Chapter 23

1.6K 54 2
                                    

Megan's POV

Tinawagan ko si Raquel para samahan akong uminom dito sa apartment. Hindi naman kami close pero alam kong sya yung makakaintindi sa nararamdaman ko.

Pagdating nya ay kinuha ko ang mga dala nyang pagkain. Naupo naman sya sa sofa at uminom ng tubig.

"So anong problema na naman?" tanong nito sa akin.

"We broke up." sabi ko kay Raquel at saka ako tumungga ng bote ng alak.

"I'm sorry?" sabi nito na parang hindi narinig yung sinabi ko kaya naman inirapan ko sya. Bigla naman syang natawa.

"Nagbreak kayo? Akala ko ba sabi nya girlfriend ka nya, bakit ngayon break na kayo?" takang tanong nito sa akin.

"I don't know what the hell is wrong with that jerk. Sabi nya girlfriend nya ako tapos noong pagpunta ko sa kanila, pinagpapanggap nya akong girlfriend nya. Sino bang hindi magagalit sa pinaggagagawa nya. Pinaglalaruan nya ata ako!" inis kong sabi kay Raquel.

"Huminahon ka nga muna, Megan. Baka naman nabigla lang si Tonette sa nasabi nya. Tsaka bigyan mo pa syang time para makapag-isip. Hindi ba may problema sya, kaya dapat intindihin mo sya?" sabi sa akin ni Raquel kaya naman napaisip ako sa sinabi nya. May point naman sya sa sinabi nya. Kaya lang kasi, syempre nauna yung sakit na nararamdaman ko sa mga sinabi nya, kesa yung pag-iisip ko ng tama. Sya naman ang tumungga ng alak.

"Pero nasabi ko sa kanya na sana hindi ko na lang sya minahal para hindi nya ako sinaktan ng ganito." bigla naman akong nakaramdam ng masakit na pumalo sa ulo ko.

"Aray naman!" angal ko kay Raquel na tumutungga ng alak.

"Gaga! Bakit mo naman sinabi yun sa kanya. Madaling masaktan yun, didibdibin nya yung sinabi mo.. Baka mamaya.. Baka mamaya..-- pabitin pa nyang sabi.

"Baka mamaya ano?!" singhal ko sa kanya.

"Wala just kidding. Hayaan mo sya marerealize rin nya yung sinabi mo. Tingnan mo sya pa ang susuyo sayo kapag nakapag-isip sya na mali yung ginawa nya." sabi sa akin ni Raquel. Kilalang-kilala nya talaga si Tonette. Hay.

"Teka nga, Raquel." sabi ko kay Raquel sabay pigil ko sa pag-inom nya ng alak.

"What?" tanong naman nito sa akin.

"Hindi ka naman mukhang malandi, mukhang mabait ka naman. Hindi ka rin bitch...

"Teka nga Megan, iniinsulto mo ba ako? Hindi naman talaga ako malandi, at saka mabait ako talaga hindi lang mukha. At isa pa hindi ako bitch na katulad mo. Kaya nga hindi ko alam kung...

"Paano nagkagusto sa iyo si Tonette?" sabay naming sabi sa isa't isa. Napatawa pa kami at sabay lumagok ng alak.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa buong paligid. Para kaming tangang dalawa. Pero nakocurious talaga ako kung bakit sila naghiwalay.

"It was a mutual agreement." biglang sabi ni Raquel sa akin.

"Huh?" takang tanong ko sa kanya.

"Kung bakit kami naghiwalay ni Tonette."

"Ah okay." napatango naman ako kay Raquel. Mas nakakarami na ata sya ng inom sa akin. Dahil nag-iiba na yung way nang pagsasalita nya. Parang may tama na sya ng alak.

"Do you still love her?"

Napasandal si Raquel sa couch.

"Hindi naman nawawala yung love mo sa isang tao. Maybe love will fade away, maybe time will heal the wound but it's still there." ani sa akin ni Raquel.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon