Chapter 9

1.2K 32 0
                                    


Chapter 9

"GOOD morning, Love!" Naabutan ko si Seth na naghahanda sa lamesa at nandoon din ang mga kaibigan namin.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.

"Good morning, Kai!" Bati nilang lahat

"Kain na tayo" aya ni Jess "Marami tayong gagawin today"

"Sasabihin na ba natin sa kanila?" Bulong ni Seth habang inaalalayan akong umupo

Tumango ako at nginitian siya "Sige"

Tumikhim si Seth para kunin ang atensyon nilang lahat. Umupo siya sa tabi ko pagkatapos ay pinagsiklop ang aming mga kamay.

"Kami na" masayang sabi niya

Nanlaki ang mga mata nila Jess at Alyana.

"Congratulations!" Masayang bati nila Roy at Aaron sa amin.

"Totoo?" Di makapaniwalang tanong ni Jess

"Totoo nga" I giggled

"Oh my, God! Ang saya ko para sa inyong dalawa! Ang saya ko hipag!" Niyakap ako ni Jess

"Ako din! Finally! Kayo na!" Tili ni Alyana

"Eh tayo? Kailan magiging tayo?" Singit ni Roy

"Tumahimik ka" inirapan siya ni Alyana

HIGH neck bikini top ang sinuot ko at swim shorts. Nang matapos ng mag-ayos sina Jess at Alyana ay lumabas na kami. Naghihintay ang mga lalaki sa harap ng kwarto namin.

Agad akong nilapitan ni Seth at pinagsiklop ang mga kamay namin.

Ang una naming gagawin sa araw na ito ay ang zipline. First time kong gagawin 'to at aaminin kong kinakabahan ako. Nauna sina Alyana at Roy. Tawang-tawa kami ni Jess dahil sobrang lakas ng tili ni Alyana at inaaway pa niya si Roy. Pagkatapos nila ay kami ni Seth ang sumunod.

"You ready? Kinakabahan ka 'no?" Nang-aasar niyang sabi

Sinimangutan ko nga "Hindi ah"

"Sus" Inabot niya sa akin ang kamay niya "Hawakan mo lang kamay ko"

Nang magsimula na kaming umabante ay hindi ko mapigilan ang mapasigaw. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa hangin na sumasalubong sa akin.

"Open your eyes!" Utos sa akin ni Seth

Sinunod ko ang sinabi niya. Huminga ako ng malalim. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko halos ang kabuuan ng Paraiso the place looks so beautiful up here! The turquoise water and the vast green mountains looks surreal! Ang liliit ng mga tao mula dito sa taas.

"Maganda?" Tanong ni Seth

Ngumiti ako at tumango. Sobrang ganda.

Nang matapos kami ay sina Jess at Aaron ang sumunod. Bumalik kami sa baba at nagbanana boat.

ANG dami naming ginawa maghapon! Nag jetski kami ni Seth at nagsnorkeling din. Nang matapos namin ang mga activities ay doon ko lang naramdaman ang pagod. Pakiramdam ko ay pag humiga na ako sa kama ay agad akong makakatulog.

Nakaupo kami ngayon sa harapan ng bonfire. Katatapos lang namin kumain ng dinner.

"Tired?" Seth asked and tucked a piece of hair behind my ear

"Mm-hmm" I nodded and leaned my head on his shoulder "But I had so much fun"

"Me too" he kissed the top of my head

Till We Meet Again (YLS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon