Chapter 22

1.7K 56 5
                                    

Tonette's POV

Narito kami ni mama sa bahay, sinundo nya ako pati na rin ang kapatid ko. Umuwi kami sa probinsya. Hindi ko alam na umuwi na pala sya. Mabuti naman at naisipan nya kaming dalawin ng kapatid ko, matagal-tagal na rin noong huli ko syang nakita, mga walong taon na ata.

"Anak sabihin mo nga sa akin, girlfriend mo ba talaga ang babaeng iyon." panimula ni mama habang kumakain kaming tatlo ng hapunan.

"Sinabi ko na sayo di ba? Girlfriend ko sya." malamig kong sabi sa mama ko.

Ang totoo nyan ay ayoko syang makausap, may sama ako ng loob sa kanya. Ayaw ko syang makita o makasama. Kaya laking gulat ko nang makita ko sya noon.

"Kasi narinig kong nagtatanong sya sayo kung pwede ka nyang ligawa--- hindi ko na sya pinatapos pa, nagsalita na ako.

"She's my girlfriend. Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?" inis kong sabi sa kanya. Ano ba kasing pakialam nya sa buhay ko. Simula nang umalis sya, nagkandaleche-leche na ang buhay ko.

Tumayo na ako at pumanik sa aking kwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama. Bakit pa kasi kailangan pa nyang bumalik dito sa Pilipinas kung kailan okay na ako, at ang kapatid ko.

•flashback•

"Ma, I told you she's my everything. I love her so much." ani ko habang naiiyak akong nakatingin sa galit na galit nyang itsura. Hindi nya kasi matanggap na ang babaeng mahal ko ay anak pala ang ng kalaban namin sa negosyo.

"Ikaw naman, Reymundo. Bakit hindi mo pagsabihan iyang anak mo! I'm so disappointed in both of you. If only.." hindi na itinuloy ni mama ang sasabihin nya dahil dumating ang lola ko. Umalis na si mama.

•end of flashback•

Sa totoo lang mahal na mahal ko sya noon, yung babaeng unang nagpatibok ng puso ko. Pero hindi naman nagtagal ang relasyon namin, dahil bukod sa mga bata pa kami noon. Ay tutol din ang aming pamilya sa relasyon namin, dahil sa negosyo. Oo mas inisip pa nila ang sariling negosyo nila kaysa sa ikaliligaya ng anak nila.

Narinig ko ang marahang pagpihit ng doorknob ng pinto sa aking kwarto kaya naman napatingin ako doon. Nakita ko si lola na bahagyang nakangiti sa akin. Lumapit ito patungo sa kinaroroonan ko tapos ay naupo.

"Apo, may sama ka pa rin ba ng loob sa mama mo?" tanong sa akin ni lola. Hindi ako sumagot kaya naman napabuntong-hininga ito ng malalim.

"La, alam nyo naman lahat ng hirap ng dinanas natin dahil sa pang-iiwan nya, hindi ba?" balik kong tanong sa aking lola, tumango lamang ito at nanahimik.

"Simula noong umalis si mama dahil kinampihan ako ni papa dahil mahal ko sya, ni minsan hindi nya man lang magawang kamustahin kayo o ang kapatid ko." nagsisimula naman ng tumulo ang mga luha ko na pilit kong pinipigilan.

"Dahil ang totoo pala nyan, may kalaguyo sya sa ibang bansa. Hindi lang basta lalaki nya, high school lover nya pa." tumulo naman na ang luha ko na parang agos ng tubig na rumaragasa.

"At dahil don, dahil doon nagalit sa akin si papa. Itinakwil nya ako bilang anak. Ako ang sinisisi nya kung bakit umalis si mama at nagawang maghanap ng iba. Kinamuhian ako ng aking ama dahil sa ina kong taksil. Naiintindihan nyo ba yung nararamdaman ko lola?" nakatingin ako ng diresto sa mga mata ng lola ko habang patuloy na umiiyak. Ang lola ko naman ay hindi na rin napigilan ang kanyang iyak. Yumakap sya sa akin ng mahigpit.

"Na...iintin..di..han kita apo ko." kahit garalgal ang boses nya dahil sa pag-iyak ay nagsalita pa rin ito.

"Kaya La, alam nyo bang takot na akong magmahal ulit. Kasi natatakot ako na baka kapag nagkamali ako ay iiwan din ako ng taong mahal ko. Kasi kaya naman talaga nagkandaleche-leche ang buhay ko at nang kapatid ko ay dahil sa akin. Dahil sa lintik na pagmamahal ko sa isang taong dapat ay hindi mahalin." umiiling-iling ang lola ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Where stories live. Discover now