Chapter 5

1.3K 35 1
                                    


Chapter 5

NARINIG ko ang pagtunog ng doorbell kaya tumakbo ako papunta sa pintuan namin. Kinalma ko muna ang sarili ko at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko si Seth na ayos na ayos at may hawak na dalawang bouquet of flowers.

"Hi" he smiled sweetly

Hindi ko napigilang ngumiti "Hello" nilakihan ko ang pagbukas sa pinto "Pasok ka"

"Here's for you" inabot niya sa akin ang isang bouquet

"Thank you" I smiled

Pagkalingon ko ay nandoon na sa living room ang aking mga magulang. My Mom was smiling, while my Dad remained impassive.

"Good evening, Ma'am, Sir" he greeted them politely

Lumapit siya kay Mommy at inabot sa kanya ang bouquet. Nginitian siya ni Mommy at nag thank you. Samantalang nakipag shakehands siya kay Daddy.

Nagtungo kami sa dining room. Nagprepare talaga sila kahit na ayaw ni Daddy sana na papuntahin si Seth dito sa bahay dahil ayaw nila akong magpaligaw. Pero ang sabi ni Mommy ay mas maganda nga daw 'yong open kami sa kanila, mas maganda kung dito sa bahay at hindi 'yong tumatakas ako para makipagkita kay Seth.

"Nasa college ka na, hindi ba Seth?" Tanong ni Daddy kay Seth

"Opo, Tito" tumango si Seth

"What's your major?" Tanong niya

"Architecture po" Magalang na sagot niya

Hindi ko alam kung gusto kong matawa o ano dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kung hindi ko siya kilala ay maniniwala ako na napakabait niya.

"Bakit hindi engineering? Si Angelo Ignacio ang father mo, hindi ba? Bakit hindi ka gumaya sa kanya?" Pag-uusisa ni Daddy

"Kilala niyo po ang Daddy ni Seth Dad?" Tanong ko

"He's an acquaintance" My dad answered

Tumango-tango ako

"My mother was an architect, Tito. Gusto kong maging kagaya niya" simpleng sagot ni Seth

Naramdaman ko ang biglang pag-stiff ni Seth sa tabi ko. I'm assuming that this topic is making him uncomfortable. Hindi siya siguro sanay na pag-usapana ang tungkol sa mga magulang niya.

"Architect is good too" ngumiti si Mommy

Tumikhim si Dad at pinunsan ang gilid ng kanyang labi "Let me set things straight, Seth. I strictly told my daughter not to accept suitors not only because she's young but also because she's still in high school. I was once like you guys, hindi ako maghuhugas ng kamay at sasabihing matino akong lalaki noong kabataan ko. But I met my wife and everything's changed then. Aaminin ko na hindi maganda ang mga naririnig ko tungkol sayo at hindi ako sigurado kong dapat kitang hayaan na pasukin ang mundo ng anak ko."

"I understand, Tito" bumuntong hininga si Seth "Alam ko po na marami akong nagawang hindi maganda. Totoo po siguro na marami kayong narinig tungkol sa akin na kagaguhan, but like what you said you were once in my shoes, but you met your wife and that changed everything. The first time I saw Kaiti, I didn't approach her right away because I knew right then and there that I don't deserve her. She was like an angel walking gracefully. I said, I won't have a chance with her dahil magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Hindi ko na dapat siya lalapitan, but there's something that keep pulling me towards her. Alam ko po na masyado pa kaming bata, lalo na po si Kaiti, pero handa po akong itama ang lahat, handa po akong maghintay hanggang sa pwede na po siyang magka-boyfriend. At papayag din po ako sa lahat ng terms na ibibigay niyo. Rerespetuhin ko po kayo dahil magulang kayo ni Kaiti."

I wanted to melt at the moment. Punong-puno ng sincerity ang kanyang mga mata pati na din ang kanyang boses. How can I say no to this man now, kung alam kong unti-unti na akong nahuhulog sa kanya? At mas lalo akong humahanga sa kanya dahil pumayag siyang ligawan ako dito sa bahay, 'yong mga ibang nagtangkang manligaw sa akin ay hindi kayang gawin ang ginawa ni Seth. Para bang takot sila dahil siguro hindi sila ganoon kaseryoso para harapin ang mga magulang ko.

"Parang ikaw lang noon, Hon" my mother smiled nostalgically at my father "I remembered how your Tito Fred back when we were teenagers. He's known as a heartbreaker noon. A player, two timer-"

"Daddy!" I was shocked and teasing him at the same time

"Hey!" He put both of his hands in the air

"I didn't like him because of his reputation. Sabi ko baka kaya niya ako hinahabol ay dahil hindi ako kagaya ng ibang babae na nababaliw sa charm niya. But your Dad didn't stop until I fell in love with him" kwento ni Mommy "Besides napatunayan din niya sa akin noon na nagbago siya dahil mahal na mahal niya ako."

Tumingin ako kay Seth at nginitian siya. Parang pareho lang kami ni Mommy. I didn't like Seth dahil hindi siya 'yong tipo ko. Ayoko kasi ng gulo at sa tuwing may mga lumalapit kay Seth na babae ay napapaaway sila. Ayokong mangyari sa akain 'yon, pero siguro naman hindi hahayaan ni Seth na mangyari sa akin ang nangyari sa mga ibang babaeng na link sa kanya.

"Pagkakatiwalaan kita, Seth. At sana huwag mong sayangin ang tiwalang ibibigay ko sayo." Ani dad

"I won't, Tito Fred" sagot niya

My Dad smirked "You didn't promise"

"I'm not going to" ani Seth "Ayokong puro salita lang ang ibigay ko sayo Tito, Tita. I'm going to prove it na maganda ang intensyon ko kay Kaiti."

"Well then, I'm going to lay our terms. Gusto namin na dito sa bahay mo ligawan ang unica hija namin. Ayokong kung saan-saan mo siya kinikita dahil nakakawala ng respeto iyon sa side niya at sa amin na din. Hindi namin kayo pipigilang magdate. Kung gusto niyong lumabas na dalawa, magpaalam kayo at dapat alas nueve ng gabi ay nandito na siya."

Tumango-tango si Seth habang matiim na nakikinig sa mga sinasabi ni Daddy.

"And Seth, no kissing or beyond kissing" matigas na paalala ni Dad

"Naiintindihan ko po, Tito" magalang na sagot ni Seth

KAMING dalawa na lang ni Seth ang nasa living room. Iniwan kami nila Daddy para daw makapag-usap kaming dalawa ni Seth.

"Tell me, dapat din ba kitang haranain, kailangan ko din bang magsibak ng kahoy, at mag-igib ng tubig?" Pabiro niyang tanong

"Baliw!" Umirap ako at bahagayang tumawa

"Pero seryoso, masaya ako na nandito ako ngayon at binigyan nila ako ng chance para ipakita na malinis talaga ang intensyon ko sayo" pinisil niya ang kamay ko

"Kinabahan ka ba?" Tanong ko

"Hindi ah" tumuwid siya ng upo

"Weh?!" Tumawa ako "'Yong totoo?"

"Kunti lang" inirapan niya ako "First time kong humarap sa magulang ng babaeng nililigawan ko"

"Nanliligaw ka?" Nang-iinsulto kong sabi "Akala ko ako 'yong una. Kasi akala ko, wala sa vocabulary mo ang word na ligaw."

"Wala nga. Hindi nga ako marunong, tinanong ko lang kay Tito John kung paano manligaw" ngumisi siya "Sayo ko lang narinig 'yong salitang 'yon eh"

Tinampal ko ang braso niya "Never ka pa talagang nanligaw?"

Umiling siya "Pag gusto ako nung babae at gusto ko din siya, kami na agad. Doon din naman kasi 'yon papunta kaya bakit pa namin patatagalin"

"Parang instant noddles lang pala sayo ang pakikipagrelasyon 'no? Lagyan mo lang ng mainit na tubig at okay na. Hindi pinaghihirapan" komento ko

Tumango siya. "That's how you know that the relationship I've been was worthless due to lack of effort. Ang dali kong nakuha kaya para walang halaga."

"Pero para sa akin handa kang mag-effort?"

"Yes, because I know your worth it. Gusto ko na pag naging tayo mag-work ang relationship natin." Hinaplos niya ang aking pisngi. "Ayokong magaya ang relasyon natin sa naging relasyon ko sa mga ibang babae."

Hinawakan ko ang kamay niya "Magiging worth it ang lahat"

Till We Meet Again (YLS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon