Chapter Forty Seven (Part One)

Start from the beginning
                                    

Napangiti rin ako at hinalikan siya. Ang mga ngiti at tawa niya ang kumukumpleto ng araw ko. "Good morning." malambing na bati ko dahilan para tumawa siya at halikan ako ng dalawang magkasunod. "Good morning," bati niya. Yumuko siya para halikan ang tiyan ko at tulad ng lagi niyang ginagawa ay kinausap niya ang baby sa tiyan ko. Napangiti ako at dinama ang pamilyar na init na bumabalot sa puso ko.







"Pasensya ka na. Ikaw pa tuloy ang nagluto." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko at ang aking buhok.







"I am very pleased to cook for you and for our baby." sabi niya at masuyong hinaplos ang aking buhok. "Kung pwede nga lang ay lagi kitang ipagluluto." sabi niya. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko.







"Thank you. Lahat naman ng ginagawa mo para samin ni baby ay talagang na-a-appreciate ko. Tiyak na mauubos ko ito dahil napakasarap mong magluto." sabi ko sa kanya.







Tumawa siya na gustong-gusto ang narinig mula sakin. "Good to hear that babe." ngiti niya at hinalikan ako sa noo bago ako pinaupo. Inilagay niya sa kandungan ko ang tray.







"Kumain ka na babe para may lakas kayo ni baby at para makainom na rin kayo ng vitamins." sabi niya. Ramdam na ramdam mo talaga ang concern niya at pagmamahal para samin ng anak niya. Masasanay talaga ako ng husto sa pag-aalaga niya samin ng ganito ni baby.







Ngumiti ako sa kanya. "Maraming salamat." pasasalamat ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.







Kumain ako nang dinala ni Lucian. Sobrang sarap talaga niya magluto kaya naman talagang nauubos ko ang mga niluluto niya na ikinatuwa naman niya ng husto. Pagkatapos kumain ay uminom na rin ako ng mga vitamins para samin ni baby. Mahalaga iyon para maging healthy at safe si baby. Nagpasalamat ako sa kanya dahil siya na rin ang nagbaba nun sa kusina habang nag-aayos naman ako ng sarili. After nun ay naglalakad lakad kami ni Lucian sa labas para magpahangin. Makulimlim kahit na tanghaling tapat, nagbabadya ng pag-ulan.







Magkahawak kamay kami habang naglalakad. "Namimiss ko na agad ang Hacienda." sabi ko sa kanya. Kauuwi lang namin pero miss ko na agad ang Hacienda at ang mga taong naroon. 







Hinila niya ko palapit pa lalo sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Babalik tayo roon, pangako." sabi niya.







Tumango ako sa kanya at ngumiti. Alam kong babalik kami roon. Sabi nga ng mga pinsan ni Lucian ay sana makabalik kami roon sa bakasyon dahil doon sila sa Hacienda Paraiso nagbabakasyon. Gustuhin man namin ni Lucian na bumalik ay hindi muna pwede dahil seven to eight months na ang tiyan ko nun baka bigla na lang akong manganak doon. Safety na rin ni baby kaya sa susunod na bakasyon na lang kami pupunta roon sabi ni Lucian.





Nagulat ako nang bigla niya kong buhatin. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.





Ngumisi siya dahilan para matawa ako dahil nangingislap ang kapilyuhan sa mga mata niya. Nagsimula na siyang maglakad sa may dagat. Natawa ako. "Lucian please... ibaba mo ko." sabi ko sa kanya. Takot akong pumiglas nang husto dahil baka mahulog ako na alam ko namang hindi hahayaan ni Lucian pero hindi ko maiwasan, mabigat pa naman na ko at aminado ako roon dahil malaki na rin ang tiyan ko. Palaki na kasi ng palaki si baby.





Tumawa siya at binaba nga ako sa mababaw na parte ng dagat kung saan maaabot kami ng tubig galing sa malaking alon.





Tumawa ako at lumayo sa kanya bago pa tumama samin ang tubig pero hinawakan na niya ko. Napatili ako sa ginawa niya. "Lucian! Mababasa ako!" sabi ko sa kanya.






Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now