Chapter 3

1.5K 39 1
                                    


Chapter 3

"MALAPIT na kami"

'Yan ang bungad sakin ni Jess nang sagutin ko ang tawag niya.

"Okay" sagot ko habang nagsusuot ng pantalon "Sobrang malapit na ba? Nagpapalit pa lang ako eh"

"I'm sure you have enough time to change" she answered "Kung hindi hintayin ka na lang namin sa harap ng bahay niyo"

"Okay"

"Huwag mong kalimutan 'yong mga damit mo" paalala niya "Pinayagan ka naman nila Tita na mag stay ka sa bahay ng two days di ba?"

"Yup! Nakapagpaalam na ako noong isang araw pa"

"Good. See you in a bit" then she ended the call

Chineck ko ang laman ng bag na may lamang damit, sinigurado ko ding hindi ko nakalimutan ang aking toiletries.

Nang tapos na akong ayusin ang aking sarili ay bumaba na ako. Nasa library si Daddy kaya doon ako dumiretso. Saktong pagpasok ko ay nandoon din si Mommy.

"Hey, Darling" My Mom greeted "Nandiyan na ba sila Jessica?"

"Malapit na daw po, pero hihintayin ko na lang sila sa labas" saad ko

"Okay" my Dad answered "Call us if something happens. Kung gusto mong umuwi o kung ano man tawagan mo lang kami"

"She'll be fine" minasahe ni Mommy ang balikat ni Daddy "Sila Jessica naman ang kasama niya. Mababait namang mga bata ang kaibigan ni Kai"

Muling pinulot ni Daddy ang isang folder niya "Hmm. Ayokong makapante. You promise us to call us?"

"Daddy!" I smiled and rolled my eyes "I'm just a few blocks away. Medyo malapit lang naman ang bahay nila Jessica eh"

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng suot kong pantalon. It's a message from Jessica, nasa harap na sila ng bahay.

"They're here" I informed "Alis na po ako"

"Ihatid na kita" sabi ni Mommy

"Mom" lumabi ako

"Okay, fine" she gave up "Basta mag-iingat kayo, okay?"

"Okay, Mom" pinihit ko ang seradura ng pintuan pagkatapos ay lumingon sa kanila "Love you both"

Mabilis kong tinahak ang double doors namin at nakita ko ang isang itim na van na nakapark sa harap ng bahay namin.

"Hi!" Bungad ng mga kaibigan ko nang buksan nila ang pintuan.

"Hello" bati ko pabalik sa kanila

"Here. Let me take your bag" ani Aaron

"Sa harap ka na umupo" ani Jess

"Huh? Bakit wala na bang space diyan?" Sumilip ako sa loob ng sasakyan

Sila Jess at Aaron ang nasa gitna, samantalang sina Roy at Alyana ang nasa likod. Marami pa namang space, pero bakit sa harapan ako?

"Go na!" May kakaiba sa ngiti ni Alyana "Sa harap ka na"

"Bakit? Ang dami pa namang space dito. Tabi na lang ako sa inyo Alyana" sabi ko

"Hep, Hep!" Agad na pagtigil sa akin ni Roy

"Hooray!" Sabi ng korning si Aaron

"Gago" sabay kinutasan ni Roy si Aaron "Sa harap ka na. Istorbo ka samin ni Alyana. Hindi ba, babe?" Nginitian niya si Alyana at inakbayan ito.

Till We Meet Again (YLS#1) Where stories live. Discover now