"Ikaw na ang martyr ng taon. Matulog na nga tayo at may game pa kami bukas." sabi ko kay Deanna pero hindi siya sumagot

"Deanna?" sabi ko ulit

Aba, nakatulog na pala ang loko. Nakayakap pa rin siya sa akin at nakasiksik na parang sobrang sikip ng sofa. Ayaw ko na sana siyang gisingin kaso baka sumakit ang katawan namin pareho kapag ganito ang pwesto namin pagtulog.

Ilang beses kong sinubukang gisingin siya pero tulog mantika pala ang batang 'to. Wala na akong nagawa kung hindi buhatin siya.

Ang tangkad niya pero ang gaan niya kaya hindi ako nahirapan na dalahin siya sa kwarto. Kinumutan ko na siya at iniwan sa kwarto. Kumuha ako ng extrang kumot at unan dahil sa sala na lang ako matutulog. Nakakahiya kasing tumabi kay Deanna at storage naman yung kabilang kwarto kaya hindi rin magagamit.

Ayos na yung higaan ko for tonight at matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jia, tumatawag sa akin.

"Hello?" sagot ko sa tawag niya

"Hello, Jema. Sorry kung tumawag ako this late. Kanina pa kasi namin hinahanap si Deanna. Kahit yung best friend niyang si Luigi hindi alam kung nasaan siya. We're hoping na maybe alam mo kung nasaan siya? Wala na kasi kaming mapagtanungan and nakita ko sa IG story mo na magkasama kayo before ng training nila." mabilis na sabi ni Jia na halatang nagpa-panic. Ngayon ko lang nalaman na marunong pala mag-panic ang isang Jia Morado

"Jia, calm down. She's with me. Nandito kami sa apartment ko. Sorry if hindi ko agad nasabi sa inyo." sagot ko kay Jia

"Thank God she's safe. Thank you, Jema. Ikaw na muna sana ang bahala sa kaniya, ha? Ibabalita ko na sa lady eagles na nandiyan siya. Sorry sa abala. Good night, Jema." sabi niya with a sigh of relief

"No problem. Hindi kayo abala. Ako na bahala sa batang 'to. Makakabalik siya nang buo sa Katipunan. Good night, Jia." sagot ko kay Jia at binaba na niya ang tawag

Napagdesisyunan ko namang matulog na dahil may game pa kami mamaya. Kailangan naming makabawi.

Deanna

I don't know why pero bigla akong nagising. Napabangon ako bigla nang maramdaman ko na nasa kama ako. Nakapatay ang ilaw kaya medyo natakot ako.

"Ate Kat? Ate?" sabi ko before I realized na this bed is too big para maging bed ko sa dorm then naalala ko na pumunta nga pala ako sa apartment ni Jema after what happened sa BEG. So it means nandito ako sa kwarto ni Jema?

Napatayo ako bigla kasi that also means na I'm alone in the dark! I did my best to get out as fast as I can. Hindi ako makatulog when the lights are on pero takot din ako sa dilim kaya hindi ako makatulog kapag wala akong kasama.

Nang makalabas ako, pumunta ako sa sala and saw Jema peacefully sleeping sa sofa. Ako na nga ang nakikituloy dito tapos siya pa ang natutulog doon. Nakakahiya na.

What should I do? Hindi ako makatulog kapag mag-isa lang ako. Natatakot din naman akong mag-stay dito sa sala. Hay, bahala na nga!

"J-jema" i said softly habang kinakalabit siya

"Jessicaaaaa" sabi ko ulit kasi hindi pa siya nagigising

"Hmmm bakit? May problema ba, Dean?" sagot niya sa akin habang nakapikit pa ang isang mata

"I'm scared if mag-isa lang ako doon. Samahan mo ako, please. Tabi na tayo matulog" sabi ko sa kaniya habang hinihila yung kamay niya

"Okay, okay. Sasama na." sagot niya naman at hinila na lang yung kumot na gamit niya pero yung unan iniwan niya na

The OneWhere stories live. Discover now