Chapter VIII : Notice by Him

20 3 0
                                    


"Next!" rinig kung sigaw nung kung sino man yun.

Nagdadalawang isip na tuloy ako kung tutuloy pa ba ako sa table niya para magpaperma o umuwi nalang?

Parang hindi ko na kakayanin ang kahihiyan na nagawa ko ngayong araw eh.

"Paki bilisan Miss! Marami pang naka pila!" medyo malakas na sigaw nung babae kaya medyo natauhan ako at dali-daling lumapit sa table niya habang naka yuko.

Feeling ko maiiyak na ako! Huehue

He knows how sensitive I am pagdating sa mga ganyang tono, yung pasigaw.

I swear I'm not used to it. I may be a bit spoiled brat, mahilig manigaw, kunti ang pasensya at mukhang walang pakialam pero hindi ako sanay na nasisigawan. Sounds unfair pero hindi talaga ako sanay na ginaganyan.

Now I look pitiful! Para akong tuta na napagalitan ng amo niya. Nakayuko habang mahinang naglalakad patungo sa kanya.

I wonder what he feels right now? Is he mad at me? Disappointed?

Ugh! How I wish hindi nalang talaga ako pumunta sa event nato. It's really not my thing!

Pagdating ko dun nilapag ko ang apat na librong papepermahan ko tsaka binigay sa babaeng nasa harap ang cellphone ko. Para mag pa picture.

Hindi ko na sana gagawin yun since hindi naman kailangan dahil marami naman kami nun pero ginawa ko nalang para hindi na sila magtaka.

Pagkatapos inayos niya na agad ang libro tsaka inabot sa akin. Pero bago ko pa man makuha ang libro ramdam kung hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi ko alam kung sinadya niya ba yun, oh sadyang sumagi lang talaga yung kamay niya ng 'di sinasadya. Ugh! Napapraning na 'ko.

Hindi ko man siya matingnan ramdam kung naka tingin siya sa akin. Dali-dali ko nalang kinuha ang libro at mahinang naglakad pabalik sa upuan ko habang naka yuko parin ng makarinig na naman ako ng bulong-bulongan...

"What the F! Sinundan siya ng tingin ni Kyah Kib!"

"Oh my! Ang swerte ni Ate tiningnan siya ni Kuya!"

" Waahh!! Ba't naman kase ang ganda niya. Dapat nag mask nalang siya."

" Ayoko na!! Ang unfair!!

"Siya yung nakita natin sa labas kanina diba? Sabi ko ng itago siya ehh!"

"Attracted ata si Kib sa kanya! Waahh! I kennttt!"

Bigla naman akong na curious kung sino ang tinutukoy nila.

Syempre girlfriend ako kaya dapat lang na alam ko kung may bagong kinababaliwan ang boyfriend ko.

Unti-unti kung tinaas ang naka yuko kung ulo at tiningnan ang pinag mulan ng mga boses na nagbubulongan.

Nagulat ako ng sa akin sila naka tingin. Kaya kahit labag sa loob ko pinihit ko ang ulo ko papunta sa direksyon niya upang tingnan siya at laking gulat ko ng makitang naka tingin nga siya sakin.

Hindi ko alam kung anong klaseng tingin yung binitawan niya sakin. Galit ba siya dahil sa agaw eksenang ginawa ko kanina? O naaawa siya dahil nasigawan ako ng staff? O dismayado siya sa pinaggagawa ko? Hindi ko alam!

Inirapan ko nalang siya at naglakad nalang ulit ako pero imbis na bumalik sa pwesto ko dumiritso na ako sa exit.

Gusto ko ng umuwi! This place is irritating! Annoying!!!

Hindi ko alam pero mukhang nawala na ang self-confidence ko. Ikaw ba naman mataasan ng boses ng staff sa harap ng boyfriend mo kung di ka ba mahiya!

That Author is my BoyfriendWhere stories live. Discover now