Chapter Forty One

12.8K 334 48
                                    

Chapter Forty One

Marry Me











[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Waaahhh! Namiss ko kayo. Sorry mga bb dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-update. Sobrang busy po kasi ni Owtor ngayon huhu. Ito ay maikli lamang po. But don't worry. Nine chapters na lang naman kaya this month din tapos na siya. Please do not expect to much haha. Enjoy reading :) Marami pong salamat <3 God bless <3 Saranghae <3]












***

Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Sa dalawang araw na iyon ay nakatanggap naman ako ng text kay Lucian pero hanggang doon lang. Nagreply ako at tulad ng lagi kong inaasahan ay hindi na siya nagreply pa. Miss na miss ko na siya pero hanggang doon lang. Wala naman kasi akong magawa dahil wala siya ngayon dito sa piling ko. Ni hindi man lang siya gumagawa ng paraan para magkausap kaming dalawa. Hanggang text lang na hindi na siya nagrereply pagkatapos kong magreply. Nalulungkot ako at nasasaktan pero wala akong ibang magawa.







Sa loob ng dalawang araw ay si Timothy lagi ang kasama ko. Hindi ako nakaramdam ng lungkot sa tuwing kasama ko siya dahil ginagawa niya ang lahat para lang mapasaya ako pero hindi ko rin maiwasang maramdaman iyong lungkot at pangungulila kapag mag-isa ako sa gabi. Sa mga lumipas na araw ay talaga namang nangungulila ako ng husto kay Lucian pero wala akong magawa dahil alam kong abala siya.







Hindi na rin nagtatagal sina Cassandra at ang mga bata sa pamamasyal dahil nandiyan ang bantay saradong biyenan niya. May katulong itong dala na laging nakabantay kina Cassandra kaya limitado ang nagiging galaw ni Cassandra. Naaawa ako sa kanya. Alam kong hindi siya masaya pero ginagawa niya lahat para lang umayos na ang relasyon niya sa biyenan. 







"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Cassandra nang nakaupo kami sa may buhanginan habang pinagmamasdan namin ang mga bata kasama si Timothy na naglalaro ng habulan. Napapangiti ako sa tuwing makikita silang tumatawang tatlo. The kids seem to love Timothy too. Close na agad siya sa mga bata. Isang katangian niya ay iyong mabilis lang niyang makuha ang loob ng mga bata. Talaga naman kasing mahilig siya sa mga bata kaya naman madali na lang sa kanya na pakisamahan ang mga ito.








Ngumiti si Cassandra sakin at hinawakan ako sa kamay. "Ayos na. Nakakapag-adjust na rin ako ngayon. Namimiss lang namin ng mga bata si Cris. Next next week pa kasi siya makakauwi." sabi niya na mababakasan ang lungkot at pangungulila sa mga mata niya at boses niya.








Napangiti ako sa sinabi niya. "Masaya ako na marinig iyon, Cassandra. Mabuti at nakakapag-adjust ka na kahit paano. Kakayanin mo rin iyan." ngiti ko sa kanya. Ngumiti rin siya. "Saka parehas lang tayo. Miss na miss ko na din si Lucian. Pero this week na uuwi si Lucian." sabi ko pa at ngumiti. Ngayong malapit na uuwi si Lucian excited na ko sa muli naming pagkikita. Sana naman, manatili siya ng kahit ilang araw lang sa bahay dahil miss na miss ko na siya. Hindi na ko makapaghintay na uuwi siya. 







Ngumiti siya. "Masaya ko para sa inyo." ngiti niya. Ngumiti rin ako. Kung alam lang ni Cassandra na hindi na kami magkakausap ni Lucian simula nung umalis ito.







Nagpaalam na rin sina Cassandra at ang mga bata samin nang tawagin na sila. Malungkot na ngumiti sakin si Cassandra. Ngumiti na lang ako ng nakakaunawa sa kanya.







Naiwan kami ni Timothy roon. Tulad ng lagi naming ginagawa ay nagkukwentuhan lang kami sa bahay at kakain siya ng hapunan kasama ko bago siya uuwi. Hindi ko nga maiwasan ang laging sabihin kay Timothy kung gaano ko na kamiss si Lucian at masaya ko na makakauwi na siya.







Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon