Chapter Twenty Seven

29K 504 53
                                    

Chapter Twenty Seven

Nakatadhana












[A/N: Annyeong guyseu:) Sorry kung ngayon lang. Ito ay maikli lamang pero nawa'y magustuhan niyo:) So ayun. Ito ang unang update ni Owtor para sa linggong ito. Tulad ng sabi ko nung nakaraang update ay susubukan kong mag-update thrice a week :) Sana magawa ni Owtor hahaha. So ayun... Enjoy reading guyseu :) Salamat <3 Saranghae <3]












***





Maaga kami nagising ni Lucian kinabukasan. Linggo ngayon at wala siyang pasok kaya magsisimba kaming dalawa. Si Phoenix kasi ay may meeting ngayong linggo kaya hindi siya makakasama. Hindi ko alam kung bakit kahit linggo ay may meeting siya.











"Ingat ka, Phoenix. I know you can get that deal." ngiti ko sa kanya. Alam ko magaling si Phoenix kaya madali na lang sa kanya iyon. Niyakap niya ko at hinalikan sa noo.











"Thank you, babe." he smiled while  caressing my cheek. 











"Good luck, Man." ngiti ni Lucian at tinapik sa balikat si Phoenix. Lumayo na si Phoenix sakin.










"Griffin to, Lucian kaya basic lang iyon." ngisi ni Phoenix.













"Sige na. Baka malate ka pa. Huwag kang babalik dito kapag hindi mo nakuha iyong deal." pagbabanta ni Lucian sa nagbibirong tono.












Tumawa si Phoenix. "Ayaw mo talaga ako paalisin kasi alam mong makukuha ko iyong deal. Don't worry... I'll treat you a beer if I close it." he grinned.












Tumawa si Lucian. "Sige na. Minana mo lang sakin iyon kasi mas matanda ako saiyo." sabi niyang tinawanan nito.












"Mauna na ko. Pray for me." paalam niya. 









Tumawa kami sa kanya at kumaway. "We will. Ingat!" paalam ko.










Kumaway lang din siya at nagpaalam na. Inakbayan ako ni Lucian habang hinahatid namin ng tingin ang papalayong kotse ni Phoenix.










"Sa tingin mo... Ayos lang si Phoenix? Mukha siyang walang tulog." sabi ko kay Lucian. Iniisip pa rin siguro ni Phoenix iyong nangyari sa kanilang magkapatid. Kahit naman kami ni Kuya kapag nagkakatampuhan ay ganoon din ang mararamdaman ko. Mahihirapan din ako.











"Don't worry about him... Kahit natutulog iyan, makukuha niya iyong deal." he confidently said to me. Na confident siya sa kakayanan ng kanyang pinsan.











Natawa ako at napailing. So confident. Well, totoo naman kasi ang sinasabi niya kaya hindi na ko tututol pa.










Nag-ayos na kami ni Lucian para makaalis na. Nauna naming pinuntahan ang simbahan para makapagsimba. Tinapos namin ang second mass. Masyado kasing maaga ang first mass kaya pinili namin ang second mass para masimulan namin.










Nang matapos ang mass ay nanatili pa muna kami roon. Nanalangin ako para magpasalamat sa biyaya Niya. Nagpapasalamat ako na hindi Niya ko binigo nang ipinaubaya ko na sa Kanya ang lahat. Hindi Niya ko binigo nang mga panahong sumuko na ko saming dalawa ni Lucian. Alam ko na ginabayan Niya kami ni Lucian kaya kami nagkaayos na dalawa. At napakalaki ng pasasalamat ko sa bagay na iyon.










Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon