Nag-paliwanag din si Prinsipe Visal. Mula nang mawala siya hanggang sa hindi niya inaasahang pagbabalik dito. Hindi ako makaniwalang magagawa 'yon ni Prinsipe Rael.

"Kung ganoon ay mga impostor ang nandirito at kasama ni Ama." sambit ko.

Tumingin ako kay Visal

"...at wala kang balak na bumalik."

"Patawad, aking kapatid, ngunit nagbago na ang aking hangarin." nakangiting sambit ni Visal at hinawakan ang mga kamay ko at tumingin sa mga nasa harapan namin.

"Mananatili ako rito at hindi kita pababayaan. Pangako 'yan, aking kapatid." sinserong sambit ni Visal.

Hindi ko namalayang bumagsak na ang luha ko.

Hindi ko na napigilang yakapin ito nang mahigpit at mas lalo akong naluha dahil sa pagyakap nito sa akin pabalik.

Ito ang unang pagkakataong naramdaman kong may pamilya akong natitira at may kapatid. Na may magpaparamdam na may kakampi ako at po-protekta sa akin. Mukha lang akong matapang ngunit takot na takot akong makasal sa taong hindi ko gusto lalo na dahil alam ko ang reputasyon ng Hari ng Tamir at ang kahahantungan ko roon.

"Waaah! Aking binibini, wag ka nang umiyak. Iyak din si Taki." -Taki

"Oo nga, Cane." -Lihtan

"Mga iyakin." -Tenere

"Sira, umiiyak ka rin." -Simone

"Hindi ko mapigilan, huhuhu." -Cane

Hindi ko mapigilang matawa sa mga itsura nila. Nakapalibot sila kay Cane at di ko malaman kung nagtatalo o pinatatahan ang isa't isa. Kakaiba ang grupong ito, hindi ko maipaliwanag. Ngunit hindi maikakaila ang pagpapahalaga nila sa isa't isa.

Pakiramdam ko, umatras lahat ng luha ko dahil sa kanila.

"Cane..." tawag ni Visal dito.

"Magiging mahusay at mabuti akong Prinsipe at magiging Hari ng Hydor. Maraming salamat sa lahat ng tulong at aral na binigay at itinuro sa akin. Maraming salamat dahil may nakita kang kabutihan sa akin at binuksan ang puso, isip at tainga ko sa lahat. Salamat, hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa lahat ng kabutihan niyo, maraming salamat dahil nakilala ko kayo."

Nagulat ako nang lumuhod at yumuko si Visal sa harap ng mga ito.

"Hindi ko kayo bibiguin, Prinsesa Cane, Simone, Lihtan, Tenere at Taki!"

"Tumayo ka at humarap sa amin, Kamahalan." mahinahon at seryosong utos ni Cane.

Hindi ko maintindihan ngunit parang napakataas nitong tao nang sabihin 'yon. Nakangiti naman ang mga kasama niya, maliban sa lalaking nasa tabi niya na laging seryoso pero mararamdaman mong masaya.

"Prinsesa Cane."

Ginulo ni Cane ang buhok ni Visal habang nakangiti.

"Aasahan ko 'yan, Kamahalan. Masaya kaming makilala ka at ikinararangal naming mapagsilbihan ka." -Cane

"Ayaw mo ba talagang makasal sa akin, Prinsesa Cane?" -Visal

"Hahahaha. Hindi maaari." natatawang sagot ni Cane at ako lang ang nakakita ng pasimpleng sulyap nito sa katabi niyang lalaki na seryoso at nakasimangot ngunit biglang namula dahil sa pagsulyap ni Cane.

"Manigas ka. Sa amin lang siya. Sa amin ang aking binibini!" -Taki

"Hindi mo siya binibini!" -Visal

Napanganga ako sa pakikipagtalo ng kapatid ko. Para silang mga bata.

"Aking binibini siya! Siya lamang ang nag-iisang binibini ko sa buhay ko!" -Taki

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now