Chapter 2

5.7K 117 0
                                    

Tonette's POV

Tinatamad akong pumasok ngayon pero kailangan ko talagang pumasok dahil may quiz daw kami ngayon. Hindi naman ako nagreview para sa quiz, kahit kelan ang tamad ko talaga.

Dahil nakatambay na naman kami ni Allison sa rest area nagsoundtrip na lang ako dahil wala naman akong magawa. Si Allison naman matyagang iniintay yung crush nya. Hay ano ba naman to, hindi na nagsawa sa pagmumukha ng crush nya.

Kanina pa kami dito pero wala pa rin yung crush nya na dapat kanina pa nya inaasahang makita.

" Hindi na papasok yun " sabi ko kay Allison.

Ang sama naman ng tingin nya sa akin sabay irap.

" Ikaw kahit kelan napakakontrabida mo talaga " sabi nya sa akin.

Natawa naman ako sa kanya at balik sa pagsasoundtrip ko.

Maya maya ay dumaan na nga yung crush nya. Siniko nya ko at nakakaloko naman yung ngiti nya sa akin na parang sinasabi sa akin na, sabi ko sayo papasok si crush.

Pagkapasok namin sa room ay naupo na ako kaagad, ikaw ba naman umakyat ng 5th floor  hindi ka kaya mapagod?

Ngayon ko lang napansin na close pala itong si Allison at Megan dahil magkausap sila. Kahit katabi ko lang si Megan ay hindi ko maintindihan yung pinag uusapan nila ni Allison dahil nakaearphone ako.

Tapos tumayo sila at lumabas ng room, alam ko na kung saan sila pupunta. Sa number one tambayan ng girls sa school saan pa ba adi sa cr.

--------

Megan's POV

Nakisabay ako kay Allison at sa kaibigan nya na kumain ng lunch dahil wala pa akong masyadong kaibigan. At mukhang ok naman silang maging kaibigan.

Madaldal si Allison at masayang kausap. Samantalang yung kaibigan nya na hindi ko alam ang pangalan tahimik lang na kumakain.

Habang kumakain kami may lumapit na lalaki sa amin, nakikipagkaibigan sya at kinukuha yung number ko. Hindi ko naman sya pinansin at inirapan ko lang sya.

" Haha ang suplada mo naman Megan " sabi ni Allison habang natatawang nakatingin sa akin.

" Hindi naman, hindi ko lang kasi sya feel haha " sagot ko sa kanya.

Natingin naman ako sa kaibigan ni Allison na hindi ko pa rin alam ang pangalan, tuloy pa rin sya sa pagkain nya at parang walang paki alam sa mundo. Baka naman naiinis sya sa inasal ko sa kanya nung binigyan nya ako ng papel.

Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa room namin para sa next class namin dahil 1 hour lang naman ang lunch break namin.

Hanggang sa matapos ang lahat ng subject namin ngayong hapon wala akong naintindihan kahit isa. Lutang na naman ang isip ko hay.

" Sabay na tayong umuwi di ba pareho lang tayo ng apartment na inuuwian? " sabi sa akin ng kaibigan ni Allison sabay ngiti sa akin.

" Oo nga pero ayaw kitang kasabay umuwi " sabi ko sa kanya at naglakad na ako pauwi.

Sabihin nyo ng masama ang ugali ko, pero hindi ko talaga sya feel. Ewan ba pero sa tuwing nakikita ko sya naiinis ako, alam ko wala naman syang ginagawang masama sa akin pero naiinis lang talaga ko kapag nakikita ko sya.

Pagdating ko sa apartment ko nahiga agad ako dahil napagod ako kahit wala naman akong ginagawang nakakapagod haha. Naidlip ako at pagkagising ko 9 pm na, hindi pa pala ako naghahapunan.

Nagpalit ako ng damit ko at bibili na lang ako ng pagkain ko sa Mcdo. Iniisip ko kung magtetake out ba ko o dine in pero dahil gutom na talaga ko nagdine in na lang ako. Naglalakad ako pauwi pero nakita ko yung kaibigan ni Allison na kausap yung ex ko.

Ano kaya nya yung ex ko?

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon