Chapter 15

2.7K 68 2
                                    

Tonette's POV

Ilang gabi na akong hindi nakakatulog nang dahil kay Megan. It's for you to find out yan ang paulit-ulit na naririnig ko sa aking isipan. Jeez... ano ba yung ibig sabihin nun. Na may gusto sya sa akin o mahal ba nya ako o baka naman gusto nya ng ano.. ng well nevermind. O ibig sabihin ba nun na nagseselos sya.

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa higaan ko. Tanungin ko kaya sya, baka naman sabihin nya. Eh it's for me to find out nga di ba. Nababaliw na ako kakaisip. Ayoko naman kasing mag-assume, sabi nga ng mga accountancy students. Never assume unless otherwise stated, right?

Tanungin ko kaya si Nel, baka sakaling alam nya. Pero aasarin naman ako nun kapag nagtanong ako dun, wag na lang pala. Kay Allisson na lang kaya, ay wag na lang din pala.

Hindi ko alam kung manhid ba ako o nagmamanhid-manhidan. Marunong naman akong makiramdam kaso ayoko ngang mag-assume. Tsaka paano kung mali ako di ba? Edi nganga ako. Hirap naman nito, hindi naman kami, hindi rin naman ako nanliligaw. Pero ewan ko ba kung anong meron kami.

Tawagan ko kaya sya? Ano namang sasabihin ko, wala rin naman akong sasabihin.

Lumabas muna ako sa unit ko para magpahangin sa labas. Kailangan atang marefresh ng isip ko dahil toxic na masyado kakaisip kay Megan. Pumunta na lang ako sa ministop para magpalamig. Pagdating ko sa ministop ay bibili sana ako ng chillz kaso lang may still freezing na nakalagay. Hindi ko alam kung bakit tuwing pupunta ako ng ministop para bumili ng chillz laging still freezing... hay.

Bumili na lang ako ng kariman na chocolate flavor dahil feeling ko nagkecrave ako sa chocolates. Nadedepressed na ata ako kakaisip kay Megan, ano ba kasing gustong ipahiwatig ng babaeng yon. Hindi ko sya maintindihan minsan.

Nasa trenta minutos din akong nakatambay sa convenience store bago umuwi sa aking unit. Nang paakyat na ako sa aking unit ay nakita ko si Nel na palabas. "Tonette, samahan mo ako bibili akong vitamilk" sabi nito sa akin. Kahit na tinatamad ako ay sinamahan ko na sya dahil hindi rin naman ako makakatulog pag-umuwi na ako.

"Tonette may nagsesex ata sa kapit-bahay namin" natatawang sabi ni Nel sa akin sabay inom sa binili nya. Nakaupo kami ngayon sa labas ng apartment namin. Dito muna kami tumambay para magkwentuhan, hindi rin siguro sya makatulog.

"Oh talaga? Paano mo naman nasabi" tanong ko sa aking kaibigan habang nakatingin sa pailan-ilang sasakyan na dumaraan sa kalsada. "Gagi paano kasi may uhm uhm akong naririnig dun noong isang gabi na bumili rin ako ng vitamilk. Eh hindi naman nanonood ng porn yun kasi noong bumili ko nang isang araw, ang tagal kong nakaistambay dito sa labas mga thirty minutes ata yun, tas nung pagbalik ko naririnig ko pa rin" mahabang kwento nito sa akin. Natatawa naman ako sa sinabi nya.

"Di ba babae yung nakaroom dun? Nakita ko yun nung minsang pumunta ako sa unit nyo" sabi ko naman, tumango ang aking kaibigan bilang sagot. "Oo nga dalawang babae, eh wala ata yung isa. Kaya yung isang babae lang at yung boyfriend nya" kumento nito. "Ah kaya naman pala, alam na" sabi ko na lang kay Nel. Nang matapos kaming magkwentuhan ay bumalik na rin kami sa aming unit.

Tiningnan ko naman ang cellphone ko kung may nagtext ba sa akin, unfortunately wala. Ganyan talaga kapag buhay single, puro TM lang ang nagtetext. Nakinig na lang ako ng music sa cellphone ko para naman magkasilbi ito. Mumurahin lang naman yung cellphone ko, yung nokia lang na may keypad. Yung sinasabi nilang pwedeng pang touching or whatever haha.

Valentines day ngayon pero wala akong pake sa mga taong pumoforever, hindi naman sa bitter ako o ano. Wala lang, wala naman kasi akong kadate hindi uso sa akin pati na rin sa mga kaibigan ko. Pwera nalang siguro kay Jasper dahil four years na sila ng girlfriend nya.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Kde žijí příběhy. Začni objevovat