Chapter 11

1.3K 35 3
                                    


Chapter 11

MABILIS na lumipas ang dalawang taon. Grumaduate na si Seth at binigyan siya ni Dad ng trabaho sa Mendoza Builders. Samantalang ako ay nasa third year college na.

Sa loob ng dalawang taong 'yon ay maraming nangyari. Nasubok ang relasyon namin ni Seth. Sure, just like a normal relationship we had fights that lasted for days. May mga pagkakataong halos di na kami magkita at mag-usap. Pero sa kabila lahat ng hindi magandang nangyari ay marami din kaming masasayang oras na magkasama. We both knew that all those misunderstandings and arguments make our relationship stronger.

Hindi naman kasi lahat ng relasyon ay puro saya at kilig lang. Minsan kinakailangang dumaan tayo sa mga pagsubok para makita kung gaano katatag ang isang relasyon. And if you're in that situation, its either you're gonna stay and fight for it or walk away.

"Hi, beautiful!" Hinalikan ako ni Seth sa pisngi at niyakap mula sa likuran

Umikot ako at niyakap siya pabalik. He nipped my chin with his fingers and kissed me.

"God, I missed you" he whispered between the kiss

"I missed you too, Love" I whispered back

Bahagya akong lumayo sa kanya. Nakabukas ang tatlong butones ng kanyang damit at bahagyang magulo ang kanyang buhok.

"Magpalit ka na" utos ko "Malapit ng maluto 'tong dinner na 'tin."

Natapos ko na ang schoolwork ko kaya nagdesisyon akong puntahan siya dito sa condo niya. Binigyan niya ako ng duplicate key para pwede akong pumasok dito sa loob kahit kailan ko gusto.

"Isa na lang" aniya at muli akong hinalikan sa labi.

Mas lalo niya akong hinapit sa bewang at pinalalim pa ang halik.

"Seth" I whispered at marahan siyang tinulak "Magpalit ka na"

Hinalikan niya ang aking noo pagkatapos ay lumabas na sa kitchen. Nanghihina akong napahawak sa countertop habang hinihingal. Damn, ganoon pa rin ang epekto ng halik niya sa akin.

Nang mabawi ko ang lakas ko ay inayos ko na ang lamesa at hinanda ang dinner namin.

"Hmm!" He moaned "This is good! Pwede na tayong magpakasal"

"Hindi pa po pwede" nangingiting sabi ko

"I know, but can you blame me if I want to marry you now?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito "I miss you every single day, Love"

"I know, me too. But we have to wait"

Tumango siya "Mabilis naman ang oras. Makakapaghintay pa ako"

PAGKATAPOS naming kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan namin at hinugasan ang mga ito.

Lumabas ako ng kusina at pumunta sa living room kung nasaan si Seth at nanonood ng TV. Umupo ako sa gitna niya isinandal ang likod ko sa dibdib niya. Mahigpit niya akong niyakap at inamoy ang buhok ko.

"Hmm... I miss this" he whispered

"Ako din" Tumango ako "Miss ko na 'yong kagaya ng dati. 'Yong palagi tayong magkasama, noong halos nasa atin lahat ng oras ng isa't-isa. Ngayon, halos hindi na tayo nagkikita. Minsan hanggang tawag at videocall na lang tayo."

"Tumatanda na kasi tayo" mahina siyang tumawa "But the changes are good, right? Tiis tiis na muna tayo. Pag nakaipon na tayo at pag kasal na tayo, pwede na nating bawiin 'yong mga panahong hindi tayo masyado nagkikita at magkasama."

"Yeah" I nodded my head "I guess you're right"

Nirelax ko ang aking sarili at tinuon ang atensyon ko sa TV. Siguro tama nga siya. Magbubunga din lahat ng mga pagtitiis naming dalawa. Ipinikit ko ang aking mga mata at maya-maya pa ay hinila na ako ng antok.

Till We Meet Again (YLS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon