Chapter 10

1.2K 31 0
                                    


Chapter 10

"CONGRATULATIONS, Darling" hinaplos ni Mommy ang aking pisngi

Grumaduate ako bilang valedictorian. Si Jess ang salutatorian at si Alyana naman ay first honor.

"Picture tayo!" Sabi ni Alyana

Nagpose kaming tatlo pagkatapos ay sumali sila Roy at Aaron. Nagpicture din kaming tatlo nila Mommy pagkatapos ay kaming dalawa ni Seth.

"Punta kayo sa bahay, ha. May handaan kaming prinipare para kay Kaiti" sabi ni Mommy sa mga kaibigan ko.

"Sige po, Tita" sagot nila

"Congratulations, Love" bati sa akin ni Seth at inabot ang bouquet "I'm so proud of you"

"Thank you, Love" tumingkayad ako at mabilis na dinampian ng halik ang kanyang labi

HINDI ko inasahan na maraming inimbitahan sila Mommy na mga bisita. Ang iba ay nagtatrabaho sa Mendoza Builders. Pinasara ni Mommy ang kanyang restaurant ngayong gabi at sila ang nagcater para sa graduation party ko.

Binati ako ng mga bisita at kinausap din ako ng mga kakilala ni Dad sa business world. Ang iba ay nage-expect na sundan ang yapak ni Daddy, pero hindi yata mangyayari 'yon dahil hindi ko nakikita ang sarili ko bilang isang engineer o architect. Nasabi ko na ang tungkol sa bagay na iyan kay Daddy at sabi niya ay hindi naman daw niya ako pipilitin kung ayaw ko. Kung ano daw ang gusto ko ay iyon ang masusunod. Ang gusto ko ay maging isang chef kagaya ng Mommy ko. I've always wanted to be like her.

Bumalik ako sa upuan kung nasaan ang mga kaibigan ko.

"Jess, where's Seth? I've been looking for him, pero hindi ko siya mahanap" luminga-linga ako

"Baka nandiyan lang 'yon" sagot niya

Siguro ay kausap siya ni Daddy. Nagkwentuhan kami ng mga kaibigan ko tungkol sa kung anong kukunin naming kurso sa kolehiyo.

Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin at humalik sa pisngi ko. Paglingon ko ay nakita ko si Seth. May hawak siyang mahabang box.

"Sorry, I'm late" he said apologetically

"It's okay" I smiled

"Pinagawa ko pa kasi 'to" inabot niya sa akin ang box "Open it"

Tinanggal ko ang ribbon na nakatali sa kahon at tsaka binuksan ang rectangular box. Sa loob nito ay isang charm bracelet. Mayroon itong sun, angel, pangalan niya at pangalan ko, heart, sun, ice cream na nasa cone, slipper, bahay, kotse, replica ng maliit na island, burger, cursive na 'love'.

Ang lahat ng nakalagay sa charm bracelet ay ang mga bagay na naging parte ng relasyon namin. Mga memories naming dalawa.

"Wow! I loved it!" Ngumiti ako sa kanya

Mabilis niya akong hinalikan sa labi. Kinuha niya ang bracelet mula sa kamay ko at isinuot ito sa kaliwang kamay ko.

"I love you, Love" he tucked a strand of hair behind my ear "And I'm so proud of you"

"I love you too and thank you, Love"

NAGMULAT ako ng mata dahil sa nararamdaman kong kiliti sa aking tainga. Handa na sana akong sigawan kung sino man 'yon ngunit ang guwapong mukha ni Seth ang sumalubong sa aking paningin.

"W-what are you doing here?" Kinusot ko ang aking mata bago umupo

"Good morning, Love. Breakfast in bed?" Ngumiti siya

"Pano ka nakapasok dito sa loob ng kuwarto ko?" Tanong ko

"Nagpaalam ako kila, Tita" sagot niya "Kumain ka na at may pupuntahan tayo"

Till We Meet Again (YLS#1) Where stories live. Discover now