Chapter 2

1.6K 29 0
                                    


Chapter 2

"THANKS for the ride!" Pasasalamat ko kay Seth nang tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

"Anytime!" He smiled

"Nga pala, Kai" tawag pansin ni Jessa "Text na lang kita kung anong oras ka namin susunduin bukas."

"Sige" tumango ako at bumaba na

Si Manang ang sumalubong sa akin nang buksan ko ang pintuan. Wala pa si Mommy dahil nasa hospital pa sila. Si Daddy naman ay nasa daan na pabalik dito sa Santa Cruz.

MAG-ISA akong kumain ng hapunan. Dumating na si Daddy kanina lang ngunit agad din siyang dumiretso sa hospital. Tinawagan din ako ni Mommy para siguraduhing nagdinner na ako.

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa banyo para maligo at nang matapos ay nagpalit ng pantulog.

Umupo ako sa harap ng study table ko para ipagpatuloy ang ginagawang homework kanina. Tatapusin ko na ito ngayon para wala akong iisipin this weekend.

Habang nagsusulat ako ay biglang umilaw at nagvibrate ang cellphone ko. Binuksan ko iyon para tignan kung kanino galing ang message.

Jess:

Kinukuha ni Seth number mo. Bibigay ko ba?

Ako:

Bakit daw?

Jess:

For project purpose daw. Hahahahahaha

Nasapo ko ang noo ko at hindi ko napigilang tumawa. Baliw talaga!

Tumatawa ako habang nagtitipa ng reply.

Ako:

Huwag mo ibigay. Baka i-scam ako. Mukha pa namang member ng budol-budol 'yang pinsan mo.

Kung gusto man niya kunin niya sa akin ng personal, hindi 'yong kung kani-kanino niya kinukuha ang number ko.

Nagulat na lang ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang bumilis ang pintig ng aking puso. Parang naghihina pa ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone ko na nagriring.

I shook my head. It's probably just Jessica. Baka bumenta sa kanya ang joke ko kaya siya tumatawag para lang iparinig sa akin ang malakas niyang halakhak.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

"What Jessica Annette Ignacio?" I slightly yelled "Was my joke that funny that you have to call me?"

Nakarinig ako ng kung anong ingay sa background, narinig ko ang pagsigaw ni Jessica ngunit hindi ko maintindihan. Ang pagsarado ng pintuan ang sumunod kong narinig.

"So, I look like a scammer?" Rinig ko ang amusement sa kanyang tono

Parang hindi siya makapaniwala na ganoon ang sinabi ko tungkol sa kanya. Nahuli ko na lang ang sarili ko na nakangiti.

"Hindi kasi lahat ng guwapo ay mukhang matino" sagot ko "'Yong mga iba mukhang manloloko. Most of them actually."

"Pinapatamaan mo ba ako or you're talking from experience?" Parang nakikita ko siya ngayon na nakangiti

"Dipende" nagkibit balikat ako

"Sandali, sa tingin mo guwapo ako?" Mangha niyang tanong

Nawala ang ngiti ko at humugot ng hangin dahil parang kinakapos ako ng hangin "Uhm. Hindi ah! Ang assuming mo naman."

"You're cute" he chuckled

"Whatever" umirap ako habang nakangiti

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. Why do I feel giddy?! Hindi ako dapat kinikilig dahil paniguradong ginagawa niya 'to sa lahat ng mga babae. Hindi ako dapat magpadala.

Till We Meet Again (YLS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon