Prologue

73.2K 1K 122
                                    

Prologue










[A/N: Waahhh! Hello guyseu :) This is it! I'm so excited na mabasa niyo ito at malaman ang magiging reaksyon niyo hehe :) Finally :) Ito na po ulit tayo yie :) Ang ating Prologue :) Sana po magustuhan niyo :) Enjoy reading :) Kamsaranghae <3 I love you guyseu <3]










***





"I want you to carry my baby..."







Doon nagsimula ang kwento ng buhay ko sa piling ng lalaking minahal ko.






Oo. Sa mga salitang iyon nagsimula lahat.






Nakakatawa na sa mga linya niyang iyon nagsimula ang lahat ng ito. Masakit ang naging simula naming dalawa... At naging masakit pa rin ang naging katapusan naming dalawa.







My life is a full of mess I think I couldn't handle anymore. My life is a full of shit. Full of struggles. Full of pain. Full of tears.







Dumating ang isang bilyonaryong nagngangalang Lucian Antonio Salcedo Griffin sa buhay ko. Hindi ko alam na darating siya para makilala ko at babaguhin niya ng husto ang buhay ko. Oo. Binago niya ng malaki ang buong buhay ko.







Nagkaroon ng problema ang pamilya ko kaya wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang alok ng isang bilyonaryong dalhin ang anak nito kapalit ng tulong niya para maging maayos ang pamilya ko.








Noong una... Wala akong balak na tanggapin iyon dahil hindi ko kaya ang pinapagawa niya. Hindi ko siya lubusang kilala kaya hindi ko magawa ang gusto niya. Magsasama kami para magdalang tao ako sa anak niya at ibibigay ko sa kanya ang bata pagkapanganak ko rito. Hindi ko iyon maatim. Hindi ko kayang gawin pero dahil sa kagipitan... Nauwi lang din sa "Oo... Pumapayag na ko."








Tiniis ko lahat ng hirap sa piling ng bilyonaryong iyon. Tiniis ko lahat ng pasakit ni Lucian. Tiniis ko na tapak-tapakan niya ang pagkatao ko. Tiniis ko ang sakit sa tuwing naiisip na binayaran ako kapalit ng anak ko.






Akala ko makakayanan kong ibigay ang anak ko sa kanya. Pero hindi pala. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya.








Umihip ang malakas na hangin. Nakatunghay ako sa malawak na dagat. Napamahal na sakin ang tanawing may dagat. It always reminds me of so many things...








"Amanda... Kakain na." narinig kong sabi ni Timothy sakin mula sa likuran. Napalingon ako sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang makitang akong umiiyak. Nag-igting ang panga niya dahilan para madepina ang kagwapuhan niya. Nilapitan niya ako. Tinanggal ko ang tingin sa kanya at binalik ang tingin sa dagat.






"Susunod na ko..." napapaos na sabi ko at nagpunas ng luha. Sabi ko... Hindi na ko iiyak... Pero hindi mo pala mapipigilan kapag sobrang nasasaktan ka na.








"Umiiyak ka na naman." narinig kong sabi niya nang pinaharap niya ko sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin.








Akala ko... Running away from Lucian means I will move on... Pero hindi pala ganoon kadali. Hindi pala ganoon kadaling makalimutan lahat ng nangyari. Time heals all wounds. At ang sugat sa puso ko at pagkatao ay sadyang malaki na mahihilom lang sa matagal na panahon. Pero umaasa ako na sana mapabilis dahil ayoko ng masaktan palagi.







Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon