Prologue

3.7K 76 1
                                    


Prologue

It was a chilly evening when I went out to buy a tea at my favorite coffee shop. The cold December breeze welcomed me when I opened the door. I almost dropped my cup of tea when I bumped into someone.

I looked up and to my surprise... To my surprise... I bumped into someone I haven't seen for years. I felt my chest tightened at the sight of him. All the memories we shared together came rushing down at that very moment.

"Hi!" He said awkwardly

"H-hello!" I greeted back trying not to break down right here, in front of him.

Why is that?! All these years I thought I'm already okay? I thought... Ugh! This is frustrating!

"Kamusta na?" Mahina niyang tanong "It's been six years"

"Yeah. It's been six years" I smiled sadly, pero bumawi din ako agad. I tried to lighten up the air between us "Okay lang. Ikaw? Musta ka na?"

"Ito, okay lang" ngumiti siya. And with that, bumigay na ang lahat, ang nararamdaman ko pati na ang puso ko.

He hasn't changed. I mean physically. Ganoon pa rin siya, matipuno ang pangangatawan at guwapo. The bristles on his face are visible, but it didn't make him any less handsome.

"It's nice to see you again, Kaiti" he said sincerely.

"Likewise, Seth" I smiled "I-I'll go ahead"

He nodded "Till we meet again"

"Till we meet again" I nodded

Humugot ako ng malalim na hininga. "Till we meet again" I scoffed at the thought. 'Yan ata ang paborito naming linya dahil 'yan ang linyang binitawan namin sa isa't-isa nang maghiwalay kami.

Habang naglalakad ako pabalik sa condo ko ay parang may nakabara sa aking lalamunan. Pakiramdam ko ay naninikip ang aking dibdib at hindi ako makahinga. Nanginginig ang aking mga kamay hindi dahil sa malamig na simoy ng hangin kundi dahil kay Seth. Dahil sa nararamdaman ko para kay Seth.

I'm not going to deny it and I'm fucking mad at myself for feeling this way. Ang tagal ko siyang hindi nakita. Ni pictures niya ay iniwasan kong tignan. Simula nang maghiwalay kami ay binura ko lahat ng mga pictures namin sa cellphone at laptop ko. Ang ibang pictures pati na din ang memory cards kung saan ay punong-puno iyon ng maraming masasayang alaala namin ay hindi ko tinapon, pero nakalagay iyon sa isang kahon. Mula noong itinambak ko iyon sa basement ng bahay ng aking mga magulang ay hindi ko na iyon ulit pinakialaman pa.

Matagal akong nagmove on. Hindi ganoon kadaling kalimutan si Seth dahil isa siya sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pero gaya ng mga iba diyan, nauwi ang relasyon namin sa hiwalayan.

Noong nakilala ko si Seth ay naging mas maliwanag ang aking mundo. Masaya na ako noong hindi ko pa siya nakilala, pero mas naging masaya pa ako noong dumating siya.

Kaya siguro ganoon. Kaya siguro isang tingin lang ulit, kahit saglit ko lang narinig ulit 'yong boses niya lahat ng nararamdaman ko para sa kanya noon ay muling nagbalik.

Ganoon na lang 'yon, na parang 'yong pagmomove on ko ay wala lang. Lahat ng effort ko na kalimutan siya ay naitapon lahat sa bintana ng ganoon lang. Naglaho na parang bula. Na parang kahapon lang nangyari ang lahat. Pakiramdam ko, kailangan kong magsimula ulit.

Marahan kong pinunasan ang mga luhang nag-unahan sa aking pisngi. Kailangan kong kayanin at kailangan kong kalimutan siya dahil hindi ako sigurado kung pareho kami ng nararamdaman. Matagal na nang huli kaming nagkita at sigurado akong marami ng nagbago sa buhay niya. Marami na siyang kinalimutan sa nakaraan at sigurado ako... isa na doon 'yong pagmamahal niya para sa akin.

Till We Meet Again (YLS#1) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora