Chapter 24

44 2 0
                                    

Princess' POV:

"Nagtext si Natasha na hinatid na siya ni Kurt pauwi dahil sa sakit ng puson niya." sabi ko kay Fionah, naglalakad na kaming apat papunta sa room.

"Oh sige sabihin mo nalang na magingat siya." nagnod naman ako bilang tugon.

"Nga pala, bakit hindi na pumapasok si Kiefer?" nagtatakang tanong ko sa dalawa, simula kasi nung di makapasok si Athena, napansin kong di narin siya pumapasok.

"Ah yun ba? baka binabantayan yung girlfriend niya." natatawang sagot ni Kristian pati si Kristopher tumawa narin.

"Girlfriend?? may girlfriend na yun?" nagtatakang tanong naman ni Fionah.

"Di namin alam, wala pa kaming update eh ang alam namin nililigawan niya pa muna." saad naman ni Kristopher.

"Wow ah! uso pala sa kanya ang salitang ligaw." sarcastic kong sagot naman.

"Excuse me, hindi lang sa kanya uso ang salitang ligaw kundi kaming tatlo din alam gawin yun!" pagtataray ni Kristian.

"Ah talaga lang ha? Di halata sa itsura mo." pangaasar ko sa kanya.

"Sige ipaparamdam ko sayo." nakasmirk niyang sabi.

"Ikaw? ay wag na, over my dead body di ako papatol sayo, maski sa panaginip." taas kilay kong sabi na halatang kinainit niya ng ulo hahahaha pikon na siya.

"As. if. namang. gagawin. ko. talaga. yun? Assuming na tomboy tss." pagdidiin niyang sabi.

"Tama na nga yan, nagaaway na naman kayo." pagaawat samin ni Fionah sabay hila sa akin paupo na sa tabi niya.
______________________________

Athena's POV:

"Gutom ka na ba? gusto mo magorder na ko ng lunch natin?" tanong sakin ni Kiefer, nandito kami sa kwarto ko. HEP! HEP! HEP! walang nangyari o mangyayari samin! ARASSO?

"Sige." nakangiti kong sagot. "Anong gusto mo?" tanong niya ulit. hmmm "KFC nalang."

"Pwede ka ng pumasok ulit Kurt, salamat sa paghatid sakin." rinig ko sa labas, si Natasha ba yun? kaya tumayo ako at naglakad ng paika-ika sa pinto para silipin kung may tao ba talaga.

"Wala narin ako sa moood pumasok eh kaya dito na muna ako." sagot naman ni Kurt? bat andito siya?

"Hindi na hehe nandito naman si Athena eh na kasama ko." -Natasha

"Athena? anong ginagawa mo diyan? baka matum---"

"Sssshhhhh!!! wag kang maingay." mahinang sabi ko sa kanya. OH! EM! GEE! hindi pwedeng malaman ni Natasha na nandito si Kiefer.

Kaya ni-lock ko yung pinto at tinulak si KIefer, saaan ko ba siya itatago?

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya.

"Anjan si Natasha, di niya pwedeng malaman na nandito ka! baka kung anong isipin nun!" pagpapaliwanag ko.

"Athena si Natasha to, kumain ka na ba?" tanong ni Natasha sa labas habang kumakatok.

"Dun ka muna sa CR!" sabi ko kay Kiefer habang tinutulak siya papasok dun.

"Athena? may kasama ka ba diyan?" tanog niya ulit habang kumakatok. Kaya lumapit na ako sa pinto para pagbuksan siya nung makita kong nakapasok na si Kiefer sa CR.

"Ah w-wala! n-nanood lang ako ng KDRama." alibi ko. "Teka bat naging ganyan ang uniform mo?" nagtatakang tanong ko para kasing ginunting na ewan.

"ah w-wala hehehe, s-sige maliligo lang ako saglit after nun kakain na tayo." sabi niya at naglakad na papuntang kwarto niya.

"Nagluluto na ako ng lunch natin wag na kayong magorder kung sakali." sigaw naman ni Kurt na nasa kusina. Ano namang ginagawa niyan? Bat kaya kasama niyang umuwi si Natasha?

"Sige." sagot naman ni Natasha. Parang may naaamoy ako sa dalawang ito ah.

The Four Nobody's and The Campus KingsWhere stories live. Discover now