Pahina 56

25.3K 1K 231
                                    

Pahina 56
The Unexpected Gift


Pinaraanan ko ng daliri ang magarang damit na nasa harapan ko at napatingin sa suot kong singsing.
Biglang bumukas ang pinto.

“Sigurado ka ba, Cane na hindi ka sasabay sa amin?” muling tanong ni Tenere na napakakisig sa suot na puting tuxedo, ngumiti ako at tumango.

Sinilip ko ang likod niya, hindi niya kasama sina Lihtan at Taki.

“Ayos lang ako. Ikaw na ang bahala kina Lihtan at Taki.” malaking tulong ang pagdedesisyon ni Tenere. Sa kanilang tatlo ay siya ang maaasahan sa pakikipag-usap sa mga matataas na immortal.

“Hahakot ng maraming pagtataka kung sasabay ako sa inyo.” lumapit si Tenere sa akin.

“Hindi ‘yon maiiwasan.” Natigilan ako sa sinabi nito at kalaunan ay napatango.

Nag-mature na talaga si Tenere. Nakangiting ginulo ko ang buhok niya, lumamlam ang mga mata ni Tenere at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

“Ibibigay ko ang lahat ng makapagpapasaya sa’yo, Cane. Sabihin mo lang.” naiwan akong tulala.

Nang matauhan ay hinabol ko si Tenere na nakapamulsang naglalakad at likod niya na lang ang nakikita ko.

“Tenere!” gulat na lumingon siya sa akin.

“Wag kayong mawawala! Yun ang magpapasaya sa akin! Tuparin mo! Pingke-twer!” tinaas ko ang pingke-twer na trademark namin.

Sumabog ang halakhak ni Tenere at itinaas ang pingke-twer niya.

“Pingke-twer.” di ko alam kung namamalikmata ako pero nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Tenere.


Third Person’s Point of View

Humampas ang ugong tanda ng pagbibigay alam sa presensya ng mga hindi inaasahang pagbabalik ng mga makapangyarihan at kinatatakutang Panginoon ng ‘Monstrous Realm’.

Buong panganib na naglakad ang tatlo.

Ang tatlong Panginoon ng mga Halimaw. Matapang ang tindig, blangko ang mga mukha at puno ng kaseryosohan ang mga gwapong mukha. Mararamdaman sa buong Realm ang pinapamalas na mabigat na presensya ng mga ito.

Makikita ang mangha at respeto ng mga nakatingin sa mga ito.

“You all deserve to be the Monstrous Lord.” puri ni Lord Gilbert, na nakaupo sa trono. Nabasag ang tensyon nang magsalita ito.

Nakangising nag-isang hakbang si Tenere na nakapagpatigil sa Panginoon ng Light Realm.

“The pleasure is mine, Gilbert.” napasinghap ang mga nakarinig. Lalo na sa nakamasid na matang hindi inaasahan na ang muling pagkikita nila ay labis na pagbabago ang masasaksihan sa mga kaibigan.

Hindi niya makita at makapa ang mga halimaw na mapaglaro, laging maingay at laging kumikinang ang mga mata sa saya.

Marunong na rin makaintindi at magsalita ng ibang lenggwahe ang mga ito.

Sumabog ang halakhak ni Lord Gilbert.

“HAHAHAHAHAHAHA!”

Hindi maiwasan ni Simone na mag-alala dahil sa sagot nito sa Panginoon ng Light Realm.

“Is something wrong?” tanong ng katabi na si Goddess Mariah nang mapansin ang tensyon dito.

“You're friends are full of surprises, brother.” ngisi ni Lucifer.

“You knew them? They're your friends?” Hindi inaasahang nalaman ni Goddess Mariah.

“Why don't you talk with them? Our Father is not going anyway or do you want me to greet them first?” tumayo si Lucifer bago pa mapigilan ng kapatid na madilim ang mukha.

Nakangising naglakad si Lucifer sa gitna kung saan nakatayo ang tatlong Panginoon ng Monstrous Realm.

“It's been a—” di makapaniwala ang lahat nang lagpasan at hindi binigyang pansin ng tatlo ang successor ng Dark Realm ang kinatatakutan at kilalang si Lucifer.

“Oww! That was...savage?” pigil ang ngising komento ni Lord Regis, ang Panginoon ng Phantom Realm.

Dumilim ang mukha ni Lucifer sa insultong natanggap.

Walang emosyong nilingon ni Taki si Lucifer at nilampasan muli ng tingin na para bang napaka-walang kwenta nitong bagay at hindi makitaan ng kahit anong interes.

“Stop it, Lucifer.” Malamig na sambit ni Simone at humarang sa harapan nito.

“That's right, you're doing the right thing. Because if you don't, don't blame us for not being nice, Simone.” Natigilan si Simone sa sinabi ni Taki.

“Hah...hahaha!” hindi makapaniwalang halakhak ni Lucifer at nagtiim-bagang.

“We are ordered to be courteous.” sambit ni Lihtan at ngumiti nang makahulugan.

Naiwang tulala si Simone, pabalang na tinanggal ni Lucifer ang hawak sa kanya at inis na bumalik sa trono.

Wala sa sariling humarang si Simone sa harapan nina Tenere, Lihtan at Taki.

Bumigat ang tensyon sa paligid.

“Bakit kayo nandito?” seryosong tanong ni Simone. Nanatiling nakatingin sa kanya ang tatlo.

“Damn it! Why! You're supposed to protect her!” tumaas ang boses ni Simone at namula ang mukha sa galit.

Umugong ng bulungan ang paligid.

“This place is not safe-”

“Kalma, Maha-Simone! Alam namin!” nakasimangot na sambit ni Tenere at muntik nang matawag itong ‘Mahal’.

Lumapit si Lihtan kay Simone at mahinang bumulong.

“Mauubusan kami ng English, Simone. Wag ka nang makulit.” seryosong bulong ni Lihtan na kinanganga ni Simone.

Seryosong tumango si Taki na para bang pinaparating na ‘tama-si-Lihtan-parang awa-mo-na-look’.

Seryosong tinapik ni Tenere ang balikat ni Simone.

Sa paningin ng mga nasa paligid ay may tensyon sa pagitan ng apat at may pagtatalong nagaganap dahil sa mga seryosong mukha ng mga ito.

Naiwang awang ang bibig ni Simone habang nakatingin sa likod ng tatlo niyang baliw na mga kaibigan. Napahilot si Simone sa kanyang sintido na ginagawa niya sa t’wing nasstress o may mga kalokohang pinaggagawa ang mga may saltik niyang kaibigan.

Tumayo si Goddess Mariah, nalipat ang atensyon ng lahat dito na naglalakad patungo kay Simone.

“Are you alright? They are shameless! How dare them to humiliate you.”

Nang makaupo ang tatlong Panginoon ng Monstrous Realm ay nagpatuloy ang kasiyahan.

Sabay sabay na nagpakawala ng buntong hininga sina Lihtan, Tenere at Taki.

“Ang kulit ni Simone.” Seryosong sambit ni Taki.

Seryosong nilingon ni Lihtan si Taki.

“Taki, tingnan mo mukha ko, seryoso pa rin ba?” seryosong tanong ni Lihtan.

Seryosong tumango si Taki.

“Tenere, ayos ka lang?” seryosong tanong ni Lihtan.

Seryosong tumango si Tenere.

“Ayusin mo ang mukha mo, Tenere. Wag kang ngumiti. Seryoso lang sabi ni Cane.” Seryosong saway ni Lihtan.

“Taki, sigurado ka bang di tayo naririnig?” seryosong tanong ni Lihtan.

“Oo, kontrolado ko ang tunog dito.” seryosong sambit ni Taki.

“Magaling, Taki.” gusto man ni Taki mapangiwi ay pinigilan niya dahil sa panggagaya ni Lihtan kay Cane.

“Dadating ba ang aking binibini, Tenere?” seryosong tanong ni Taki.

“Kukuha ako ng pagkain-” seryosong paalam sana ni Lihtan nang samaan siya ng tingin nina Tenere at Taki.

“Manahimik ka riyan.” -Tenere/Taki.

Pinagmasdan ni Simone ang tatlo na seryosong nag-uusap at nasisiguro niyang kung ano ano ang pinagdidiskusyonan. Nahuli niya ang seryosong pagtanaw ni Lihtan sa mga nakahandang pagkain at napabuntong hininga.

Hindi niya alam kung matutuwa dahil mga sira ulo pa rin ang mga kaibigan o masisiraan dahil siguradong sasakit lang ang ulo niya sa mga ito.

Nag-aalala namang nakatingin si Goddess Mariah dahil sa paulit ulit na buntong hininga ni Simone.

“I'm going to kill those bastards!” masamang tingin ni Lucifer sa mga ito.

“Don't you dare, I'll kill you first before that happens.” Malamig na banta ni Simone.

“Why are you defending them? They deserve to die.” Sambit ni Goddess Mariah.

“Shut up.” Mariing sambit ni Simone.

Natigilan ang buong paligid nang may maramdamang makapangyarihang presensya. Sabay na dumating at magkasama ang Panginoon ng Glory Realm at Dark Realm.

Natahimik ang buong paligid.

“Hmm...” may naglalarong ngisi ni Lord Regis dahil sa lantarang pagtapat ni Lord Sebastian ang Panginoon ng Dark Realm sa tatlong halimaw. Nakamasid ang Panginoon ng Glory Realm na si Lord Archangel sa mga nagbalik na Panginoon. Mga tulad nilang immortal na Panginoon at makapangyarihan.

Biglang bumalot ang magandang musika sa paligid na pumutol sa tensyon.

“Narito nga kayo.” nakangiti nang mapanganib na pahayag ni Lord Sebastian.

Nanatiling tahimik ang tatlong halimaw. Ito ang unang beses na nakaharap nila ang nilalang na nagsimula ng lahat ng kasamaan at delubyong nagaganap.

“At narito ka rin.” Seryosong sambit ni Taki, mahina at pasimpleng kinurot ni Tenere si Taki.

Humanga naman ang mga nasa paligid sa walang takot na pagsagot ng isa sa mga Panginoon ng Monstrous Realm.

“Salamat sa mainit na pagbati, masiyahan ka sana sa munting selebrasyon na ito.” Seryosong pahayag ni Tenere at itinaas ang kamay upang ihatid sa trono ang mga immortal na Panginoon.

Pinanood ng lahat ang pag-akyat sa trono ng dalawang makapangyarihang Panginoon.

“Bago ang lahat, nais kong ihandog ang aking regalo para sa inyong pagbabalik, Monstrous Lords!” maligayang sambit ni Lord Gilbert.

Inilabas ang pila pilang regalo. Mga kumikinang na alahas, sandata at marami pang iba at higit sa lahat ay ang Immortal Fox na nasa hawla. Napasinghap ang lahat sa mga regalong inilabas. Lahat ay matataas na klase at mahirap makuha sa mundo ng Immortal Realm at higit sa lahat, ang Immortal Fox na kasama sa mga handog. Ang Immortal Fox na mula pa sa mga pinakasinaunang Immortal Gods at ang kapangyarihan ng Fox na ito ay di naiiba sa mga halimaw ng Monstrous Realm.

Hindi inaasahan ng mga Panginoon ng bawat Realm ang regalong inilabas ng Light Realm lalo na ang misteryosong pagpapakitang muli ni Lord Gilbert.

“Hindi namin ito tatanggihan, nasa iyo ang taos-pusong pasasalamat namin, Gilbert.” seryosong pasasalamat ni Tenere.

“Sabihin niyo lang kung may kailangan kayo, bukas ang Light Realm sa anumang negosasyon.” natutuwang sambit ni Lord Gilbert.

“Hmm, napaka-mapagbigay mo, Lord Gilbert.” komento ni Lord Regis na nakahalumbabang nakangisi.

“Nasa karakter ko ang pagiging mapagbigay, hindi mo alam?” aliw na ngisi ni Lord Gilbert at itinaas ang kopita sa lahat.

Walang emosyong itinaas ni Lord Sebastian ang kopita habang nakatingin kay Lord Gilbert na para bang may tinatago.

“Hm, tama ka, Lord Gilbert. Hayaan niyong ibigay ko ang aking handog.” sa isang pitik ay pila pilang lumabas ang napakaraming regalo. Nagulat ang mga nakasaksi nang lumabas ang pila pilang sandata. Kilala ang Phantom Realm sa hindi pagiging mapag-bigay lalo na pagdating sa mga sandata o iba't ibang armas dahil ang kanilang armas ay ang pinakamataas na kalidad at hindi ordinaryo sa lahat.

“Sana’y maging maganda ang ating relasyon, Monstrous Realm at maaari ko bang malaman kung nasaan siya?” nakangiting tanong ni Lord Regis.

Sumama ang tingin ng tatlong halimaw dito.

“Magkakaibigan tayo, di ba?” awat ni Lord Regis sa binibigay na tingin ng tatlong halimaw.

“Sino ang hinahanap mo, Lord Regis?” tanong ni Lord Archangel.

“Uh, may isang binibini akong nakilala mula rito.” Nakangising sagot ni Lord Regis.

“Bihira ka lamang magkainteres sa isang babae, gusto kong makilala rin ito.” sambit ni Lord Archangel. Nakangising tumango si Lord Regis.

Sunod na inilabas ay ang regalo ng Glory Realm at sa huli...

“Paumanhin, hindi nag-abala ng kahit anong regalo ang Dark Realm.” -Lucifer

“Ayos lang, magagawan iyan ng paraan.” Sambit ni Taki nang seryoso, bumakas ang pagkalito ng lahat.

Tumugtog ang magandang musika sa buong paligid.

“Sana'y masiyahan ang lahat.” pahayag ni Tenere at inilahad ang kamay. Naengganyo ang lahat sa ganda ng musika at nagpares na magsayaw.

Maraming nag-aalok ng sayaw kay Goddess Mariah at marami rin ang lumalapit kay Simone na masamang tinitingnan ni Goddess Mariah.

Kilalang kilala sa buong Realm ang pinakanangunguna sa kagandahan na si Goddess Mariah. Marami ring ibang tinuturing na Goddess of Beauties ang Immortal Realm na hindi nalalayo sa lebel ni Goddess Mariah.

Tulad na lang ng isa sa mga Goddess of Beauties na si Goddess Grace ng Light Realm na nasa harapan ngayon ni Tenere.

“Tss.” iling ni Simone nang makitang nakangising tinanggap ni Tenere ang alok ni Goddess Grace.

‘Playboy.’ iling na komento sa sarili sa kaibigang halimaw.

Nag-simula namang pasimple at dahan dahang kumain si Lihtan na seryoso pa rin ang mukha.

Tahimik na umiinom naman si Taki nang seryoso. Alam niyang mahina sa alak ito at di maiwasan ni Simone na mangamba dahil alam niyang may saltik ito pag nalalasing. Biglang naghahamon ng away at kung ano anong kabaliwan ang ginagawa.

“Are you really okay?” muling tanong ni Goddess Mariah dahil sa malalim na pagpapakawala ng buntong hininga ni Simone.

“Why don't you have fun? Magsayaw kayo.” nakangiting suhestyon ni Lord Archangel.

“I decline, I'm not feeling well.” halatang stress na tanggi ni Simone.

“Kung ganoon ay maaari ka nang umalis at magpahinga.” seryosong sambit ni Lord Sebastian. Masamang tiningnan ito ni Simone.

“I'll stay.”

Binalik ni Simone ang tingin sa tatlong baliw na kaibigan.

Maraming lumalapit na magagandang babae na mabilis na tinatanggihan ni Simone na lihim na kinadiwang ng loob ni Goddess Mariah. Sa lahat ng babae sa buong Realm ay pakiramdam niya ay napakapalad niya dahil siya lang ang nakakalapit dito at nakakatabi.

Hawak ang noo ay nakayuko si Simone habang nakatingin ang nakangiting si Goddess Mariah ay biglang may kamay na naglahad sa harapan nito.

Naestatwa si Simone nang makita ang pamilyar na kamay, isang singsing na pamilyar sa kanya. Ang singsing na katulad ng suot niya. Tila bumagal ang paghinga at oras nang unti unti ay nag-angat siya sa babaeng nakataklob ang mukha. Tumibok nang malakas ang puso niya na para bang kinikilala ang nasa harapan.

“Faster, baby.” nanginginig na itinaas ni Simone ang kamay at nang tuluyang mahawakan niya ito ay nasisiguro niya.

Nasisiguro niyang ang kamay na ito ang matagal niya nang gustong mahawakan. Hinila siya nito. Napatigil sa pagsasayaw ang lahat. Napatayo sa gulat si Goddess Mariah.

Napaahon sa pagkakaupo ang Panginoon ng bawat Realm.

Humaplos ang dalawang pares ng malambot na kamay sa pisngi ng lumuluhang si Simone at pinunasan ito nang marahan. Bumakas ang matinding pangungulila sa gwapong mukha nito at hinawakan ang mga kamay ng misteryosang babae at dinama ito.

“Ah...are you really... Damn... D-damn are you r-real?” umaasang tanong ni Simone at bakas ang maraming emosyon na lumalarawan sa gwapong mukha nito.

“Iyakin ka pa rin, Simone.” sa sobrang katahimikan ay narinig iyon ng lahat.

Dahil sa malakas na pwersa ng hangin ay lumipad ang kapa at taklob ng misteryosang babae.

Natulala ang lahat nang matunghayan ang misteryosang babae.

“My Hurricane... My bride...” tila nananaginip na usal ni Simone at hinaplos ang mukha nito at buong pagmamahal na tiningnan.

Kinuha ni Cane ang mga kamay nito patungo sa kanyang baywang at isinabit ang mga kamay sa leeg ng lalaki.

“I like the music, Simone. It's romantic, right?” nakangiting tanong niya sa tulalang si Simone na siya lang ang nakikita.

“Now...let me take a look at you. You seem well and healthy mukhang alagang alaga ka, mukhang dapat kong pasalamatan ang nag-alaga sa’yo habang wala ako. Come on, baby. Magpapasalamat ako kay Goddess Mariah?” nakangiting hinila niya si Simone na sunud-sunuran at nakabawi sa pagkagulat nang makita sa harapan si Goddess Mariah na masama ang tingin sa babaeng mahal niya. Mabilis siyang humarang sa harapan ni Goddess Mariah at masamang tiningnan ito.

“Simone, behave.” Napanganga ang lahat nang huminahon ang mukha nito. Hindi inaalis ang tingin kay Goddess Mariah na hinila niya ang matipunong bisig ng lalaki at pinulupot sa baywang na nagpapahayag ng pag-aari.

“Thank you for taking care of him, Goddess Mariah.” nakangiting sambit ni Hurricane Thurston.

“Who are you?” walang emosyong tanong ni Goddess Mariah.

“Oh. Allow me to introduce myself. My name is Hurricane ‘Cane’ for short! I am 19 years old and I live at far far away, hehehe!” makulit na pakilala niya sa lahat.

“She's my bride.” Seryosong sambit ni Simone na hindi inaalis ang tingin sa dalaga at mas hinapit ang baywang nito.

“Oh! Look! Bigay ito sa akin ni Simone! It's very beautiful!” nakangiting itinaas ni Cane ang kamay na may simpleng singsing na kapareho ng suot ni Simone.

“S-Simone.” utal na tawag ni Goddess Mariah.

“Hmm. What is this Simone? Are you cheating on me?” namilog ang mga mata ni Simone

“W-What the hell? I'm very in love with you! You don't know what I've been through! I'm very-” naputol ang pagwawala ni Simone sa pagpapaliwanag ng sarili nang kabigan siya ng halik ng babaeng mahal niya.

Napasinghap ang lahat sa nasaksihan.

“I know. I know. You're so cute.” Namumulang tumikhim si Simone at ngumiti.

“Before anything else, let me see my father-in-law.” seryosong nilingon ni Cane si Lord Sebastian na madilim at seryoso ang mukha.

“Hm. Hello, there! Dahil wala kang regalo sa pagbabalik ng mga kaibigan ko bakit hindi mo na lang iregalo sa amin ang anak mo?” nakangiting suhestyon niya rito.

“Tama! Tama! Magandang ideya ‘yan, Cane!” seryosong sang-ayon ni Tenere na kinagulat ng lahat.

“Hindi na rin masama para gawing regalo iyan, Cane.” tumatangong sang-ayon ni Lihtan na pilit na nagseseryoso.

“Kung ganoon, wala na kaming magagawa kundi tanggapin ang regalo ni Lord Sebastian!” seryosong sambit ni Taki na namumungay ang mata sa kalasingan.

“What the...” nakasimangot na bulong ni Simone at hindi makapaniwala sa pinagsasabi ng tatlong baliw na halimaw. Nalipat ang tingin ni Simone sa pinaka-lider ng kalokohan ng mga ito, ang babaeng mahal niya na tila proud na proud sa mga ito.

“They are making me proud, Simone.” Napasapo si Simone sa noo at nagpakawala ng mahina tawa.

He's finally back.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon