Chapter 11

3K 77 3
                                    

Tonette's POV

Nagmamadali akong pumunta sa kapatid ko dahil emergency daw. Naghahabol pa ako ng aking hininga dahil sa pagmamadali ko. Pagdating ko dito ay agad ko syang tinanong "Oh anong nangyari?!" pag-aalala kong tanong sa kapatid ko. "Bili mo kong modess meron na ako hindi ako makalabas!" napaface palm pa ako sa aking narinig, akala ko naman kung ano na yung emergency nya nun pala nagpapabili lang sya ng modess. "Sira ulo pinag-alala mo ko!" medyo inis kong sabi sa kanya, ngumiti lang sya sa akin tapos nagpeace sign.

Bumili naman na ako ng modess sa tindahan. "Pagbilan pong modess" sabi ko kay ateng tindera habang nakangiti. "Ang ganda naman ng smile mo ate" puri sa akin ni ateng tindera, hindi naman ako nagsalita dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya nginitian ko lang sya, tapos ay umalis na ako pagkabili ko nang napkin ng kapatid ko.

Inabot ko sa kanya ang napkin nya "Thanks ate" sabi naman nya sa akin tapos ay kinuha nya ang napkin na binili ko. Nahiga naman ako sa higaan dahil feeling ko pagod ako na ewan.

Maaga akong nagising kanina dahil nagpadala si mama ng pera sa akin, magpapasama sana ako kay Megan pero pagkatok ko sa unit nya ay sinalubong ako ng kanyang kaibigan.

"Ah eh si Megan?" tanong ko sa kanyang kaibigan na hindi ko alam ang pangalan. "Ay natutulog pa eh, ano bang kailangan mo?" tanong nya sa akin. "Ay eh wala papasama lang sana ako, pero sige hindi na lang salamat" sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako nang tawagin sya ng kanyang isa pang kaibigan. "Kim si Leah!" sigaw ng isang babae.

Nagsuka yung tinatawag na Leah nung isang babae, lumapit naman agad si Kim. Inalalayan nila si Leah paupo sa upuan. "Cherry kumuha ka ng basahan punasan mo yung suka ni Leah, ah eh pwede bang pakibuhat si Megan papunta sa kwarto nya?" sabi naman nung Kim kay Cherry. Tapos ay bumaling naman ang kanyang atensyon sa akin.

Maingat kong binuhat si Megan papunta sa kanyang higaan para hindi sya magising, tapos nun ay bumalik na ako kung nasaan ang mga kaibigan nya.

"Ah eh, Kim nga pala, ito si Leah" turo nya kay Leah habang inaalalayan nya dahil parang nahihilo pa ito. "At si Cherry" turo nya kay Cherry na ngayon ay nagpupunas ng suka ni Leah. "Pengeng tubig" sabi naman ni Leah.

"Ako ng kukuha, Tonette nga pala" pakilala ko sa aking sarili habang kumukuha akong tubig. Inabot ko kay Leah ang tubig at ininom naman nya ito. "Pasensya ka na, naabutan mo pa kaming ganito" paghingi ng paumanhin ni Kim sa akin. "Okay lang yun" sagot ko naman sa kanya.

"Kaibigan ka ni Megan di ba? Pwede mo ba akong ihatid sa amin?" tanong ni Leah pagkatapos nyang inumin yung tubig na bigay ko. "Ano ka ba Leah hindi ka na nahiya, may aasikasuhin ata yung tao nang-abala ka pa" sabi naman ni Kim kay Leah. "Eh hindi ako masusundo ng boyfriend ko ngayon, tsaka medyo nahihilo pa ako hindi ko kaya" sabi naman ni Leah kay Kim. Napabuntong-hininga naman si Kim tapos ay tumingin sya sa akin. "Ah sige hatid na kita sa inyo baka mapano ka pa" sabi ko naman kay Leah.

Si Cherry naman ay nakikinig lang sa amin habang naglilinis at nagliligpit ng mga gamit. "Eto yung susi ng unit ni Megan, kunin mo ikaw na munang bahala sa kaibigan namin" sabi naman sa akin ni Cherry sabay abot sa akin ng susi.

Matapos ang ilang sandali ay nakapag-ayos na sila ng sarili, naunang umalis si Cherry tapos ay sumunod si Kim. Inintay pa nya kasi ang boyfriend nya na susunduin daw sya. Hindi naman makasabay si Leah sa kanila dahil motor ang pangsundo kay Kim ng boyfriend nya.

Inalalayan ko si Leah habang naglalakad kami palabas, magtataxi na lang kami para hindi na kami mahirapan. Baka mamaya kasi magsuka na naman sya idagdag mo pa yung init ng panahon.

"Tonette right?" sabi ni Leah habang nakasakay kami sa taxi. "Oo bakit?" tanong ko naman sa kanya. Umiling naman sya sa akin "Wala naman, thanks pala" sabi naman nya sa akin. "Wala yun" sabi ko sa kanya.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Where stories live. Discover now