at saka sya humarap sa akin dahil nakaback hug ko sa kanya. Muli nyang hinalikan yung foreheard ko which is sweet para sa akin.

Hinatid nya ako pabalik sa kwarto ko. Hindi ko pa rin kinakalas yung pagkakayakap ko sa kanya. Naglalambing ako, oo na. Hindi ko talaga sya matitiis kahit kelan.

"Gwapo ko talaga". Napakunot noo naman sa ako sa narinig kong sinabi nya.

"Saang banda?". Sarcastic kong tanong sa kanya.

"Dito." kiniss nya yung mata ko.

"Kasi ikaw lang ang nahuhumaling sa kagwapuhan ko, buti gumana yung gayuma na pinainom ko sayo". Natatawang sabi nya kaya hinampas ko sya sa braso.

"Dito pa". Hinalikan nya yung ulo ko.

"Kasi alam ko na lagi mong iniisip kagwapuhan ko". Natatawa pa rin nyang sabi.

"Pero higit sa lahat". Kiniss nya yung nose ko.

"Gwapong-gwapo ka pa rin sakin kahit hindi ako naliligo". Nakangiti nitong sabi sa akin. Hindi ko alam kung kikiligin ako o matatawa ako sa mga pinagsasasabi nya.

"Megan, hindi ako mambabae, maliligo lang ko. At saka ikaw lang yung babae ko". Sabi pa nya sa akin. Bwisit na babaeng 'to nakakainis talaga kahit kelan. Mas hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya.

"Suplada ka man". Dagdag pang sabi ni Tonette. Okay na sana pero dinagdagan pa ng suplada. Pero dinugtungan ko sa isip ko, yung sinabi nya. Magiging akin ka rin.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Tonette pero sya naman yung yumakap sa akin. Baliw talaga sya. Pero tinulak ko sya palayo sa akin.

"Ang baho mo na maligo ka na nga". Nagtakip ako ng ilong kunwaring nababahuan sa kanya.

"Ah ganoon, maliligo na ako. Wag kang makayakap-yakap sakin pagkatapos kong maligo". Pagmamalaki nito sa akin.

"As if namang yayakapin kita". Sabi ko habang nakacross-arms.

"You just did awhile ago. Pero don't worry sayo lang naman ako papayakap". Sabi nito sa akin tapos ay lumabas na ng kwarto ko.

Naiwan na naman ako ditong naiiling habang nakangiti sa sinabi nya.

Yeah ganito kami, more than friends less than lovers.

But have you ever been into this kind of situation? Kung oo, dapat bang manatili pa ako sa tabi ni Tonette at ipakita sa kanya kung hanggang saan ko sya mahalin, na ako yung taong mananatili sa tabi nya kahit hindi na nya ako kailangan o dapat ko na syang iwan dahil sa huli alam ko naman na ako lang din yung masasaktan dahil hanggang kaibigan lang yung kaya nyang ibigay sa akin. Hay, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

***

A/N: thanks for reading.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Where stories live. Discover now