Chapter 9

3.3K 86 0
                                    

Tonette's POV

Magkikita sana kami ni Raquel, yung ex ko pero hindi na kami natuloy dahil si Megan kinukulit ako na samahan ko sya sa apartment kasi nabobored na daw sya. Kinansel ko muna tuloy yung pakikipagkita sa ex ko.

Hindi ko naman alam kung bakit sa dinami-rami ng araw na papuntahin nya ako ay ngayon pa, nakakahiya tuloy sa ex ko. Bumalik na ako sa apartment para puntahan si Megan, siguro tinotopak na naman yung babaeng iyon at ako ang naisipang kulitin.

Nasa harap na ako ng pinto nya, hindi pa ako kumakatok ay pinagbuksan na nya ako ng pinto. "Anong kailangan mo?" cold kong tanong sa kanya. "Tsk! Wala sige lumayas ka na!" inis nyang sabi sa akin. Tingnan mo 'tong baliw na babaeng 'to, pinapunta ako tapos ngayon papaalisin ako. "Baliw ka ba? Hindi ako nakipagkita sa ex ko dahil.." hindi pa tapos ang sasabihin ko ay nagsalita na sya. "Pake ko sa ex mo! Sige magkita na kayo!" irita nya pa ring sabi.

Napahilamos naman ako ng mukha ko nang dahil sa bipolar na babaeng 'to, kaya naman pumasok ako na ako sa loob ng kwarto nya kahit hindi pa nya ako pinapapasok. "At ano sa tingin mong ginagawa mo?" sabi nya sa akin habang nakacross-arms pa. Nahiga ako sa kanyang kama at nagtakip ng unan sa mukha. Ayokong pakinggan kung ano mang sinasabi nya.

Sinara nya muna yung pinto sa kwarto bago sya naupo sa tabi ko. Kinakalabit nya ako pero hindi ko sya pinansin, hanggang sa hindi na sya nakatiis at tinawag na nya ako. "Hoy pansinin mo ko!" halata sa boses nya na napipikon na sya. "May pangalan ako wag mo akong tawaging hoy" sagot ko naman sa kanya. "Tsk!" yun na lang ang nasabi nya tapos nun ay nahiga na sya sa tabi ko. Kinukuha nya yung unan na nakatakip sa mukha ko pero ayaw kong ibigay. Sa totoo lang ay inaasar ko sya, may pagkapikon kasi itong si Megan kaya masarap asarin. "Sayo na yang unan ko magsama kayo bwisit ka!" sabi pa nya sa akin.

Inalis ko naman yung unan nya na nakatakip sa mukha ko at saka ko ito niyakap. Nakita ko naman yung nakabusangot na itsura ni Megan, hindi ko tuloy napigilang matawa dahil doon. "Anong nakakatawa?" tanong nya sa akin. "Yang mukha mo haha!" sabi ko naman sa kanya tapos nun ay hinampas nya ako sa aking braso.

"Walang araw ba na hindi mo ako kukulitin hah Tonette?" sabi nya, "Ikaw Megan, walang araw ba na hindi ka magsusungit sa akin?" inirapan naman nya ako. Nakaharap sa akin si Megan kaya naman humarap din ako sa kanya, konti lang ang agwat ng mga mukha naming dalawa. Nakatingin lang ako ng  diretso sa kanyang mata at ganun din sa akin, animo nasa staring contest kaming dalawa. Ramdam ko rin yung mabagal nyang paghinga.

"Megan" marahan kong tawag sa kanya, tinaas naman nya yung kilay nya bilang sagot sa tawag ko. "Ngiti ka nga" sabi ko sa kanya, parang magdalawang isip pa sya pero ngumiti rin sya. "Tapos ikunot mo yung noo mo habang nakangiti ka" sabi ko pa sa kanya at ginawa naman nya. Napatawa naman ako ng sobra dahil ang sagwa ng itsura nya habang nakangiti tapos nakakunot yung noo. "Heh! Bwisit ka pinagtitripan mo ako" sabi nya sa akin at humarap sa kabilang side ng kama.

Wala sa loob kong nayakap ko naman sya habang nakatalikod sa akin. Nagulat pa sya sa ginawa ko pero hinayaan nya lang ako. Naaamoy ko naman yung mabango nyang buhok habang yakap ko sya. Napapikit ako, kasi sa totoo lang attracted ako sa mga babaeng mabango ang buhok. Ewan ko pero parang weakness ko yun.

"Megan ang bango ng buhok mo, paamoy ako" sabi ko sa kanya. "Baliw hindi pa nga ako naliligo eh" sabi naman nya sa akin pero hindi pa rin sya gumagalaw mula sa pagkakayakap ko sa kanya. "Kahit na, mabango pa rin kahit na hindi ka pa naliligo" sabi ko sa kanya at isiniksik ang mukha ko sa batok nya.

Ipinikit ko ang aking mga mata, hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang na yakap ko si Megan. Kahit sya ay hindi rin nagsasalita, pero nararamdaman ko na malalim ang bawat paghinga nya.

"Megan?" tawag ko sa kanya. "Uhm?" maikli nyang sagot. "Harap ka sa akin" sabi ko sa kanya, sinunod naman nya ako at bumaling sya paharap sa akin. "Oh bakit" tanong nya sa akin. Isiniksik ko ang aking mukha sa leeg nya "Wala naman" sabi ko sa kanya. Binatukan naman nya ako "baliw wag kang magsalita nakikiliti ako" sabi naman nya.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang